Chapter 40

54 7 6
                                    

Natapos na ang kanta at hinatid na ako ni Chuck sa pwesto namin, I can see na nagpipigil syang hawakan ako habang naglalakad kami.

Pagbalik ko sa table ko nag-"Thank you" lang sya then he walked away.

Pagkaupong-pagkaupo ko nagulat ako nang nag-standing ovation ang mga kaibigan kong sila Jem at Cherrie at nag-sslow clap.

Hinatak ko sila pabalik, "Huy, wag nga kayong ganyan."

Feeling ko pulang pula ang mukha ko sa mga oras na yun, pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. It felt like a dream or like a scene from one of my favorite movies where the girl and the guy stands in a crowded room but sees nothing else but the other person. Parang may sarili kaming mundo na talagang keber na ako sa mga nakatingin. The way he held me, the way he looked at me lovingly and the way he made me feel – it was perfect.

"Alam mo, bakla talaga ako eh pero parang kinilig ako sa sayaw nyo kanina kahit babae ka." Sabi ni Jem habang umuupo ulit.

"Ay true, mejo naihi nga ako ng konti sa kilig kanina." Sagot naman ni Cherrie.

I roll my eyes, "Ang OA nyo ha. Sayaw lang naman yun."

Inirapan ako ni Jem, "Pucha, sayaw lang ba yun? E daig nyo pa may sore eyes sa lagkit ng mga mata nyo kanina noh."

Pinatong ni Cherrie ang siko nya sa table at nangalumbaba habang humarap kay Jem, "Pero nainggit ka bakla diba?"

Humawak si Jem sa dibdib nya, "Mejo may ache sya."

Napangiti na lang ako at nag-slump sa upuan ko.

"Well, dapat lang siguro talagang masulit nitong si Andi ang bayad nya, hello? Ten thousand pesos? Di biro yun noh." Sabi ni Cherrie.

"Ten thousand tapos sayaw lang diba? Kung sa akin yan isang buwan kong budget yan sa hada." Sagot ni Jem habang nagtatawanan sila ni Cherrie.

I roll my eyes, "Hello? Di naman ako gagastos ng ganun sa sayaw lang noh. Ano ako mayaman?"

Nagtinginan sila sa akin na parang nag-aantay ng explanation, so umurong ako para mas malapit ako sa kanila at binulong ang katotohanan, "Actually, tinext ako ni Ms. Claire na mag-bid, so pera nya yun."

Nanlaki ang mga mata nila at naunang mag-react si Jem, "Oh my gosh! Iba din si Madam!"

Tumuro si Cherrie sa akin, "True. Buti na lang jowa mo na."

Nagbuntong hininga lang ako, kasi ano naman isasagot ko dun diba? My situation is getting messier by the second.

I looked around at di ko makita si Ms. Claire.

Tinanong ko sila Jem, "San na si Ms. Claire?"

Sumagot si Cherrie, "I saw her kanina umalis, baka bumalik na sa kwarto nya."

"Baka di nya kayang makita si Sir na may kasayaw na iba, even if sya ang dahilan." Sabi ni Jem.

Mejo kumirot na naman ang puso ko, ano ba naman to? Nakakapagod na ang mag-mixed emotions.

I shake my head and looked inside my bag for my phone at nakitang nag-text si Ms. Claire, "I'll turn in na ha. Napagod yata ako. Goodnight."

I text back a "Good Night".

Then looked around, nasa may bar sila Chuck at ang mga kasama nya sa IT. Looks like they're having fun so niyaya ko sila Jem at Cherrie sa dance floor.

We danced until our lungs and legs could take it at naupo ulit para magpahinga. It was super fun and I was having such a good time na hindi ko napansin na onti na lang pala kaming nasa tent.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon