Chapter 10: Ano nga ba Jasper?

45 36 14
                                    

Jasper's POV:
Psh! Ibang klase talaga yang si Sarah. Hindi na makaisa sa kanya. Ako pa yung nasabihang walang ginagawa ah, andami dami ko rin kayang ginagawa. Nagtutupi ng damit, nagbabasa ng libro, nagmemenorize. Tsaka ano pa bang ibang gagawin kong iba eh, andaming maids dito sa bahay.

Dahil sa wala akong magawa masyado ay binalak ko na lang puntahan ang mga kabarkada ko sa bahay nila isa isa, dahil nabwisit din ako sa sinabi ni Sarah, wala akong nasagot sa kanya, psh!

Una kong pinuntahan ang bahay ni Oliver, sumunod naman ay bahay ni Wyatt at inakahuli ang bahay ni Jam, pero lahat sila wala! Nakakapagtaka na may gayak sila na hindi ako sinama, tsk tsk. Kaya binalak ko na lang na umuwi na dahil 9:14 PM na, at may journalism pa kami, psh!

Nagulat naman ako ng bukas ang ilaw ng bahay at nagulat ako ng ang ingay sa loob. Nagulat ako ng lahat sila nandito sa bahay ko.

"Hoy! Pano kayo nakapasok sa bahay ko?!"

"Susupresahin ka sana namin, bro!" sabi ni Wyatt

"Nakita namin yung duplicate key sa bahay mo sa ilalim ng doormat" sabi ni Jam, na nagdahilang mapakamot ako sa ulo ko

What the f! Oo nga pala. I always leave my extra key underneath the mat. Psh! I should've known na alam din pala nila. Ito kasi ang gawain naming magkakabarkada, sa ilalim ng doormat lagi ang uduplicate.

"Ahh....ano naman ginagawa nyo dito, ata sa oras pa na toh?"

"Ayaw mo ba kaming nandito bro?" tanong ni Oliver

"Ayoko! Tsaka wala ako sa mood, okay? Kaya next time na lang mga bro, ha? Matutulog na ako. Marami pa akong gagawin bukas"

"Wow! Seryoso ka na ba dyan sa sinasabi mo? Ikaw matutulog na? Ikaw may gagawin? Wow! Kundi mag-aral ng mag-aral? Psh!" asar na sabi ni Wyatt

Ayoko ng sabihin sa kanila na may gagawin at pupunta ako sa bahay ni Sarah. Alam naman kasi nilang dati ko pa crush si Sarah eh.

"Ang kulit nyo! Oo nga may gagawin nga ako at napakaimportante, kaya umuwi na kayo" paninita ko

Wala na silang nagawa kundi umalis, tsaka bahay ko toh noh! Ako dapat masnasusunod. Siguro maggagala pa sila, dahil walang ginagawa. Sina Jam at Oliver tapos na sa research at si Wyatt naman sa Sabado pa.

Ayoko lang kasing mapunta ang usapan namin ng buong grupo to a boy talk. Ayokong mapagusapan kung ano ngang meron si Sarah at bakit ko sya naging super crush. Basta hinding hindi ko makakalimutan ang first time na pinagtanggol nya ako sa mga bullies.

1st year highschool ako noon, nung hindi pa ako katulad ng ganito. Medyo bad boy at pagkasuplado na kasi ako ngayon, pero dati, inaapi-api lang ako ng mga students sa school.

Flashback...
Naglalakad ako pabalik ng kwarto dala dala ang baunan ko at biglang may humarang na limang lalaki na medyo masmatangkad sakin.

"Hoy bata! Anong baon mo ngayon?" sabi sakin ng isang bata a mukhang sya ang leader ng grupo

"Uhmm...eh...bakit nyo ti...nata..nong??"

"Kasi mapapasaamin na ang baon mo ngayon, kaya namin tinatanong!" sabi nung isang bata

"Sorry, hindi pwede ngayon. Favorite ko yung baon ko ngayon eh" medyo matapang kong sabi

"Umaayaw ka na saamin ngayon? Ang lakas naman ng loob mo, tsk tsk! Ibigay mo na lang kasi sami ang baon mo, para walang away" babala sakin nung pangatlong myembro ng grupo ng bullies

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon