AUTHORS NOTE:
To Al and Avery, thanks for the inspiration. May your love transcend time.
PROLOGUE
Masaya ako ngayon at kahit hilamusan ko pa ng paulit-ulit ang pagmumukha kong parang engot, ayaw pa rin ma bura nitong ngiti na nakadrawing sa aking labi dahil sa wakas, pinayagan na rin akong makipagdate ni mommy kay charlie, ang MU ko.
At dahil nga bata pa daw ako, kasama kong gumala sa isang mall ang Ate Abby at ang matalik niyang kaibigan na si Ma'am Des. May kasama rin kaming magshota na ang pangalan ay si Rafael na may pagka masungit dahil di man lang ako tinapunan ng tingin nung pinakilala kami, at yung kasama niyang babae na di ko nakuha ang pangalan.
Natapos ang gabi na masaya pero parang may kung ano akong naramdaman na di ko maintindihan at biglang sumagi sa isip ko ang mukha nung lalaking suplado na nakasama namin kanina...
PART I
Unang araw ng trabaho, tulad ng nakaraang taon, ipinasok ako ng aking mommy sa summer job program ng local government sa loob ng isang buwan, at dahil sabi ni ate na dun daw ako magpa assign sa office kung san siya ngtratrabaho nung una, wala naman akong magawa kundi ang pumayag kasi di naman ako choosy at masunurin naman akong bata.
Mababait naman ang mga officemates ko pati yung kapwa summer jobber ko, lima kami lahat kasali ang classmate ko sa college na si Toni.Isa isa kaming pinakilala ni Ma'am Des, ang pinaka cool at ubod ng bait na Administrative Officer na kaibigan ni ate. Pero sa lahat ng tao, umagaw ng atensyon ko yung lalaking nakasama ko sa mall, na hanggang ngayon ay wala paring kangiti-ngiti na wari bay parang ang laki ng galit sa mundo at si Oliver na isa ring boylet na meron ding hitsura pero ubod naman ng payat.
Lumipas ang mga araw at masaya ko namang naeenjoy ang trabaho, lalong lalo na kapag 11:30 ng umaga, dahil pinapaupo ako si Ma'am Des sa maliit na upuan sa kanyang tabi para makipag-kwentuhan.
Minsan, habang ka-chika ko si Ma'am Des, naririnig kong kumakanta si Oliver, di ko maiwasan na mapatingin at mapahanga sa kanya dahil sa palagay ko, kahit sinong babae ay malalaglag talaga ang panty kung maririnig din siyang kumanta!
Simula ng araw ding yon, nagkaroon na ako ng light crush sa kanya.
Naikwento ko nga minsan ito kay ate, nagtatanong din siya tungkol kay Rafael, pero dahil nga sa kasungitan at pagka tahimik ay ayaw na ayaw ko kahit medyo gwapo ito.
=======
Malimit ang brownout sa office kaya may panahon na tulad nito na ubod ng init at walang magawa kundi ang makipagkwentuhan:
" Ay miss ni Yssa si Raffy!", tukso ni Toni. Absent kasi si sungit. Ano bang nakain ng mga ito at binibwisit nila ang araw ko!
" Alam mo Yssa, super bagay kayo ni Raffy, kahawig kayo!", tukso ni Maam Sonia.
Shemay naman oh! Sa lahat naman ng taong itutukso sakin , kay sungit pah! Pwede naman kay Oliver di ba?
" Cge nah, umamin ka na, crush mo sha noh?" pinipigilan ko talaga ang sarili ko para di magwalk out at iwan ang mga mokong nato. Buti nalang wala si sungit at si Oliver, kaya malaya nila akong ginigisa.
" Oo na oo na, crush na crush ko na cya, happy?" feeling ko ang init init ng mukha ko.
Sa gilid ng aking mata, nakita kong nakatingin at tumatawa din si Ma'am Des.
=======
Kinabukasan nahuli kong nag uusap si Ma'am Des at si Sungit, di ko alam kung ano ang pinag uusapan nila pero napansin kong parang itinuro ako ng mga mata ni Ma'am at sinundan naman ako ng ting ni Sungit.