Naranasan nyo na bang magkaroon ng bestfriend?
'Di ba ang saya sa pakiramdam. 'Yung may mapagsasabihan ka ng problema mo, minsan nga karamay pa sa pag - iyak, pwede ring pagbuntonan ng sama ng loob (joke).
Naranasan ko din yan, nung college ako.
Linggo palang natatakot na ako sa papasukan kong college. Wala kasi ako kakilala dun kundi yung ibang higher years. Pero hindi ko naman makikita ang mga yun, busy kasi sila lagi.
Kaya nung first day of classes na, wala ako kaclose o laging kausap. Yun lang mga nagtatanong ng kung ano ano, pero mali naman yung tinuturo ko. Ewan ko lang kung natandaan nila ang mukha ko at gumanti.
Dun naman sa 3rd class ko, nagpakopya agad yung prof. Tapos kelangan daw sa papel. Dahil sa dami ng dala kong papel, hindi na ako loner. Biglang dumami yung tumabi sakin, para humingi ng papel!
Pagkatapos ng isang oras, loner nanaman ako. Nakilala ko lang yung mga marunong magpasalamat, dedma nalang yung hindi.
Ang hirap nga pala talaga pag OP ka sa mga kasama mo.
Samantalang yung iba, may kausap. Yung mga magkakaklase nung highschool. Samantalang ako, may kaklase nga ako dito nung highschool, iba naman ang course.
Maaga ang last period ko, 4 palang, labas na ako. Ayoko muna umuwi, tinatamad ako kasi nakakaboring.
Naisipan ko nalang na maglakad at libutin 'tong school. Napadaan ako dun sa room kung saan ginagawa ang mga ID.
Naisip ko, wala pa nga pala akong ID. Kaya naman nag observe muna ako sa mga pumapasok at yung mga ginagawa nila. Umupo ako sa may hagdan, tumabi ako sa isang lalaki na busy sa pagtetext. Napansin ko din na wala syang suot na ID kaya katulad ko din 'to ng ginagawa.
Bigla naman na may lumabas sa kwarto at sumigaw, "bukas nalang daw po ulit, pauwi na daw po sila." Tinanong ako nung katabi ko, "uuwi ka na ba?"
"Oo, wala na kasi ako klase" sabi ko.
"Sabay na tayo umuwi" ngumiti sya sakin.
"Geh" pumayag nalang ako.
Habang naglalakad kami pauwi, nagkekwentuhan kami ng kung anu - anong mga walang kwentang bagay. Siya daw si Ivan, magkaklase pala kami, hindi ko lang siguro napansin.
Pagdating ko sa bahay, nagtimpla ako ng gatas. Tapos bumili ako ng tinapay. Kumain na ako agad kasi nakakagutom sa school.
Tapos nun, nanood nalang ako ng tv, sobrang nakakaboring kasi.
Pumunta ako sa mall para malibang, hindi naman ako katulad ng iba. Yung dota ang pampalipas oras, hindi kasi ako marunong. Medyo malapit lang samin ang mall.
Sumakay na ako sa tricycle. Bigla ko naman napansin na may katabi pala ako. Ngumiti sya sakin, sobrang cute ng ngiti nya. Ngumiti na din ako, ang cute nya kasi.
Sabay kaming bumaba sa mall, pareho lang pala kami ng pupuntahan. Pero magkaiba kami ng pinasukan. Dun ako sa arcade at siya naman sa department store. Hindi ko na lang sya pinansin kasi hindi ko naman sya kilala. Tsaka pumunta ako dito para mag enjoy, at hindi mang stalk.
Mga 30 minutes siguro akong naglalaro nang nagutom ako. Dumiretso ako sa food court para kumain. Bumili ako ng kanin at hotdog kasi nakakagutom pala maglaro sa arcade.
Pagkatapos kumain, umuwi na ako kasi gabi na pala. Pagdating ko sa bahay, naabutan kong kumakain yung kasama ko sa bahay.
"Saan ka galing" tanong nya habang kumakain.
"Sa mall, naglibang. Ang tagal mo kasi." Sagot ko habang umaakyat papunta sa kwarto ko.
8 palang ng gabi, balak ko na sana matulog. Kaso hindi ako makatulog, nagpatugtog nalang ako pampaantok.
Pinatugtog ko yung 'Heartbreak Girl' ng 5 seconds of summer.
Kung papakinggan mo naman yung kanta, hindi siya pampaantok. Pero nakakatulog ako pag pinapakinggan ang kantang 'to at pumipikit.
Pagkagising ko, lowbat ung phone ko. Naka shuffle nga pala tapos andami ko pang kanta.
Chinarge ko muna ito tapos nagsaing sa rice cooker. Naligo muna ako habang hinihintay maluto yung kanin. Pagkabihis ko, bumili na ako ng cheese dog at nag almusal. Mga 6:30, pumasok na ako sa school.
Hindi ko naging kaklase yung bago kong kakilala na si Ivan.
Buti na lang hindi nagpakita yung prof namin, pumasok agad ako sa second class ko. Nakita ko si Ivan pero hindi ko naman siya nilapitan kasi malayo nga yung upuan nya.
May tatlo syang kasama, isang lalaki at dalawang babae. Yung isang babae mukhang pamilyar. Parang nakita ko na sya kung saan.
Dahil nga wala akong kausap, nakinig lang ako dun sa prof.
Nung last period na, nauna ako sa room namin, wala ngayon ako katabi. Nagsulat nalang ako para may magawa tsaka para hindi nakakaboring.
Nabigla na lang ako nung may nagsalita sa tabi ko. "Ang sipag mo naman magsulat." Sabi nya na ang boses ay maliit at matinis.
"Hindi ah, wala lang ako magawa," sagot ko.
"Anung name mo? Ako si Venus" tanong nya.
"Hi, ako si Akashi" sagot ko pero hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko.
Nagulat ako nung tumingin ako sa kanya. Sya yung nakasabay ko kahapon, at sya din yung familiar na babaeng kasama nina Ivan.
Napatawa sya, sabi nya para daw pang-anime ang pangalan ko. Sabi ko naman, fan kasi ng anime ang daddy ko. Sabi nya Akacchi nalang daw itatawag nya sakin, mas maganda daw yun.
------------------------------------------------
Natapos din yung chapter 1. If you read this chapter, please VOTE or leave a COMMENT if you have any suggestions or reaction about the chapter or the story. ;-)
BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Teen FictionDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.