Mula sa malayo ika'y aking pinagmasdan
Ngiti mong kay ganda aking nasilayan
Mga halakhak mong kay sarap pakinggan
Hindi mo man batid pero ika'y aking nagugustuhanNais ko sanang sa iyo ay magpakilala
Ewan ko ba ngunit ako'y nahihiya
Baka sa mga kilos ko'y iyong mahalata
Na ikaw ang nilalaman nitong puso't diwaGusto kong makipaglapit sa iyo
Para makilala mo ang tulad ko
Nang sa gayon ay maiparamdam ko sa 'yo
Pag-ibig kong tunay, tapat at seryosoNgunit hindi ko alam ang gagawin
Sa tuwing ika'y papalapit na sa akin
Mas lalong lumalakas ang kaba sa damdamin
Kapag nagtatama ang ating mga paninginNais ko nang ipagtapat sa 'yo na mahal kita
Ngunit walang mahagilap na salita kapag kaharap ka na
Sadyang kay hirap umamin ng pagsinta
Kinakabahan ka na, napipipi ka paGanito pala ang pakiramdam ng umiibig
Minsan inaatake ng mga daga sa dibdib
Animo'y isang bata kapag kinilig
Hindi matigil-tigil sa pagtititigTalaga namang ako'y kinakabahan
Kung tayong dalawa ay magkabukingan
At kapag umamin ako ng nararamdaman
Baka ako'y bigla mong tatalikuranNgunit di bale nang tawagin akong duwag ng iba
Basta sa paningin ko'y wag kang mawawala
Di bale nang hindi magiging tayong dalawa
Kahit na palihim mamahalin at mamahalin pa rin kita