Epistolary #35

881 8 0
                                    

Shana Sy
Good evening senpai.
8:45 PM

Renzo Kian
Evening.
8:47 PM

Shana Sy
Ay? Wala bang good dyan?
8:49 PM
seen

Shana Sy
Siniseen moko T_T
8:50 PM
seen

Shana Sy
Busy ka ata. Sige ah, magaasignment muna ako. Baka makakuha ako ng 3 bukas sa exam sa math. My god! I hate math!
8:52 PM
seen

Shana Sy
Babye senpai. Kumain ka kung hindi ka pa nakakain. Tas magshower para fresh :D. Hehe juk. Tas mag takdang aralin karin. Lmao.
8:55 PM
seen

Renzo Kian
Ganun ganun nalang?
8:57 PM

Shana Sy
Hala? Bakit?
8:59 PM

Renzo Kian
Hindi mo man lang ako tatanungin kung bakit ako nagalit sayo?
9:01 PM

Shana Sy
Alam ko naman eh.
9:03 PM
seen

Shana Sy
Natatakot nga kasi ako. Ayokong makipagkita sayo! Natatakot ako na baka talikuran moko at last chat na natin ito! Hindi mo man lang ba naisip kung anong mangyayari kapag pumayag akong makipagkita sayo? Kian, I don't want you to be hurt... again.
9:05 PM

Shana Sy
Wag mo ng itanong kung sino ba ako.
9:07 PM
seen

Shana Sy
May story ako.
9:10 PM

Shana Sy
There's a girl. Who secretly inlove with you. Who wish to be notice and hoping that someday, Renzo Kian Alonzo, will love her back. Pero wala, e. Napakamanhid mo para hindi maramdaman at makita ang feelings nya sayo. The girl still continue to chase you even if it hurts inside, sige parin sya ng sige. Hanggang sa magreply ikaw sa chat nya sayo. Good news yun, pero bad news ang mga masasakit na reply mo sa kanya.
9:13 PM
seen

Renzo Kian
Sino ka ba talaga?
9:16 PM

Shana Sy
I'm Shana Sy :). Yung babaeng nanggugulo sayo araw-araw. But hey, yung babaeng tinutukoy ko sa story ay hindi ako. Icecredits ko sana dah di naman yan akin. Nakita ko lang sa confession ng isang page sa facebook. Tas pangalan mo yung tinutukoy ni girl kaya ayun. Sino ba yun?
9:20 PM

Shana Sy
Ayieeee! May secret admirer na sya! Sin yung girl ha? Grabe ka naman makareply ng masasama sa kanya. Masakit kaya yun.
9:21 PM
seen

Shana Sy
Ay? Kinilig ka sa story? Oh my! Baka fan mo lang yun at ginamit ang pangalan mo para manotice mo sya? Yiee, peymus ka pala petmalu!
9:23 PM

Renzo Kian
May story rin ako
9:25 PM

Shana Sy
Ano? Hala O_O sige sige sige
9:26 PM

Renzo Kian
There's a boy, who's completely addicted to anime and doesn't know how to talk to girls. Until she came, yung babaeng ginugulo at puro panis ang mga jokes. Wala naman syang balak replayan ang babaeng yun pero nabobored rin kasi sya kaya ayun, nagreply hanggang sa naging magkaibigan sila.
9:30 PM
seen

Renzo Kian
Pero may hindi inaasahan pang pangyayari, the boy is slowly falling for that mysterious girl. Paano nangyari yun? Yan ang madalas na tinatanong nya sa puso at isipan nya. Pero walang sumagot, ang hirap sagutin. Pero hindi mahirap tanggapin.
9:35 PM
seen

Renzo Kian
Kumirot ang puso ng lalaki dahil hindi pala naniniwala ang babae na may gusto na sya rito. At ang pinakamasakit pa, ayaw makipagkita ni girl kay boy dahil sa kadahilanang natatakot raw ito.
9:39 PM
seen

Renzo Kian
Hanggang sa chat lang sila, hanggang sa pakikipag-kaibigan lang ang dalawa.
9:41 PM
seen

Shana Sy
Kasi iyon ang nararapat. Kian, sorry.
9:45 PM

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon