Vacant namin ngayon kasi walang teacher. At as usual may kanya kanya na namang mundo ang mga kaklase ko at ako naman nakatitig na naman sa kanya. Ano pa nga ba? Eh kahit di naman vacant at may teacher lagi akong nakatitig sa kanya eh.
"Para kang tanga! Tinititigan mo na naman sya." epal na sabi ng seatmate/bff kong si Kristel.
Epal talaga yan lagi eh. Laging kontra sa crush life ko! Kesyo di naman daw ako papansinin ng crush ko. Kesyo para raw akong tanga asa nang asa at madami pang iba! Palibhasa hindi rin pinapansin ng crush nya BWAHAHAHHAHAHAHA"Wala kang pake. Epal ah." pag ako talaga tinignan man lang ni Kent nakuuuuu who u sakin to si Kristel! Charot!
"Wag ka na kasi umasa dyan. Diba nga, bali balita na mag MU daw sila nung muse sa Section D!"
"OA lang sila. Nakita lang magkasama, MU na? Tsk." inis kong sabi. Pano ba naman kasi, nakita lang naman silang magkasama sa waiting shed eh. Kung makapagconclude naman tong mga kaschoolmate ko OA! Maling balita tuloy yung kumakalat.
"Pero malay mo diba?"
"Wala ka talagang support sakin no? Palibhasa di ka pinapansin ng crush mo eh!"
"Wow! Nagsalita ang pinapansin ng crush niya!" inirapan ko na lang sya at tumitig uli kay Kent. Hay. Bat ba ang gwapo nya?
Ewan ko ba naman kasi dito kay crush! Di man lang ako pinapansin. Simula 1st year classmate na kami at crush ko na siya pero mainam pa rin akong kausapin. Kakausapin lang ako pag may kinalaman sa school works. Hay.
"Gaga tara na. Tumigil ka muna sa kakaday dream. Uwian na!" sigaw naman ni Kristel sakin.
Inayos ko na ang bag ko at ready to go na. Hinahanap ko si crush kaso naka alis na ata."Tara na gurl. Kanina pa umalis labidabs mo! Pabagal bagal kasi!" sama talaga nito kahit kailan!
Naglalakad na kami papuntang gate nang madaanan namin yung mga waiting sheds. At dun nakita ko si Kent kasama yung muse ng section D. Di kaya totoo yun na mag MU sila? Hay. Nung naisip ko yun para namang sumikip dibdib ko. Shet. Baka may sakit ako! Pero hindi naman siguro.
"Sabi sayo eh! Baka magMU talaga sila" malungkot ko lang na tinignan si bff.
Bago lumabas ng gate tumingin uli ako sa waiting shed kung nasaan si Kent para sa goodbye sight. Hehe may ganun talaga.
Nagulat naman ako nang magkasalubong ang mata naming dalawa. OMOOO. Nakatingin din sya sakin?!!!! Pero agad din syang umiwas ng tingin at napansin ko namang namula tenga nya. Wait, anu yun? Nagblush tenga nya? Joke HAHAHAHHA so dahil nga atat maka uwi si bff hinila nya na ko kaya di ko na kita pa si labidabs :<
···········Tapos na kong gumawa ng home works kaya fb muna ko mwehehehhe. Tinignan ko mga online at nakita kong naka green ang profile ni labidabs! At syempre dahil dakila akong fc sa kanya ichachat ko sya! Haha! Magtatype pa lang sana ako ng "Hi, Kent!" para isend pero biglang may nagpop up na message. OMO! Galing kay labidabs!
Kent: Hi Sophie! :)
Emeghed! With matching smiley pa talaga labs? Nu ka ba? Wag ka ngang ganyan! Kinikilig ako eh! Hihi!
Nag-isip na ko ng irereply.
"Hello phoesxz" erase erase! Masyadong jeje!
"Hi crush! Ahihi" masyadong pabebe! Anubayan eto na nga lang di ko pa magawa! Ito na talaga!
Sophie: Hi!
(Seen. 9:17p.m) (Kent is typing)(A/N: Parang tanga lang no? Daming kaartehan 'Hi!' lang naman pala irereply HAHHAAHHAHA)
Kent: Sophie may gusto sana akong itanong eh...
Luh? Ano naman kaya yun? Kung pwedeng manligaw? Kung single ako? Or kung pwedeng kami na? Ang harot ko mag isip!!!
Sophie: Sure :) Ano ba yun?
Kent: Pwede bang manligaw?
OMOOO! IM SO KINIKILIGGG!!! NAGTATANONG NA SYA KUNG PWEDENG MANLIGAWWW! SHET MAH HEART MAH SOUL! SABI NA NGA BA MEANT TO BA KAMI EH! Nang may biglang nagpop up uli na message.
Kent: Pinapatanong ng kaibigan ko.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang mabasa ko yung message nya. Ganun ba talaga kasaklap kapalaran ko? Anubayan eh! Naiiyak tuloy ako! Hindi ko alam irereply ko kaya sineen ko na lang! Nasaktan din kasi feelings ko dahil kay labs! Hay, umasa pa naman ako! :<
··········Matamlay akong naglalakad papasok ng gate ng school. Ewan ko ba, di pa rin ako makamove on sa nangyari kagabi. Grabe! Ang sakit lang sa feelings! Kaya just for one day tampo tampo muna ako kay labidabs. Hmp!
"Sophie!" nilingon ko naman ang epal na tumawag sa napaka ganda kong pangalan. At nakita ko ang kaibigan ni labs na si Joel na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Ano naman ang kailangan ng isang to?
"Oh? Kailangan mo?" with matching taas kilay ko pang tanong sa kanya. Eh bakit ba! Badtrip ako eh!
"Sungit naman neto! Ke aga aga eh!"
"Aba! Kung mukha mo lang naman ang makikita ko magsusungit talaga ako! Bwiset!" nakakainis talaga to! Pareho sila ng kaibigan nya! Hmp!
"Huh! Sa gwapo kong to! Maiinis ka talaga kasi marerealize mo na ang malas mo kasi hindi kita type" nakapogi sign pang sabi nya. At dahil baka kung ano pang masabi ko rito inirapan ko na lang at naglakad na uli. Iilang hakbang palang ang nagagawa ko ng may sinabi siya na talagang ikinabigla ko.
"Nagsisimula na bang manligaw si Kent? Yieeee!" ngiting ngiti na tanong nya sakin habang tumataas baba ang kanyang mga kilay. But, wait. Ano daw? Manligaw? Si Kent? Huh, bangag ata to eh!
"Baliw ka ba? Anong nagsimula nang manligaw si Kent? Diba nga usap usapan na MU sila nung Mira na yun na muse ng Section D? Lakas amats ka rin eh no! Bwiset!" Bwiset na to! Papaasahin pa ko! Nakuuu talaga ah!
"Huh? Hindi sila magka MU ni Mira no! Tsaka sinabi nya kaya samin na liligawan ka nya! Kasi ikaw naman talaga gusto nya simu--- oopss. Lagot ako nito!" wait, gusto ako ni Kent? FOR REAL? okay chill muna , Sophie. Wag muna umasa. Yan ka na naman. Tatanongin ko na sana si Joel kung totoo ba yun pero inunahan nya kong magpaalam at dali daling tumakbo. Huh. Anyare dun?
----