CHAPTER 6: What a dream!!

1.7K 25 4
                                    

CHAPTER 6: What a dream!!

===============

JIJEY'S POV

===============

Buong klase nakafocus lang ako kay Vincent. Ang gwapo niya talaga. Hindi ko na nga alam kung anong sinabi ni Prof. All I can think is, ANG GWAPO NI VINCENT. Nagrerecite ngayon si Vincent sa unahan. Ang dami dami niyang sinasabi pero wala akong naintindihan.

'' Jijey?''

Bakit kasi ang gwapo gwapo ni Vincent? Siguro sinambot niya lahat ng grasya na isinabog ng Diyos. Hayy, gusto ko siya ang maging first boyfriend ko. Nakakainggit talaga yung ex niya. Pero tanga nga lang niya pinakawalan pa si Vincent.

''Jijey?''

Wala na akong ibang naiisip. Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ay mga salitang ANG GWAPO NI VINCENT. Waah, gusto ko siyang maging boyfriend.

ANG GWAPO NI VINCENT! AMPOGI NIYA TALAGA.

ANG GWAPO GWAPO TALAGA

UBOD NG KAGWAPUHAN ANG LALAKING ITO.

HAYY, ANG

''JIJEY!!''

''AYY ANG GWAPO TALAGA NI VINCENT!!'' 

''Huh?'' yikes, si professor pala. Napatigil sa pagrerecite si Vincent. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Paano ba naman kasi, nakafocus ako kay Vincent tapos biglang susundutin ni Prof ang bewang ko sabay sigaw ng pangalan ko. Eh ang lakas ng kiliti ko sa bewang. Kaya napasigaw ako ng... alam niyo na!

''HAHAHAHAHA!! YIE.. ANG GWAPO DAW NI VINCENT OH! NAKS INLOVE NA SI JIJEY KAY VINCENT. OI NAGDADALAGA NA SI JIJEY! AYIEE!! HAHAHAHA!!'' sabi nung isa kong kaklase. Tapos nagtawanan nadin ang iba kong mga kaklase. Si Vincent nakangiti sa akin habang slight na natawa. Si Prof naman nagpipigil ng tawa. Yaaahh!! Nakakahiya!! Namumula na ata ako. ANg init ng mukha ko eh. Nagtaklob nalang ako ng mukha.

''Ehem. Uhm, sige Vincent. You may take your seat. Okay tama na ang tawanan. So probably maraming naintindihan si Jijey kay Vincent, noh? Kasi kanina ko pang nakita siyang nakatulala kay Vincent at focus na focus sa kanya.'' sabi ni Prof na halatang nagpipigil ng tawa. Tapos ang mga kaklase ko din nagpipigil din ng tawa. Naman!! Prof kailangan bang banggitin pa yan? Di ako makatingin kay Vincent na kanina pang nakatitig sa akin. Huhuhu nakakahiya.

RIIIIIINNNG!!!!

Yes nagbell na! Thank you, Lord! Break time na! Weee!! LAB KU NA SI TAYM!!!! Nagmadali ako sa pagaayos ng gamit ko. Icocontinue nalang daw namin ang lectures namin sa Monday. Tapos lumabas na si Prof. Nagmadali na akong lumabas di ko na hinintay si Elouise.

'' UI! JIJEY! INTAY LANG!'' rinig kong sigaw ni Elouise. Nilingon ko siya at nakita ko siyang tumatakbo siya papunta sa akin. 

''Grabe ka naman magmadali.'' pagrereklamo ni Elouise.

''Nakakahiya kaya!'' sabi ko

''Sino bang maysabi na sabihin mo yun ng malakas?'' sabi niya

''Di ko naman sinasadya!'' sabi ko.

''JIJEY!!'' teka boses yun ni Vincent ah. Nilingon ko at si Vincent nga. Tumatakbo siya papunta sa amin. Bigla akong napatalikod at nagsimula na ulit maglakad ng mabilis. Pero naabutan niya ako at hinigit ang kamay ko.

'' Hey sabay tayo magbreak.'' sabi niya. Gusto ko pero ang AWKWARD! Nahihiya na ako.

'' Uhm... sa tingin ko dun ka nalang sa mga tagavarsity. I'm sure gusto ka nilang makasama.'' narinig kong sabi ni Elouise. Life saver ka talaga, best friend!

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon