One and only YOU - 20

1.7K 64 44
                                    

Parang gusto akong patayin sa bawat salitang binibigkas niya. "She's. My. Girlfriend.”Letche, Tanga ba siya? Manhid? Di niya ba alam na gusto ko siya! DI BA TALAGA SIYA AWARE NA NASASAKTAN AKO! 

Gusto ko siyang sampalin, Gusto kong ipamuka sakanya na “ANO BA HINDI JOKE YUNG PAG AMIN KO! GUSTO KITA KAYA PLEASE AKO NALANG” Pero gaano man karami ang gusto kong sabihin ay wala akong nagawa kundi ngumiti. “Congratulations!” 

 

“Salamat!” Cheska said, Hindi ko na kayanan at tuluyan na akong tumalikod! Kasabay naman non ang pagbagsak ng mga luha ko. Sasabog na talaga yung dibdib ko, sobrang hindi ko kaya! Nanlulumo ako sa mga nakikita ko. 

“Sabay sabay na tayo sa room?” Rinig kong sabi ni Cheska, Huminga ako ng malalim para hindi nila mahalata ang pag hkbi ko. “Hindi na! Dadaan muna akong clinic, biglangmay sumakit sa akin eh. Una na kayo!” Sabi ko nalang at tuluyan ng naglakad. 

Lakad lang ako ng lakad, then I found myself at the fountain. Nakaupo lang ako, and yeah mukha akong tangang umiiyak. I cut my classes, Gusto ko lang magpahinga, magpahangin. Ganito pala yung feeling ng nasasktan, ngayon alam ko na kung bakit may mga taong takot mainlove. Napangiti nalang ako, Partida, puppy love palang to, paano pa kaya pag true love na! Isa pang partida, Expected ko na yung mangyayari pero ang sakit padin. “Kapag expected mo na, hindi ka na masyadong masasaktan.”

Nagjojoke kaba papa B? Ito ba yung hindi masyadong masasaktan? Eh para na nga akong mamamatay sa sakit eh. 

 “Alam mo kulang nalang love song eh! Pasok ka ng artista!” Napatingin ako kay Jairus, may hawak siyang dalawang ice cream. Nakangiti siyang lumapit saakin. “Vanilla or chocolate?” Tanong niya, Kinuha ko yung chocolate! Umupo siya sa tabi ko. “Ano ginagawa mo ditto?” Tanong ko sakanya.

“Kumakain ng ice cream! Ikaw ano ginagawa mo ditto?” Tanong niya, Napangiti ako at pinalo siya ng mahina. “Pilosopo ka talaga!”

Natawa siya. “Gusto mo si Nash no?” Biglang tanong nito, Tinignan ko siya at napatawa ng ‘peke’ “Anong pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami nun no!”

 

“Asus! Eh narinig nga kitang umamin sakanya sa corridor!”

 

Napatingin ako sakanya, Walangya nakita niya? Arrrgh! Nakakahiya naman, Baka iba na ang tingin niya sakin! Duh, babae ako tapos ako pa umamin? Ang masama, naseenzone pa ako!

Napakagat nalang ako sa labi ko, Bababa na sana ako para tumakas sa kahihiyan ngunit nahawakan niya ang bagpack ko. “Oh? Saan ka pupunta?”

“Umupo ka marami kang ikekwento saakin!”

Umupo ako sa tabi niya. “Anong sabi niya sayo nung umamin ka?”

 

“Wala!”

 

“Wala?”

Umiling ako. “Nagsorry siya!”

 

“Yun lang?”

I nooded! “Tsk tsk tsk!” Sabi niya ng umiiling! Nakita kko yung panyo kong may pumatak na tubig, Di ko namalayan yung pagpatak ng luha ko. Naramdaman ko nalang ang pagyakap saakin ni Jairus habang hinihimas yung likod ko. “Shh, Tama na!”

“Tignan mo basang basa na tuloy damit ko, babakat nanaman yung mga abs ko! Tsk.” Sabi niya, Napatawa nalang ako, ngumiti siya at pinunasan ang luha ko.

“Alam mo ramdam kita!” Sabi niya.

“Bakit? May nagugustuhan ka ba ngayon?”

He nooded. “Kaso hindi niya ko gusto, May gusto siyang iba!” May halong lungkot niyang sabi, I tap his shoulders.

“Magugustuhan ka din non baling araw! Tanga niya nalang kapag pinakawalan ka pa niya no!”  

 


“Sana nga eh.”

“Maganda ba siya?”

“Sobra.”

“Kaya pala eh! Hilig niyo talagang mga lalaki sa magaganda!”

“Hindi naman kagandahan yung habol ko no! Ibahin mo naman ako sa iba!” Seryoso nitong sabi, “Sorry na, peace!” Sabi ko nalang! Ngumiti nalang siya.

“Gusto mo ba siya makita?” Tanong niya, Tumingin ako sakanya at um-oo! “Nasaan? May picture ka ba niya?”

Kinuha niya ang bag nya at may kinukyha siya, Nakatingin at naghihintay lang ako sakanya. Tumigil na siya sa paghahanap, nakatingin lang siya sa bag niya. “Huy nasan na? antagal naman!” Napatingin siya saakin at bumontong hininga. Parang nagaalangan ipakita, Kinuha ko yung hawak niyang picture.

Nanlaki ang mata ko. It wasn’t a picture, It’s a mirror.

_________________________________________________

A/N 

I'm so sorry if it was so short, at ngayon lang ako nakapag update dahil  sobrang dami ko pong ginagawa! Pero guys ipipilit ko isingit tong pag-uupdate ko swear! Thank you sa lahat ng nagcocomments although hindi ko kayo narereplyan lahat, lahat po iyan nababasa ko and all of them are appreciated! Dedicated to her, Natuwa ako sa comment niya na hihintayin niya yung update ko kahit ilang years pa ang lumipas, Hehe! Thank you bebe, I love you! xx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One and only YOU - Nashlene Starring Gimme 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon