Nagising ako mula sa mahimbing na pagtulog, damang-dama ng katawan ko ang uhaw nitong makatikim ng hangin mula sa labas. Umikot ako sa kabilang side nitong kama ko para tumapat sa terrace. Naiwan ko palang bukas pala ang sliding door ng terrace, naiwan ko pala itong bukas kagabi kaya siguro napahimbing ang tulog ko, dahil sa natural na hangin na galing sa labas. Napakasarap lang na bubungad sa'yo yung ganda ng liwanag ng araw every morning na gustong gusto ko dahil kakaiba yung feeling kapag duma-dampi sa balat mo yung sikat ng araw kapag umaga.
Lumapit ako sa sliding door ng terrace at isinara ito para makababa na rin, tiyak na naghihintay na si mama sa baba. Inayos ko muna ang sarili ko sa bathroom bago ako bumaba.
Pagbaba ko nadatnan ko na lang na nakaayos yung breakfast sa lamesa, first time na hindi ko naabutan si mama mag-prepare. Late ba ako ng gising? Tinignan ko ang wall clock pero 7am pa lang. Alam ko na body clock ko na ang paggising ng eksaktong 7am, pero dahil breakfast is the most important meal hindi ko na muna chi-neck si mama at kumain na lang muna ako, baka may urgent na pinuntahan at hindi nakapag-iwan ng note sa ref, naglagay-loob ako na okay lang.
After kong kumain ay nag-ayos ako sa kwarto ko dahil naiwan kong nakakalat pa yung librong binasa ko kagabi. Nakalimutan kong ibalik sa bookshelf kagabi, kung siguro nadatnan yun ni mama se-sermonan talaga ako 'nun. Hayss. Raquel talaga.
Its nine o'clock na ng umaga but wala pa rin si mama. Saan kaya pumunta yun? Bakit hindi naman siya nag-paalam. I checked my phone, dinial ko si mama, pero out of reach ang phone nito. Naisipan kong lumabas ng bahay.
Pagkalabas ko, ay ibang katahimikan ang sumalubong sa street namin, aba daig pa ang horror movie dahil umagang-umaga e walang katao-tao. Nakakapagtaka lang.
Inilibot ko ang aking paningin pero wala talagang masagap ang mata kong mga tao, kasi kapag gantong oras eh maraming batang naglalaro dito. Walang hiya nagsisimula nang tumayo ang mga balahibo ko. Very strange lang pero sana walang nangyayaring masama ngayon.Nagtataka parin ang ako sa nakakalokang nangyayari ngayon kaya para malaman ko kung ano ba talagang nangyayari ay binuksan ko ang tv namin.
Pagkabukas ko bumungad lang ang kulay green, blue, at red sa screen. Ano 'to may day off na rin ba ang balita Kaloka. Kaya pumasok sa isip ko na hindi na ito pang-karaniwan may kung ano na talagang nangyayari ngayon. This time seryoso na ako na hindi normal ang nangyayari ngayong araw. Pero wala 'man lang akong kaide-ideya sa nangyayari, si mama kaya nasan siya, nag-aalala na ako. Sana okay lang siya.
Nagsimulang maluha ang mga mata ko, dahil sa tumatakbong kung ano sa isip ko. Sana ligtas lang talaga si mama dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag nawala siya. Naiiyak na ako tangina.
Lord, ano ho bang nangyayari ngayon? May people power ba ulit sa EDSA?
Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis ng t-shirt na may imprentang "I'm not your typical chix" at fitted na pantalong maong, kinuha ko ang traveler bagpack ko at naglagay ng damit kung sakaling adventure 'to. Sinuot ko na rin ang favorite rubber shoes ko if ever na last day na 'to para masuot ko siya. I pony-tailed my hair at nag-suot ng baseball cap. Full-packed adventurer ako ngayon. Tumungo ako sa kusina upang maghanap ng mga on-the-go foods such as mga canned foods at bottled water para maka-survive kahit papano sa paglalakbay ko to find the answer about this fucking happening right now.
Lumabas na ako ng bahay at sinarado ito. Tinatahak ko na ang street namin na sobrang nakakapanibago talaga, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na ako na lang mag-isa ngayon dahil yun naman ang gusto ko dati pero ngayon bakit pakiramdam kong mali ako. Nakakalungkot, lalo na wala yung mama ko. Wala akong kaide-ideya sa lahat ng ito.
Nakalabas na ako sa street namin, maging dito sa labas na daanan ng mga motorsiklo ay sobrang linis din. Mukhang nagkaroon ng clearing operation kaso ang mga tao ang nilinis, sa kasamaang palad kasama si mama. Ano kayang nangyari sa kanila? Alien ba may kagagawan nito?
Ang linis ng kalsada kaya naglakad ako ng tahimik at sa tuwing gagawa ng ingay ay susulyap ako sa likod para tiyaking ligtas ako, baka kung may nakasunod sakin eh.
"Psst!" I heard someone.
Tama ba ang narinig ko, hindi lang ako ang tao ngayon?
"Magpakita ka please!?"
Nakita ko na may lumabas sa likod bahay na babae, mukhang kasing-edaran ko lang siya at kakagaling niya lang sa iyak dahil sa maga nitong mga mata. Tumakbo ako upang makapuhta sa direksyon niya para makausap na rin siya.
"Bakit tayo na lang tao dito? Nawawala ang mga kapatid at magulang ko, kanina ko pa sila hinahanap." Sabay hagulgol na iyak, hindi ko alam kung paano siya papatahanin pero sa ngayon kailangan namin maging matatag.
"Sa ngayon, wala rin akong ideya, ano bang pangalan mo?" Tanong ko rito.
Tumigil ito sa pag-iyak, mukhang kakabangon niya lang sa higaan.
"Anna. Ikaw?" Pagbalik ng tanong ko galing sa kanya.
"Racquel." I hugged her, wala akong kapatid pero nagkaroon ako ng mga kaibigan. Alam ko kung anong nararamdaman niya ngayon dahil yun ang nararamdaman ko.
"Magpakatatag tayo, Anna, hangga't wala pa tayong impormasyon ukol dito."
"Pwede ba akong sumama sa'yo?"
Ngayon, dalawa na kami, pinadala ko rin siya ng mga bagay na kakailanganin niya. Ang hirap ng kalagayan namin ngayon, bukod sa wala kaming ideya sa nangyayari, hindi rin namin alam kung ligtas ba kami sa lahat ng oras.
Tinatahak namin ang kalsada papunta sa parke malayo ito sa lugar namin pero madalas nandito ang mga tao dahil malapit rin sa komersyal para makabili ng mga kailangan sa buhay.
"Ate, anong epidemya ba 'to? Bakit natira tayo?"
"Hindi ko rin alam, Anna. I think the best thing to do is maging aware na lang tayo sa paligid."
Clueless pa rin. Malapit na kami sa parke, kung saan baka may makita kami na sasagot sa mga katanungan namin. I checked my wrist watch, 12pm. Hindi ko 'man lang nadama na tanghali na pala.
"Kumain ka na ba?"
Tumango siya. Ako, hindi ko maramdaman yung gutom nakatuon ang atensyon ko sa nangyayari ngayon langhiya. Tirik na tirik rin ang araw eh parehas lang kaming naka-baseball cap kaya grabe ang pawis namin.
Natatanaw ko na ang parke, ilang kilometro din ang layo nito kaya hindi rin biro ang nilakad namin.
"Alien ba may kagagawan nito?"
"Tanong ko rin yan," emotion-less kong sagot dahil na rin sa pagod.
Pagod na ako, sa haba ba naman nang nilakad namin eh. Nakarating na kami sa parke at umupo muna sa unang bench na nahintuan namin. Kumuha ako ng isang bottled-water sa bag ko at ininom iyon, meron din naman si Anna kaya hindi ko na siya inalok.
"Tayong dalawa na lang ba talaga, Ate?"
"Hindi pa kita masasagot para diyan, hindi pa natin nililibot ang pinas."
Napatigil ito. Napagtanto niya na siguro na kahit anong tanong niya ay hindi rin siya makakatanggap ng kasagutan. Mapapagod lang kami sa kakatanong kung hindi naman namin hahanapin ang kasagutan.
Pero hindi pa kami nakakatagal, nung uminom si Anna sa bote ng tubig niya ay nakita ko ang parang enerhiyang papunta sa gawi namin, kaya agad kong niyakap si Anna at sinama siya sa pagdapa sa lupa. Mabilis ang pangyayari, tumama ang laser wave sa kalsada at nakita namin kung gaano ito kalakas, grabe ang damage nito sa kalsada, parang in an instant nagka-sink hole. Nanginginig ako, hindi ko alam ang gagawin, si Anna tulala lang. "Tatakbo tayo Anna, tumakbo ka sa bilis na kaya mo." Sabi ko rito para maihanda rin niya ang kanyang sarili.
Sino/ano ang nasa likod ng pagkawala ng mga tao?
Bakit si Racquel at Anna lang ang buhay sa lugar nila, may iba pa kayang buhay?