CHAPTER XIII

680 45 24
                                    

-Did you miss me ? HAHAHA! Sa mga taong alam ang kasalanan ko alam niyo na kung bakit di ako naka update 😂😂 Anyway, tuloy pa din ang buhay. Nag update na ako ngayon ha so, walang sukuan ha .  Love you guyses!





-




Habang nagmamaneho ay napalingon si Tony sa babaeng mahimbing na natutulog sa front seat. Kisses has the most angelic face he had ever seen. Marami na siyang niligawang babae noon gaya ni Liza at iba pa pero ngayon niya lang naramdaman ang ganoong pakiramdam. Sa tuwing nakikita niya itong ngumingiti ay lumiliwanag ang madilim niyang mundo. He had forget Liza because of her. Nung nakita niya kung gaano pa talaga kaganda ito pag nakaayos ay mas lalong gusto ng puso niya na yakapin ito. Na iparamdam dito na maganda ito at may taong magmamahal dito .. gaya niya.




Napahinto lang siya sa pagtitig dito ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. He accept the call ng makita sa screen name ang pangalan ng professor niya.



"Tony, kailangan na nating umuwi ngayon. Hindi na papayag ang mga magulang ng mga bata na bukas pa tayo umuwi dahil sa nalaman nilang nangyari kay Kisses. Nasaan ka ba ?"




"Papunta na po kami sa hotel. Kasama ko si Kisses, ahmm .. mauna na kayong umalis .. ako na ang maghahatid kay Kisses pauwi."




"Sigurado ka ba ?" tanong ng guro niya sa kabilang linya.



"Opo."



Pagkatapos magpaalam ay pinatay na niya ang tawag. He glance again at Kisses pagkatapos ay nag focus na sa pagmamaneho.





NAGISING si Kisses dahil sa mahinang tapik sa kanyang balikat. Dahan-dahan niya iminulat ang mga mata at napangiti siya ng makita ang gwapong mukha ni Tony.




"We're here." inalalayan siya nitong makababa sa kotse.




Muntik na siyang matumba ng may kamay na humila sa kanya. Itinaas niya ang mukha para makita kung sino. Donny!





Base sa hitsura ng mukha nito ay galit ito. Donny was looking angrily to Tony.




Ilang sandali pa ay sinuntok nito si Tony. Huli na para pigilan niya ito dahil natumba na ang huli sa lupa.




"Ano ba, Donny!" mabilis na nilapitan niya si Tony at tiningnan kung nasugatan ba ito. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi man lang iyong dumugo. Matalim na tiningnan niya si Donny. "Ano bang problema mo ? Ano bang ginawa niyang masama sayo ?"




"Tandaan mo ito pare ha, don't you dare touch my woman. Hindi lang yan ang gagawin ko sa iyo." walang pakialam na sabi ni Donny kay Tony.




"My woman ?" ngumiti ng mapakla si Tony. Tumayo ito at dahan-dahang lumapit kay Donny. Nang makalapit ito sa huli ay agad na humarap si Tony sa kanya. Sa malalaking hakbang ay mabilis na nakalapit ito sa kanya. Tony kiss her passionately sa harap ni Donny.





"Ikakasal na kami." nagtatagis na mga bagang na wika ni Donny. Napahinto si Tony sa paghalik sa kanya. "As you can see, I am living in this house .. with my family and Kisses" itinuro nito ang bahay sa likuran nito. Tumingin si Donny sa kanya. "Nag usap na kami ni mommy at daddy, ibabalik na nila ang dating usapan. We will get married next week."




HINDI makatulog si Kisses ng gabing iyon. Bakit kung kailan sumuko na siya kay Donny ay doon pa ito nagpursige na ituloy ang kasal ?



Kung kailan hindi na niya ito mahal, doon pa ito nagpakita ng interes sa kanya ? Pero sa nakikita at nararamdaman niya ngayon kay Tony na realize niya na hindi niya mahal si Donny in the first place. Obsess lang siya sa kaisipang "kasal".




MEANT TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon