"LUNCH DATE deal?"
Inaya ko sya ng lunch date oo tama LUNCH DATE hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko kaya yan ang bigla kong naimessage sakanya.
Pagkatapos ng ilang minuto wala parin syang reply ang inisip ko lang baka busy kasusulat sa wattpad, ganun kasi sya kung hindi nagbabasa nag uupdate sya ng mga ginawa nya.
Makalipas pa ang ilang minuto bigla akong natuwa kasi nakita kong naseen nya na.
Excited ako sa magiging reply nya sakin. ilang minuto pa ang lumipas at wala parin syang sagot inisip ko na lang na nag iisip siguro sya na kung san magandang place para samin YEAH!!!
Lumipas ang oras at bigla akong nawalan ng pag asa. Naramdaman ko ang feeling ng SEENZONED :'(
Nawalan ako ng gana at para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig na kalahati ay buong yelo :'(
Masakit pero hindi ako tumugil sa kaka message sakanya.
Dumating na ang first day ng pasukan excited ako na may halong kaba. 3rd year college na ako at inilipat ko talaga ang aking section para maging classmate ko.
Maaga akong gumising para maagang pumasok aayusin ko kasi schedule ko para sa lahat ng subject ay nandoon sya. Nahulog na talaga ang loob ko skanya.
Nakarating na ako ng school at tinxt ko na ang aking bff na si Kas para magkita kami gusto rin kasi nyang magkaklase kami para meron syang kopyahan hahaha!
Nagkita kami ni Kas sa quadrangle at nasumpungan ko si baby ko malapit saming kinalalagyan. Tumitingin kami ngayon ni Kas ng available schedule sakto marami pang slot sa mga oras na yun at sigurado ako na yun din ang schedule ni baby ko.
May nakapagsabi kasi sakin na section 2 si baby ko kaya inagahan ko talaga para lang makakuha ng slot.
Nakumpleto na namin ni Kas ang form official na 3rd year na talaga kami kasi puro major subject yun :)
Dumaan kami ni Kas sa kinalalagyan nila baby ko kasi pupunta kaming office ng dean. Tinignan ko lang sya at hindi manlang sya bumaling ng tingin sakin siguro nahihiya din sya nung time din kasing yun nahihiya narin ako sa ginawa ko sobra pa ang aking pagkaba.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Kas ng marinig kong magsalita si Ranje ang boom ti boom sa section namin "Ang cute mo ngayon ah" ika nya. napasmile na lang ako at hindi nagsalita nagsmile ang iba nyang mga kasama pero si baby ko deadma parin :'(
Umalis ako na may dalang mabigat na pakiramdam ngayon lang kasi ako binalewala mostly kasi nakukuha ko ang gusto ko lalo na pagdating sa lalaki isa kasi akong magandang bakla joke lang! mostly din ng mga naging boyfriend ko ay yung mga sikat sa lugar namin may mga itsura at talagang sikat babanggitin mu pa lang yung pangalan nila ay nanginginig na ang kalamnan mo hahaha!
Balik tayo samin ni baby ko.
Lumipas ang maghapon at ilang beses kaming nagkasalubong at walang nangyaring pansinan.
Umuwi ako ng walang gana. Ang gusto kong gawin ay mahiga sa kama at matulog para hindi ko na sya maisip pa.
Binuksan ko muna ang aking fb para mag update ng status at para tignan narin ang mga selfie namin ni Kas adik kasi yun sa pagkuha ng pictures hahaha!
Tinignan ko narin ang aking messenger at nakita ko na naka online si baby ko :)
CHAT NANAMAN ITUUUUU!!!!!
---------------------------
Ano kaya ang pag uusapan namin :)
Excited ako nafefeel ko na magiging masaya ang tapunan namin ng mensahe sa next chapter :)
Please do vote
Vote and comment is highly appreciated
Follow me
@juicecoolored