Chapter 66

1.1K 27 2
                                    

Mike Pov!

Napahawak ako ng mahigpit sa lababo at pumikit ng mariin. Nahihilo ako at kanina pa ako nagsusuka. Hinintay ko munang makabawi ako bago ako naghilamos at bumalik sa kwarto ko para uminom ng gamot pero may tumatawag sa cellpohone ko na nasa kama ko.

"Amber."

"Mike." umiiyak niyang sambit ng pangalan ko.

"Bakit ka ba umiiyak?"

"Mike si Lory nawawala."

"Ano?"

"Nandito kami sa hospital ngayon. Nandito ang Daddy niya."

"Pupuntahan kita dyan."

Binaba ko na ang tawag at nagbihis pero uminom ako ng gamot dahil masama pa rin ang pakiramdam ko pero kailangan kong puntahan ang pamilya ni Lory.

**********

Nasa hallway ako ng second floor nakikita ko na si Alexander na nakatalikod kaya binilisan ko ang lakad niya. Humarap siya sakin pagkalapit ko.

"Anong ginagawa mo dito?" napakuyom ang kamao ko sa tanong niya.

"You better ask yourself if what you're doing here."

"Mike?" lumapit sakin si Amber pero hindi ko tinanggal ang titig ko sa kanya pati rin siya.

"Umalis ka na bago ba kita masaktan!" nag.init ang pakiramdam ko sa sinabi niya kaya sinuntok ko siya at natamaan ko ang mukha niya at bimagsak siya sa sahig na putok ang labi.

"Mike tama na." awat sakin ni Amber at napatingin samin ang mga tao sa paligid.

"Tarantado ka pare. Pinaubaya ko sayo si Lory pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang siya!" tumayo siya at tinitigan aki ng masama.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Sino ba ang unang nanakit sa kanya?" lalapit sana siya sakin pero hinawakan na siya ng mga nurse na napadaan.

"Hindi mo alam ang buong katotohanan! Kaya huwag kang magsalita ng ganyan!"

"Anong nangyayari dito?" pumagitna samin ang Kuya bi Lory. Nakagown pa itong pangdoctor. "Sa tingin niyo makakatulong kayo kung magpapatayan kayo? Alex pumasok ka na sa loob ikaw Mike mag.usap tayo."

Tinanggal ni Alexander ang mga kamay ng umawat sa kanya at inayos ang sarili at tinapunan ako ng matalim na titig bago pumasok sa isang kwarto.

"Sumunod ka sakin." utos niya sakin kaya sumunod na lang ako sa kanya at at lumabas kami sa parang terrace ng hospital kung saan kami lang ang tao at sinara niya ang pinto.

"Nasaan si Lory Kuya?"

"Hindi namin alam pero nag.iwan siya ng sulat. Pinalit niya ang sarili niya kapalit ni Daddy sa mga kidnapper. Mike may dapat ka bang sabihin sakin?"

"Tungkol saan?"

"Bakit mo tinago samin ang sakit mo? Kaya mo ba iniwan si Lory noon?" napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nalaman?"

"Noong isang araw ibinilin ka sakin ni Doc Marquez para sa injection mo pero bakit hindi ka dumating?" yun yung araw na nakita ko siya na patungo sa opisina ni Doc Mraquez. "Bakit kailangan mong itago ang sakit mo? Hanggang kailan mo balak itago samin ito?"

"Kuya..."

"Mike bakit hindi mo sinabi kaagad samin o di kaya ay sakin para naman natulungan kita. Alam mo ba kung gaano na kalala ang brain tumor mo?"

"Alam ko Kuya pero nakikiusap po sana ako sana huwag mo ng sabihin pa kahit kanink ang tungkol dito hangga't mawala ako." nagpamaywwng siya at humarap sakin.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon