Di na Ako Iibig Pang Muli

77 2 1
                                    

"Di na ako iibig pang muli"

Sa ilang taon nating pagsasama, kala ko ay tayo na.

Pero mali pala ako, pagkat kaw ay meron na.

Sinong nagtulak sayo na humanap ng iba?

Hindi pa ba ako sapat upang ikaw ay lumigaya.

Sino ba ang taong yan at nagawa mo akong ipagpalit?

Hindi mo ba alam na ako sayo ay nagagalit?

Ang buhay ko'y parang ampalaya na puno ng pait.

Dahil ako'y ipinagpalit ng di ko alam kung bakit.

Ang pagmamahal ko sayo ng ilang taon ay nasayang.

Ako'y ginawa mong tanga na para sayo ay wala lang.

Sa ginawa mong to, ngayon ako'y lilisan.

Pupunta sa malayo upang ika'y makalimutan.

Sa paglayo ko, pangako sa sarili'y babawi.

Di na muling iiyak, ngiti na lamang palagi.

Ngayo'y aking nasambit, "di na ako iibig pang muli".

Sa isang tulad mong, mabuting anghel kunwari. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Di na Ako Iibig Pang MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon