CHAPTER 2

9.2K 111 8
                                    

CHAPTER 2

Mika's POV

Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Nakakaburyo. Nakakapika talaga ang aroganteng babaeng yun! Hmmmppp!!!! Nakagigil! >_<

Gustong gusto ko siyang tirisin! Nakakabwisit! Eeerrrr!!!! :/ Siya na nga ang bumunggo sa akin, siya pa ang may ganang papulutin ako sa mga gamit ko! Kapal ng mukha! Kapal! Talaga! Sobra!

Mabuti na lang at tinulungan ako ni Kuyang Janitor ba yun or Utilityman! Basta siya! Kahit papano napabilis ang pagpupulot ko sa mga papeles ko!

Hindi ba niya alam na hindi ako natulog sa eroplano maayos lang lahat ng papeles na to! Tapos sa isang iglap lang guguluhin niya. At nakuha pa akong angasan!!! Bwisit talaga!!! Oo na sige na! Mali na ako na sigawan siya, eh dala lang naman kasi ng inis ko kaya ko siya nasigawan eh, siguro kung siya naman ang nasa lugar ko that time baka ganun din ang iact niya eh. Hindi niya kasi alam ang nakasalalay sa mga papeles na yun.

Nakakasira talaga ng araw! Akala niya kung sino siya! Kung alam lang niya. Amp! Titirisin ko talaga ang pandak na yun kapag nagkita ulit kami!!!!!

Anyways, ito kasi ang puno't dulo ng inis ko, ng sinasabi kong nakasalalay sa mga papel na yun.

10 years old ako ng magmigrate kami ni Mommy sa America. Gusto ni Papa na doon ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Kaya ako naman, sumunod sa kanya.

Ginawa ko na nga lang halos bakasyunan lang Pilipinas eh, Almost13 years na din siguro ako sa States. Actually, ito ang unang beses ko na titira ng matagal sa Pilipinas. Kadalasan kasi, weeks lang, pinakamatagal na siguro yung one month.

Tapos na akong mag-aral, so it's my turn to give back. Gusto kong ipakita kay Papa kung ano na ako ngayon, gusto kong maging proud siya sa akin, gusto kong ituring niya din ako how he's treating Kuya.

Hindi ako inggit kay Kuya Perry ko huh, dahil feeling ko siya ang paborito ni Papa, pero gusto ko lang ituring din naman ako ni Papa na parang anak talaga. Since then kasi, sa 13 years ko sa States, never ko siyang nakasama ng matagal, uuwi lang kami sa Pilipinas para puntahan siya kapag pasko at bagong taon. Or kapag minsan nagkakasakit siya, or sa nga importanteng events ganun.

Ewan ko nga kung buo pa ba ang pamilya ko or what eh, basta ang alam ko lang, para daw sa amin kaya sobra kung magtrabaho si Papa, yun ang paliwanag sa akin ni Mama. Well, she has all the point there naman, hindi naman ako makakatapos ng pag aaral sa Stanford kung hindi nagsumikap si Papa.

Yun na nga, si Kuya Perry, kapatid ko lang siya sa tatay, pero ramdam na ramdam ko na siya ang paborito ni Papa. Dalawa lang naman kasi kami eh. Ako ang bunso, pero close kami ni Kuya huh.

Anyways, pinauwi ako ni Papa dito sa Pilipinas, para humalili sa kanya sa business namen doon. Lahat daw kasi silang business partners ay pupunta sa Germany, for business sake pa din as usual, so kaming mga anak muna daw ang papalit sa kanila for the mean time.

Besides, gustong gusto ko na din naman talagang umuwi sa bayan ko eh, sawang sawa na ako sa buhay sa States, unlike sa Pilipinas, masaya, malaya ka pero masaya. Theres no place like home.

Dapat si Kuya Perry ang kukunin ni Papa na sub sa kanya, pero dahil may sarili na ding buhay at pamilya si Kuya Perry sa States, ako na lang ang pinili ni Papa. Well I guess, proxy lang ako ng sub. Pang2nd choice lang talaga ako. Hahaha. Seriously, since then, yun na din naman ang pakiramdam ko.

Pero ayos lang, pagkakataon ko na din naman to para patunayan kay Papa na magaling din naman ako eh, na dapat din naman siyang maging proud sa akin. Na may ipagmamalaki din naman ako.

MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon