How We Became Lovers (4)

124 4 0
                                    

LUTHER'S POV (OMG, first time!!!)

Naniniwala ba kayo sa love at first sight?

Sa totoo lang, ako hindi e. Imposibleng mahalin mo agad ang isang tao sa unang kita mo sa kanya. Di pwede yun. Kalokohan yun.

Pero alam niyo ba, kinain ko lahat ng pangangatwiran ko na yun nung nakilala ko si Ellie. Si Brenda Louise Ronquillo.

I first knew about her sa isang magazine na nabasa ko sa lobby ng isang hotel na pinag-stayan ko somewhere in Visayas. Featured lang yung restaurant niya kaya konti ang nakalagay tungkol sa kanya.

Kayo ba naramdaman niyo na yung feeling na kapag tiningnan mo ang isang picture na maraming babae, (kasi lalaki ako) may nag-iisang mas makaka-angat sa iba. Kaya kapag tinanong ka kung sino ang pinakamaganda, yun agad yung ituturo mo.

Yun yung naramdaman ko nung nakita ko yung picture ni Ellie. There was something about her smile na nagpaisip sakin na hindi siya masaya.

Ang korni no? Ewan ko ba bat ko naisip yun.

Kaya nung nireto siya sakin nung kabarkada ko nung college na si Daryll, (turned out, girlfriend pala niya yung isang kaibigan ni Ellie na si Faye) naging sign sakin yun na kailangan ko siyang makilala.

Alam mo yung destiny? Takte parang ganun yun e nung pinakita ni Daryll sakin yung picture ni Ellie! Oo agad ako! Sa isip isip ko, chance ko na yun. Sobrang kabado talaga ako nung araw na magkikita na dapat kami.

Kaya lang alam nyo ba kung anong nangyari? Di niya ako sinipot. Nung una nga akala ko nang-trip lang si Daryll e. Pero hindi pala. Nag-sorry pa nga sakin si Faye nun kaya naisip ko hindi siya interesado.

Marami nang lumapit sakin na babae, oo, sila yung lumalapit sakin hindi ako. Madalas yung karelasyon ko, wala lang. Di nauwi sa seryosohan kahit gusto ko.

Bakit nung naisipan kong ako naman ang lumapit, ako naman ang hindi pinansin? Badtrip kaya yun, kaya siguro hindi ko siya nakalimutan nun. Kunwari ko pang tinapon sa trash can sa kwarto ko yung picture niya eh, pero alam na alam ko naman na display lang yung trash can na yun at hindi pinagtatapunan.

Eto na, araw na hinatak akong mag-Starbucks ng kapatid kong si Kuya Kitch. Paalis na siya nun pabalik ng Cebu. Itatry lang daw niya kung ano mas masarap. Yung kape sa pinagtatrabahuhan niya o Starbucks.

Isang flavor lang ang lagi kong inoorder dun. Ang favorite kong Choco Cream Chip Frappe. Madalang na ako mapunta dun kaya laging Venti.

Eto yun eh, gusto niyo ng flashback?

*flashback*

"Choco Cream Chip Frappe for Luther and Ellie!"

"Oh ayun na yung iyo, pahuli-huli ka pa kasi!"

Sinuntok ko na lang ng mahina si Kuya sa balikat pagtayo ko sa upuan.

A Starbucks Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon