How We Became Lovers (1)

126 2 0
                                    

Ako: Are you done yet?

(No response)

*Prrrt, prrt, prt*

I sighed.

Ako: I guess not yet

Sumandal na lang muna ulit ako sa labas ng pintuan.

After 5 more minutes, lumabas na din siya. I squirted hand sanitizer gel in his hands. He gladly spread it.

Ako: Okay ka na ba? Or do you like me to get some medicine?

He shrugged and shook his head.

Luther: Just don't touch and sniff me

Lumayo na lang ako ng konti sa kanya. Nako talaga tong lalaking to. He just came from a business trip in Florida, at kung naaalala niyo pa, kapag inaatake siya ng jetlag, kasabay ang pag-aalsa ng pwet niya. Siya lang ang kilala kong ganun, sa totoo lang.

Actually, sa iba siya nagpapasundo kapag babalik na siya dito sa pinas. Kaya lang sadyang makulit ako kaya ako ang sumusundo sa kanya. Wala lang, trip ko lang. Hahaha

Lagi naman siyang di namamansin kapag tapos na siya sa CR. Ewan ko sa lalaking to, pero pag kinabukasan na, daig pa linta kung kumapit!

Sumakay na kami sa Audi Q7 ko. Ako ang magdadrive, syempre. Since nakahawak siya sa humihilab niyang tiyan.

Ako: "San ba kita ihahatid?"

Di siya sumasagot. Sa totoo lang talaga, naiinis ako kapag ganito siya. Tuwing ako makikita niyang sumusundo sa kanya sa airport, sumasama na mukha niya. Sinasamahan ko naman sana siya kapag nagaalburuto na tiyan niya.

Kaya hinatid ko na lang siya sa Condo Unit niya. Siguradong pagod to kaya gusto nitong mamahinga.

Dumiretso na akong bumaba pagka-park ko. Naiinis talaga ako, parang ayaw niyang ako ang sumusundo sa kanya. Okay, last na to. Di ko na siya susunduin pa sa susunod.

Binuksan ko na yung compartment sa likod para makuha na niya yung maleta niya. Aalis na ko pagkakuha niya. Hmp.

Nagulat naman ako nung di niya agad kinuha yung maleta niya.

Ako: Talagang dito ka pa nagbuklat ha? Luther naman, aalis na ko

A Starbucks Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon