Eternal Eight

42 1 1
                                    

"Nakakapagod!" Malakas na sabi ko. Buong maghapon na akong nagtatrabaho. Hindi ko man lang nakikita si Dijun simula ng tulungan ako ni Si Ming.

Isa pa parang may sadyang nagpapahirap sa buhay ko. Marami naman kaming mga tagasilbi dito pero parang ako nalang lagi ang nakikitang utusan ng head simula ng nakita ako ni Zhi Yue na maghahatid sana ng tsaa kay Dijun.

Napag- alaman ko na dito pala siya nakatira sa Taichen Palace. Maliban sa pinsan siya ng Crown Prince Ye Hua ay step sister rin pala siya ni Dijun kaya malakas talaga ang kapit niya dito sa celestial palace.

May gusto siya kay Dijun , halata naman. Hindi rin naman bawal ang nararamdaman niya kasi hindi talaga sila totoong magkapatid. Inampon ng mga magulang ni Zhi Yue si Donghua Dijun. Wala pa noon si Zhi Yue ng mangyari iyon. Napag- alaman ko ito batay sa mga libro.

Paborito ko ang history lalong lalo na ang mga tungkol kay Donghua Dijun. Halos lahat ng libro na tungkol sa kanya ay nabasa ko na, konti na lamang ang hindi.

Noon hindi pa payapa ang mundo. Ang mga demon clan ang nangunguna sa lahat ng lupain mapalangit man o lupa.

Puro karahasan lang. Humihiling ang lahat sa langit ng bigyan sila ng diyos na aayos ng lahat.

Doon nagsimulang magkaroon ng buhay si Donghua Dijun. Walang magulang, walang pinagmulan, at walang clan na kinabibilangan. Doon siya natagpuan ng mga magulang ni Zhi Yue.

Lumaku siya sa pangangalaga Ng mga ito. Noon ang akala ng lahat ay wala ng pag- asa pa na makawala sila mula sa kalupitan ng mga Demon.

Ngunit dumating ang isang lalaki na may puting buhok.

Dahil sa kanya ay bumalik Ang kapayapaan. Tinalo niya ang mga Demon.

Tinanong ko minsan si Zhe Yan Kung bakit ang mga celestial ang piniling tulungan ni Dijun.

Buhay na kasi siya noong mga panahon na iyon although masyado pa siyang bata.

Sinabi niya na nagkaroon daw kasi dati ng tagtuyot sa buong panig ng mundo, kabilang na ang langit. Ngunit ang celestial lang daw ang hindi naapektuhan nito. Binigyan si Dijun ng palatandaan ng langit.

Maayos kasi ang pamumuhay ng mga celestial kaysa sa ibang mga nilalang na nabubuhay sa mundo. Ipinagbabawal ang pagpatay, pagnanakaw, pakikiapid at lahat ng masamang gawain na lumalaspastangan sa lahat ng may buhay sa mundo.

Madugo daw ang panahon na kung saan ay naging hari so Donghua Dijun. Natural na dumanak ang dugo dahil sa pagpugsa ng mga masasamang nilalang upang manumbalik Ang kapayapaan. Noong ay maraming clan ang nabubuhay ngunit sa paglinis ng mundo ay maraming clan ang nawala at tanging lilima nalang ang natira. Ito Ang Celestial, nine tailed fox, mortal, demon, at mermaid clan na lamang.

Ng mapayapa na ang mundo ay ipinasa ni Dijun ang kaharian sa Heavenly Father at Ng mamatay ang heavenly father ay ipinasa naman it sa kasalukuyang heavenly Lord ngayon.

Simula noon ay nanatili nalang si Donghua Dijun sa Taichen Palace. Doon na siya tuluyang nagretired.

Alam ko ang lahat ng ito dahil paborito ko talaga Ang history lalo na kung si Dijun yung pinag- aaralan namin. Lagi kong napeperfect ang lahat ng test namin basta tungkol Kay Dijun.

Pero pagdating sa ibang asignatura ay huwag mo na akong asahan dahil bagsak ako. Sa history lang talaga.

Simula pagkabata ko ay iniidolo ko na si Donghua Dijun. Hindi lang yung nasa gubat ako una niya akong iniligtas.

Naalala ko mga 10, 000 years old palang ako. Nasa kaanyuan ako ng baby fox ko. Nagtatago ako Kay ama dahil tinakasan ko ang aking guro. Paano pinagalitan niya ba naman ako dahil hindi ko marecite Tula. Kasalan ko bang Wala akong maalala? Binasa ko naman talaga eh. Ayaw niya akong paupuin hanggang wala akong nasasabi na kahit isang phrase so ang ginawa ko nalang ay kumanta ako ng nursary rhymm.

Ang ending hinabol niya ako noong hindi niya ako naabutan ay dumiretso siya kay ama para isumbong ako.

Nandito ako ngayon nagtatago. Umakyat ako sa puno.

Hindi ako kaagad bumaba, sinigurado ko muna na wala sa paligid si ama.

Tahimik ang paligid. Kahit kaluskus ay wala kang maririnig. Napagpasyahan ko nang bumaba.

Iniisip ko na hindi muna ako uuwi sa bahay namin, tiyak papaluin ako ni ama. Papalamigin ko muna ang kanyang ulo.

Nagikot- ikot muna ako sa kakahuyan. Maya- maya ay may namataan akong isang interesanteng bagay. Nilapitan ko ito.

Kakaiba itong halaman sa lahat. May matutulis na patusok at parang may kaliskis pa ito.

Napagpasyahan kong hawakan ito. Hinila ko ang isang kaliskis. Natanggal ito. Napansin ko na parang may mansa ng dugo.

Ibinalik ko ang aking tingin. Nakita ko ang isang malaking ahas na ang pang- itaas na katawan ay parang sa tao.

Nakabuka ang bibig nito. May dalawang matutulis na ngipin at palabas labas ang mapayat nitong dila.

Hindi na ako nag- isip pa at tumakbong napakabilis. Sumusigaw ako ng tulong. Sobrang nilakasan ko ang aking pagsigaw upang may makarinig ng sa gayun ay iligtas ako. Kakainin ako nito, panigurado.

Nadapa ako. Nasa itaas ko siya. Sinunggaban niya ako ng kanyang matatalas na ngipin . Umiwas ako at malakas siyang sinipa. Tumakbo ako muli ngunit sa pagkakataon na ito ay nahawakan niya ang aking mga paa.

Alam kong katapusan ko na. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ko ang sakit ng kamatayan.

Hindi ko ito naramdaman. Dumilat ako at tumibok ng mabilis ang aking puso. Hindi dahil sa takot ngunit dahil sa paghanga.

Nakatayo sa harap ko ang isang lalaking may puti ang buhok. Napakagwapo nito. Para akong nahipnotismo at hindi ko matanggal ang aking tingin sa kanya.

Ayun ang unang beses na nakita ko si Donghua Dijun.  Hindi ko na siya nakalimutan simula ng araw na iyon. Kahit noon infatuated na ako sa kanya.

Inaalam ko talaga ang mga bagay na alam kong may kinalaman.

Dahil nga bata pa ako noong iniligtas niya ako ay hindi ko na gaanong matandaan ang kanyang mukha . Natandaan ko na lamang noong tawagin siya ng matanda sa Li River.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko na talaga siya hiniwalayan at sinundan.

Pero hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Dijun simula ng tulungan ako ni Si Ming. Paano ko ba maibabalik ang utang ko sa kanya kung ni makita siya ay hirap ako.

Nakakainis! Madali lang sana ang buhay dito kung hindi ako pinapahirapan ni Zhi Yue eh.

Paano nayan? Wala na ba talagang pag- asa na makita ko siya kung walang tulong ni Cheng Yu at Si Ming.

Kailangan Kong makita siya ngayon din! Nagpalit ako ng anyo bilang nine tailed fox. Pupuntahan ko siya!

******************************

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eternal loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon