Walang kalaman-laman yung fridge ni Luther bukod sa isang malaking Jjampong cup noodles. Buti na lang, may malapit na grocery store sa tabi ng condominium kaya nakabili ako ng pang-porridge.
Pagka-luto ko, pinaghanda ko na siya sa may countertop niya. Kailangan niyang bumangon at matagtag kahit konti para di siya masyadong nanlalata.
Napalitan ko na din siya ng damit kagabi at swear nahirapan ako. I couldn't deny his nice figure. Mukhang nagwo-work out siya. Napainom ko na din ng gamot na luckily, meron sa health kit ko na lagi kong dala.
Papunta na sana ako sa kwarto niya nang bigla siyang lumabas.
Ako: Oh, kaya mo na ba?
Lumapit ako sa kanya para alalayan siya. Sinukbit naman niya yung kamay niya sa balikat ko.
Luther: Okay na ko. Ang galing mag-alaga ng future wife ko eh.
A: Future wife ka dyan! Pasalamat ka at may sakit ka kaya di kita mahampas!
Tumawa naman siya. Inalalayan ko na lang siya maupo sa may bar seat atsaka ako tumabi sa kanya.
Luther: You didn't changed your clothes, may damit naman ako dyan.
Ako: Okay lang noh, nakakahiya naman sayo kung basta lang ako kukuha ng damit.
Luther: Sus, I don't mind. But you changed MY clothes.
Ako: Hoy, wag kang mag-isip ng kung ano ha. I didn't do anything except change your clothes.
Luther: Nagising ako nun and I saw you drooling over me---
Ako: Kapal mo! Hindi noh! Masuka-suka nga ako sa figure mo e! Hello?! Walang wala pa din yang abs mo sa mga abs ng mga crush kong model!
Luther: Talaga lang ha? Baka nakakalimutan mo, I rank 3rd as the nation's hottest Bachelor!
Ako: Oh, so? Hindi ka pa rin first! *behlats*
Luther: Grabe to! Alam mo, sa lahat lahat talaga ng babaeng nakilala ko, ikaw ang natatangi! You're the only one who could resist me! Watch and see, mas dadalasan ko pa workout nang wala ka nang masabi!
Ako: Whatever! Kumain ka na nga lang dyan, mabibinat ka pa nyan eh!
Luther: Eh sino kaya nagpapasigaw sakin? Atsaka ano naman sakin kung pang-3rd lang ako? Number 1 naman ako sa puso mo *ngiti sabay kindat sakin*
Ako: *pinipigil ang tawa* Kapal mo, ang mga type ko katulad ni Oliver Jackson Cohen noh!
Luther: *Kinikiliti na ako* Wooh! Kunwari ka pa, sobrang alala mo nga sakin e! Kita mo, pinagluto mo pa ako! And I don't remember having this on my fridge, pinag-grocery mo pa ko! Hahaha!
Ako: *tawa na ng tawa* ano ba, Luther! Magtigil ka na nga! Hahaha!
Natigil naman ako sa kakatawa nung bigla siyang huminto sa pangingiliti at niyakap na naman ako.
Luther: *kisses my head* Thank you, Ellie. You're the perfect woman a man could ever have..
Buti na lang, di niya kita yung mukha ko, ngiting-ngiti kasi ako. :"> Taong to, lakas magpangiti!
Ako: *kunwari di na-touch, hampas ng mahina sa ulo (may sakit eh)* ewan ko sayo! Bolero! Hala, kain na!
At inasikaso ko na siya. Partida, lakas mambola eh. :")))

BINABASA MO ANG
A Starbucks Love Story [COMPLETED]
Fiksi Remaja[TAGALOG] A Love story that started with a swapped Frappe of Starbucks'.