Nakasara na ang mga ilaw at tanging flashlight ko galing sa iPhone ang dahilan bakit nakikita ko ang bawat tinatapakan. Ayaw kong magising sila. Madalas ko namang ginagawa 'to lalo na kung bored talaga ako sa buhay ko at night is life ang gusto ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng successful akong nakalabas ng bahay. Agad kong hinanap ang sasakyan ni Johen dahil sabi niya, nandito na raw siya pero wala.
Pinagloloko niya ba 'ko?
"Psst!" Ang paswit na iyon ay galing sa may gilid. Hindi ko napansin na may kung ano pala 'don dahil sa bukod medyo madilim ay wala ang salamin ko sa mata. Kinapa ko ang bag ko sa loob at sinuot na nga. At ang buhay ko ay naging maliwanag ng muli.
"Johen?" Tanong ko dahil medyo madilim talaga at hugis lang ng katawan niya ang nakikinita ko.
Nakasakay siya sa motor habang itinutulak 'to. Hindi ito 'yong tipo ng motor na mala-yayamanin at bad guyz motor kundi simpleng Mio lang. Nakasuot na sa kaniya ang itim na helmet at ngumiti sa akin. Hindi ko na tuloy mapigilang ngumiti. Bakit gan'to? Konting pagpapakita lang ng kung ano- na-aattach na ako.
Masyado yatang nagiging mabilis ang phase ng pakiki-pagkaibigan ko. Tipong 'di 'ko pa sigurado kung tamang landas ba ang patutunguhan namin at nasa tuwid na daan ba kami?
"Tara!" Masaya niyang sambit at ini-abot sa akin ang isa pang helmet na kulay green.
Sinuot ko nang mabuti ang helmet at hindi ko pa rin alam kung paano ako sasakay ng tama sa motor. Nakasakay naman ako kahit papaano sa mga ganito, kaso matagal na. And it's so awkward!
"Nakasakay ka na ba sa motor?"
"Oo pero matagal na." tugon ko.
"Huwag kang mag-alala. 'Di kita hahayaang mahulog." Ini-abot niya ang kaniyang kamay at inalalayan akong umangkas sa motor. Naka piggy back ride ako at kumapit sa likod ng motor. Halos madalas gawin ng mga nakikita ko ngayon.
"Mahihirapan akong magbalance. Humawak ka nalang sa may tiyan ko o kaya sa balikat." suggestion niya bago ini-start ang motor.
"Hayaan mo, 'di ako magpapabigat." Tangi kong sagot.
Nang unti-unti ng tumakbo, hindi ko maiwasang mapatili dahil feeling ko mahuhulog ako. Sa sobrang bilis namin...
"Syet!" Sigaw ko at napayakap ako ng wala sa oras. Idinikit ko pa ang mukha ko sa likod niya dahil sa takot. Don't get me wrong. Mahilig naman ako sa mga extreme rides pero doon kasi sigurado akong 80% safe. Tungkol naman dito sa sinasakyan ko, ang dami na kasing nababalitaang na-aaksidente at namamatay kaya natatakot ako.
Isang malakas na tawa naman ang naririnig kong tugon ni Johen sa mga 'syet' at 'f*ck' ko na mura. Nakaka walang poise ang mga nagaganap. Kahit wala naman talaga 'ko.
Huminto muna kami sa isang hypermarket at nagpark. Hindi kami kumikibo sa isa't isa pero alam ko na dapat susunod ako sa kaniya. Ayaw ko naman magfeeling Reyna.
Pagpasok pa lang namangha na ako. Ang daming hypermarket green plastik! Nakaka in love. Halos tumulo ang laway ko sa kakatitigan ko sa mga 'yon ng bigla akong kalabitin ni Johen.
"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.
"Yeah! Favorite ko lang kasing nakikita ang green lalo na 'tong hypermarket green." tugon ko. Tumango naman siya at naglakad na. Sumunod naman ako sa kaniya at ako na ang nag-insist na magtulak ng pushcart. Halos naglalagay lang siya ng iba't ibang snacks na makakain at mga ma-iinom.
Siya naman ang nagbayad pagdating sa counter. In-insist niya rin pero wala naman talagang pipigil sa kaniya. Wala naman kasi akong pera.
"Pakisulat na lang po ang pangalan for the raffle." Sambit ng babae at ini-abot kay Johen ang papel.
"Naku! 'Di ako suwerte sa mga ganito. Ikaw na lang isusulat ko." Tumingin siya sa akin at aaktong magsusulat.
"Teka! Yung pangalan ko a? Hindi as in Ulan kundi R-A-Y-N-E ."
"Oh, kaya naman?" aniya at itinuloy na ang pagsulat.
"Ikaw na lang magsulat ng contact number and address."
"Sige!" Kinuha ko na iyon at isinulat na nga ng kumpleto ang mga kailangan. Napagtanto ko na ang pangit talaga ng sulat ko lalo na ngayon kung ikukumpara sa sulat ni Johen.
Naaalala ko na naman ang kaklase ko noon na sinabihan akong puwede akong mag-Doctor dahil sa sulat ko."Tinry kasi kitang i-search nang isang araw kaso walang lumilitaw. Kaya naman pala, hindi Rain ang spelling." Panimula niyang kuwento habang naglalakad kami pabalik sa motor.
"Ini-i-stalk mo 'ko!" Biro ko na parang nagpatigil sa kaniya. Hala!
"Joke lang, uy!" Sigaw ko at medyo tumawa naman siya. Ang resulta, parehas na kaming tahimik sa paglalakad.
"Akin na." Kinuha niya ang kaisa-isang plastik sa akin at sinabit sa maliit na sabitan sa may tapakan niya sa harapan.
Sumakay na ulit ako at this time, hindi na ako masyadong natatakot. In-enjoy ko na lang ang view at 'di naman ako nagsisi. Ang hangin na tumatama sa mukha ko na napakalamig, ang madilim na paligid na tanging mga poste lamang ang nagbibigay ilaw at napaka tahimik na daan ay tila nakagagaan talaga sa loob.
We stop as we reached our destination. Manila Bay.
"Is it okay?" Tanong niya sa akin na may halong pag-aalala.
"Yes! Basta nasa labas ng bahay, okay lang!" tugon ko naman at umupo na sa may gilid. Niramdam ko ang gabi.
"Baka inaantok ka na? Niyaya pa kasi kita. Hilig ko kasing umaalis tuwing gabi. Nocturnal kumbaga." sambit niya habang binubuksan ang isang bag of chips.
"Nocturnal din ako, don't worry! Buti na lang at nakahanap na rin ako ng kamukha ko!" Tumawa ako itinali ko ang buhok para hindi maging gaanong sagabal. Tumayo ako at tumayo sa may harang para makapunta sa dagat. Naglalakad lang ako at nakaramdam ako ng sumusunod sa akin.
"Ba't gumagaya ka?" Pang-iinis na tanong ko sa kaniya. Para ba akong bata umasta?
"Gusto ko. Nalulula nga ako e." tugon niya at binilisan ang lakad at sa akin lang nakatingin. Halatang natatakot siya na mahulog.
"Dahan-dahan lang! Baka pati ako mahulog!" Sigaw ko at tumakbo sa kaniya papalayo. Pero mabilis siya dahil naabutan niya ako.
"Hayaan mo. Kapag nahulog ka, magpapahulog din ako. . ."
"Let's fall together. "
Kahit ilang oras na ako sa kama ko, hindi ko pa rin makalimutan ang kanina. I enjoyed that moment. At parang may kakaiba pa rin akong naiisip kanina. No, Rayne! Just erase that!
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
RandomIf two ordinary stories collide. Is there a possibility that it will be an extraordinary one? The author who lives with Her own mess. Her own story that she calls a life. The normal human being who lives with His own havoc. An author. Not a stranger...