Hana's POV
*Kring Kring*
Sa dinadami ng tao ako pa talaga ang unang gigisingin. Nakakasar ka ng alarm ka. Sino ba nag imbento neto?
Tumayo nako at ginawa ko ang mga dapat kong gawin sa umaga kasi ngayon...
FIRST DAY OF SCHOOL KO!
Tapos naligo at nag lagay ng light make up para naman ma brighten up naman yung face ko.
"Perfect! So ang susunod KAKAIN NA!"
Kinuha ko na yung bag ko at bumama pababa. Nakita ko ang aking pamilya. Si mama nag luluto si papa naman nag babasa ng magazine habang kumakain? Kailan pa to naging gawain ni papa? At tong dalawa kong kapatid na kambal ah! Ang hirap pag hiwalayin tong dalawang to eh! Si Jenny Kang at Johnny Kang. Oh diba pangalan palang.
Ah Oo nga pala nalimutan kong sabihin sa inyo ako si Hana Kang. Nag mula sa US at lumipat rito sa Korea dahil may trabaho daw si mama at papa rito. Mayaman kami pero hindi ko ginagamit ang yaman ko para magustuhan ng iba. Marami akong kaibigan sa US pero dito sa Korea ewan ko lang? Pero ang sabi nila marami daw akong kakilala rito.
Minsan ako'y masungit kasi di naman ako interesado minsan. Mabait ako sa totoo lang may nag bago nga raw sakin pero wala naman talaga. START NA NATIN DAMI KO NANG NA CHIKA SA INYO.
"Morning Pa Ma!"
Lumapit ako kay Papa at hinalikan ang cheeks niya at kay mama naman. Sa dalawa kong kapatid ewan ko nakang mas matanda sila kaysa sakin eh.
"Morning ate... KUYA! Jusmiyo marimar! Kuya!!!"
Sabay tawa ng dalawa kong kapatid. Ganto talaga ang umaga ko lagi akong ginugulat.
"Ano na naman yang hawak hawak mo kuya?"
"Di mo ba napapansin? Eto ang pinaka mahalaga kong alaga na nakita ko sa backyard."
Napatingin ako kay papa. Di ko pa kasi nalilibot tong bahay e.
"Pa! May baboy ba sa likod? O merong kabayo? Pa!"
Binitawan ni papa yung magazine. At nagulat kaming mag kakapatid dahil naka salamin siya?!
" Oh bat naka bukas mga bunganga niyo? Mamaya may pumasok na langaw dyan."
"Pa wala namang insekto dito."
Papa: Malay mo Jenny. *tumingin siya sakin* Hana... Walang baboy and kabayo sa likod sino ba namang mag aalaga nun rito? Pumunta ka nakang sa Zoo at dun meron.
Pinulot niya agad yung magazine at nanahimik mag basa.
Jenny: Hoy! Bilisan mo dyan. Ikaw ang baboy namin dito kaya alagaan mo nalang sarili mo.
Johnny: Jenny! Hindi baboy ang kapatid ko... Kambing ko yan.
Hana: At ikaw naman kuya ikaw ang unggoy ko.
Narinig ko yung giggle ni mama. Kaya ngumiti nalang ako kay kuya.
Mama: Bilisan niyo ng kumain at male late kayo. Tong mga to! Bilisan mo na.
-----------------
Hana: Bye Mama! Bye papa! Ingat po kayo sa trabaho niyo!
Sinabi ko kasi yung dalawa kong kapatid nag unahan sa kotse.
Mama: Ikaw din! Mag iingat ka!
Hana: Opo!
May narinig akong sumsigaw sa likod at alam ko na yung sumisigaw galing sa kotse.
BINABASA MO ANG
[JIMIN] PLAYFUL HEARTS {under hiatus}
Fanfiction[warning] Ito ay isang tagalog Ff kung Maka english ka man? BAHALA KA NG UMINTINDI. RANKED #1- TAGALOG FF RANKED #2- VHYUNG