Ang Friend Kong Beki(one shot)

20 0 0
                                    



"Beshy!!!! Ang tagal mo ahh!!" rinig kong matinis na sigaw ni Soule habang papalapit ako sakanya.

"Hindi naman kase ako updated na maaga ka palang nabuhay ngayon. Himala at maaga kang nagising" natatawa kong sabi ng makalapit na ako sakanya.

"Shempre naman noh! Baka mas marami akong makitang pogi pag mas maaga akong pumasok sa school" maarte nyang sabi.

Pinaikot ko lang ang mata ko. "Hay nako ang landi mo nanaman" sabi ko. Ano ba naman kasi tong si Soule eh bat naging beki pa. Nakakainis matagal ko na syang gusto. 4 years na kaming magkaibigan napakaplayboy nga nito dati eh kase nga may ibubuga naman sya matangkad,maputi makinis at napakagwapo pa. Ewan ko ba last year bigla nyang inamin saakin na beki daw sya. Halos mahulog ang atay ko nun dahil sa sinabi nya. Sino ba naman ang mag aakalang isang dating playboy na ngayon ay isang beki na.

Pero kahit umamin na sya na paminta nga sya, hindi parin nawala yung pagkakagusto ko sakanya. Tapos dahil kalandian din naman netong baklang to , last time lumapit sakin si Pace yung  kaschool mate namin na varsity player umamin sya na may gusto daw sya sakin. Di pa nga ako nakakapagsalita hinila na ng echoserang Soule si Pace dahil bet nya daw pogi daw kase. Divah? Ang lande ng koya nyo. Kahit beki sya hindi naman sya nung nagbibihis babae baka daw mas dumami ang nagkakandarapa sakanyang boys. Yuck! Kahit ganon di parin nababawasan ang kapogian nya. Sayang talaga! Di pa nga ako nakakapagtapat sakanya na gusto ko sya pero wala na kaagad pag asa kase nagladlad na si shurlalung gwapo.

Wala kami masyadong naging pasok kase halos lahat busy para sa festival bukas. At nang mag uwian hinatid nya ako pauwi sa bahay tulad ng palagi nyang ginagawa. Wala naman daw kase syang gagawin kase mag isa lang naman sya sa condo nya tas wala naman syang boys don kaya hinahatid nya nalang ako pauwi sa bahay.
Oh diba? Mayaman pa sya. Sayang talaga at naging beki sya , hay naku! Ano ba earth! Bat ba kasi si Soule pa eh!

"Okii babush na. Pahinga kana para bukas sa festival" nakangisi kong sabi.

Nagtaka naman ako ng makita ang seryosong mukha ni Soule. Napaka gwapo nya talaga. Sasapakin ko na talaga ang sarili ko bat ba kase ako nagkakagusto sa beki kong friend! Kahit anong pigil ko parang mas nagugustuhan ko pa nga sya.

"Magpahinga kana rin" seryoso nyang sabi. Haluh? May problema ba to? At ang weird dahil mukha syang seryoso.

Nagtataka akong tumingin sakanya. "May problema kaba?"

Ngumiti lang sya. Ohmahgas puso wag ka namang mag skydive jan! Baka atakihin ako ng wala sa oras dahil lang sa ngiti nya. Minsan ko lang kase sya nakikitang ganto ka seryoso.

"Bye Hershey" pagkapaalam nya ay naglakad na sya paalis.
Bigla naman nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan.  Parang biglang sumikdo ang puso ko ng marinig kong binanggit nya ang pangalan ko. Ang tagal na rin ng huli nyang banggitin ang pangalan ko kasi BESHY tawag namin eh ang arte kase ng baklang yan. Pero bat ngayon tinawag nya ako sa pangalan ko? Nakakaintriga naman tong baklitang ito. Nagkibit balikat nalang ako at pumasok na sa bahay.

Matutulog na sana ako ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino yung nag message.

Friend kong Beks:

See you tomorrow.

How great. Parang ang seryoso naman ng text nitong baklitang to. Kase dati pag nag tetext sya eh puro kabaklaan nya lang pero ngayon bat parang iba pakiramdam ko sa text nya oarang ang seryoso. Nag reply narin ako.

To Friend kong Beks:

See yah! Mag aayos nga ako para gumanda ako bukas sa festival :))

Maya maya pa ay nag reply kaagad sya.

Friend kong Beks:

Di mo na kailangan mag ayos, maganda ka na naman matagal na :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Friend Kong Beki(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon