* The Mystery Guy *

411 23 7
                                    

Chapter Nine

===

SSP

"Bakla. 4:30 na. Gumising ka na dyan."

"Maaga pa Nanay Leonora."

"Anong maaga pa? At anong Nanay Leonora? Kailangan ka pa natawag ng bakla ni Nanay?"

"Kuya Jon. 5 minutes na lang please."

"Anong Kuya Jon? Ang ganda ganda ng boses ko tapos Kuya Jon? Shirley Mae San Pedro. Hindi ka ba talaga gigising?"

"5 minutes na lang talaga aswang. Wag mo muna akong kakainin."

"Aswang pala ha."

"Aray. Sino ka? Aray. Kate naman! Hinulog mo na nga ako. Binatukan mo pa."

"Oh ayan. Kailangan pa pala ihulog para magising at kailangan pang batukan para makilala ako. Andito na ako. Hindi mo ba ako namiss?"

"Hindi."

"Nakakatampo naman, may pasalubong pa naman akong pastillas. Hindi naman pala mapapakinabangan, ibigay ko na lang kaya sa kapitbahay? Ano sa tingin mo Shirley?"

"Syempre naman namiss kita. Alam mo ba na ang boring ng buhay nung wala ka? At dahil nandito ka na, masaya na uli ang bagong umaga. Marami bang pastillas?"

"Okay na sana eh. Oo na. Sayong sayo na yon. Maligo ka na. Halatang halata ang mag ang mata mo. Sabi ko na nga bang masasaktan ka na naman. Edi sana binigay mo na lang sa akin ang chocolates."

"Huh? Anong pinagsasabi mo dyan? Nanuod ako kagabi ng Miracle Cell no. 7 ba yun? Basta nakakaiyak. Yung date namin ni Bench, busy daw kasi sya kaya hindi natuloy."

"Sinong Lelang ang niloko mo? Alam mo bilib ako sa tapang mo Shirley pero yung nagpapakatanga ka sa mga pangyayari? Sa tingin mo anong mapapala mo? Marami pang lalaki dyan. Malay mo bumalik yung kababata mo na nangako na liligawan ka."

"Pati ba naman yun nasama? Hindi pa ako pagod Bakla. Kaya pa ng baby bangs ko. Sige ligo na ako."

Pumasok na ako sa CR. Totoong nanuod ako ng sad movies. Titanic. 50 First Dates. A walk to Remember. The notebook. Etc. Para na rin umiyak ako ng umiyak at maubos ang luha ko sa isang labasan. Nagpakahina ako kahapon at magpapakatatag ngayon. Hanggat may buhay may pag-asa ika nga.

Late na akong umuwi ng mansion nung Sabado. Tama ng at naipamigay ko sa mga lovers ang mga bulaklak at chocolates tapos pinaalis ko sila. Ang sasakit nila sa mata. Ilang oras din akong umupo sa Bench nang may tumabi sa akin lalaki.

*flashback*

"Oh." Siya sabay abot ng panyo.

"Ang ganda ganda ng damit walang panyo." Dagdag niya pa.

"Pakialam mo ba? Ikaw na nga tong sumisingit sa moment ng may moment, manunumbat pa! Sabihin mo nga sa akin anong masamang elemnto ang nagpadala sayo sa kaharian ko kung puro dyoso at dyosa lang ang pwede. In short, bawal ka."

"Hahahahahahahahaha. Kainis ka naman. Ikaw ang may problema. Ikaw ang dapat papasayahin, pero anong ginawa mo? Hahahahaha."

Anong problema neto? Sa totoo lang gwapo siya. Mukang tanga nga lang kasi nakashades pa. Eh ang kulimlim naman, ang ulap kasi masyadong pa-extra. Gusto rin atang umiyak.

"Alam mo dapat hindi pinapaiyak ang isang tulad mo. Mas bagay sayo ang nakangiti."

"Teka nga. Bakit ang FC mo? Kilala ba kita? Isa pa. Ano bang paki mo? Hindi ko kailangan ng opinyon mo!" Hindi ko mabasa ang ekpresyon niya pero pansin kong nagulat siya.

Courting the Teen Prince (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon