Side Story: (Jackson-Laverne)

106 2 0
                                    

"Percy Jackson"

Every other two years ang uwi ng Fernandez Family sa Pilipinas. Laging July hanggang mid-August ang uwi ng mga ito kaya saktong-sakto sa bakasyon nila Jackson from School. Dahil dun, almost every day nasa kanila sila Bryce at Laverne.

It all started nung 12 years old na si Jackson. 10 years old na nun si Laverne. Laverne has always been like a little sister to him. Dahil magkalapit lang sila ng age ng kapatid nyang si Cyndrei, he had always treated her like his own sister.

Pero nung time na ‘yun, bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. The moment Laverne entered their front porch, parang bigla na lang nya napansin kung gaano ito kaganda.

Her hair is light-brown. Jet black ang buhok ng Tito Luther at Tita Ellie nya. Pero sabi ng Tita Ellie nya, it must be the weather in US na nagpa-light brown ng buhok ni Laverne. Her skin is pearl white, at nakuha din nito ang bilugang mata ng Tito Luther nya.

Since then, crush na nya si Laverne. At kahit hindi naman nya sinasadya, he was drawn to the things Laverne likes doing. Isa na dun ang sobrang pagkahilig ni Laverne sa pagbabasa ng Fantasy novels. Kaya tuwing sasabihin ng Mommy ni Jackson na uuwi ang mga Tita Ellie nya, pumupunta agad si Jackson sa bookstore para bumili ng mga bagong labas na fantasy novels. Tapos, babasahin nya lahat yun hanggang sa dumating na sila Laverne.

(Jackson-12, Laverne-10)

“Woooow, you read Percy Jackson too, Cyndrei?” sabi ni Laverne nang makita nya ang Percy Jackson and the Lightning Thief na libro sa may countertop sa kusina ng bahay nila Jackson. They were snacking on some chilled cookies na ginawa ng Mommy ni Laverne at nakaupo sa may dining table sila Jackson at Bryce.

“Oh no, not mine” sagot ni Cyndrei. 9 years old pa lang ito kaya hindi pa masyadong nakakapag-english. Nakakaintindi naman ng tagalog sila Laverne at Bryce kaya lang, hindi sila fluent mag-salita.

“Then Ate Clarize must be the one reading this” Laverne said, flipping through the pages of the book. Wala namang nakapansin na medyo namumula na ang mukha ni Jackson. Nun pa lang kasi nagsisimula ang pagka-crush nya kay Laverne kaya nahihiya pa sya.

“Hey Jackson, that’s the book you were reading last night, right? Just before we went to sleep” sabi naman ni Bryce na busy sa pagpili ng cookies na kakainin nya. This time, buking na si Jackson.

“U-uh, yes. Yes, that’s mine” he managed, and then he swallowed a whole cookie.

Hindi na sumagot si Laverne. All this time kasi, nahihiya pa din sya kay Jackson. Noong bata pa man din kasi sya, sobrang bait na nito sa kanya. Mas mabait pa nga ito sa kuya Bryce nya na walang ginawa kundi asarin sya.

--

(Jackson-14, Laverne-12)

“Laverne, we’re going mall-hopping. Aren’t you done with your book yet?” tanong ni Ellie kay Laverne na busy-ing busy sa pagbabasa ng Percy Jackson and the Titan’s Curse. Nakila Claire sila nun at kabisado na ni Ellie ang anak kapag nagbabasa ng libro. As much as possible, gusto nitong natatapos ang libro bago gumawa ng kahit ano. Matagal na nila itong pinagtatalunan pero suko na si Ellie sa anak. In the end, hinahayaan na lang nila itong magbasa na lang.

“I’m not yet finished with this, Mom. Can I just stay here?”

“Are you sure? You’re going to be the only one left behind. Even your Tita Claire and Tito Jason are coming too”

That made Laverne hesitate. Sanay naman talaga syang maiwan ng mag-isa pero sa sobrang laki kasi ng bahay ng Tita Claire nya, nakakatakot kapag mag-isa ka lang. Pero nandun na sya sa part ng book kung saan makikita na ni Percy si Annabeth and she couldn’t wait any longer na basahin kung ano nang mangyayari.

A Starbucks Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon