NSA 11 "Sweetness with Pat"

0 0 0
                                    

Levin Devine POV

Kakatapos lang namin ni Pat mag libot at mag room to room. Kailangan kasing isa isahin para mas legit at makarating talaga yung info sa mga student.

Buti at nandito si Pat sa tabi ko. Tigasin! Tiga paypay! Tiga punas! Tiga bitbit ng bag! Alalay all through out si bebeboy!

"Lev mabantot na ba ako?" Tanong niya. Nagpapahinga kami dito sa office namin kasi maya maya lang ay meeting ulit.

Walang pakundangan ko siyang inamoy sa leeg. Shit ang bango niya manly menthol scent.

"Di naman eh." Sagot ko. "Ako ba?" Tanong ko naman. Baka mamaya nagpaparinig pala siya.

Wala ding pakundangan at bigla bigla niyang nilapit yung mukha niya sa leeg ko.

"Di naman amoy kang cherry hahaha. Cherry wine." Compliment niya. Bongga! Pano ba naman galing sa kanya yung gamit kong perfumr Cherry wine yung favor. Minsan nga natetemp akong lasahan siya eh hahahaha.

"Thanks." Maikli kong sagot.

Nagpaalam muna si Pat na lalabas daw siya at tinanguan ko naman siya.

So ang siste magisa lang ako sa office so inayos ko nalang yung files namin na naka kalat sa table. Mga ilang minuto din yun.

Afterwards inopen ko yung pc para icheck lahat ng updates or pending task ng working committees para kung kailangang gawin na isahan nalang.

Siguro inabot din akong isa't kalahating oras sa mga pinagagagawa ko.

Ako yung tao na ginusto ko lahat ng ginagawa ko, nageenjoy ako kapag nagiging busy ako at nagrereklamo pag katapos hahahaha pero di naman ako nagqquit hahaha.

Katulad dito sa ssg namin madalas akong magreklamo dahil sa pagod pero di ko naman magawang magresign. Ineenjoy ko eh. Isa pa may mga taong nagsusupport saakin kaya mas na momotivate ako.

"Levi." Sabi ni Pat ng mailapag niya yung plastic bag na ehem ehem galing mcdo. "Kain muna tayo mamaya pa naman meeting eh. Isa pa di ka pa nakain eh." Ay sweet naman ng bebeboy hahaha.

"Eh sana nagsabi ka na bibili ka sa labas. Sana binigyan kita ng pera." Saad ko naman.

"Di okay na yun kiss mo nalang ako." Sabi niya sabay point sa pisnge niya.

Yun lang naman pala. Lumapit ako sa kanya at iniharap ko yung chair sa kanya paa magkaharap kami at kiniss ko siya sa cheeks.

Thankful ako dahil may pat na maalalahanin, caring, protective sa buhay ko.

"Oh ano pa kain na tayo. Gutom na rin ako hahaha." Sabi ko at ako na nagayos nung binili niya.

"Subuan mo nga ako Levi." Utos niy Pat. "Dali na please." Dagdag pa nito.

"Osya sige! Pasalamat ka at alam kong pagod ka." Medyo malayo layong lakaran pa kasi yung mcdo eh.

Sinubuan ko naman siya ng pagkain. Wala naman siyang pake kung iisang kutsara gamit namin eh.

"Love mo ba ako Levi?" Bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Ano ba naman yan pat!"

"Dali na sagot na!"

"Syempre oo love kita." Sagot ko naman sabay gestures ng puso puso!

"Sige nga halikan mo nga ako sa lips." Sabi niya naman at nagpout.

"Artice 2 Entitled Student Regulatory. Section 4. PDA. It is not allowed to display such an affair in public. Violation of the commended rule will have sanction." Pagpapaalala ko sa kanya buti ready yung handbook ko. "So it means bawal magkiss pag nasa school."

"What if wala tayo sa school. Will you kiss me on lips?"

"Ofcourse Pat!" Sagot ko naman ng walang pakundangan. Choosy pa teh! Si Pat na yan oh hahaha.

"Ayun naman pala eh. Pero love mo nga ako?" Tanong niya ulit. Ang kulit ng batang maliit!

"Oo nga!" Sagot ko sabay subo ng fries.

"Talaga?" Tanong niya ulit.

"Promise cross my heart hope to die."

"Oy wag ka namang mamat------" sinubuan ko siya ng limang pirasong fries para matigil ka talak. "Hahahahahaha" natawa nalang siya ng makain niya na yung sinubo ko.

"Daldal mo eh." Sabi ko naman. "Pero seriously, mahal kita Pat na parang kapatid na." Dagdag ko pa.

Sumibol naman ang ngiti sa mga labi niya. Alam kong napasaya ko siya kahit papano.

Ng matapos kaming kumain ay maghihintay pa kami ng 30 mins para sa meeting so naisipan namin mg manood ng boy love sa phone niya.

Sinabihan ko kasi siyang magdownload hahahaha. Nagdownload din naman siya kahit di niya pinapanood di naman din niya dinidelete.

Humiga ako dun sa sofa ng office namin kasya naman kasi ako.

"Uy upo ka nga lev. Tabi ako." Parang bata niyang sabi at walang ano ano ay tumabi saakin.

At dahil di kami kasiya sa upuan sa sahig kami umupo. Nakabukaka siya habang ako naman ay naka angel sit sa gitna niya. Kumbaga ay parang nasandal ako sa likod niya.

Kumuha ako ng upuan at pinatong dun yung phone at kumuha ako ng unana para ilagay sa lap ko para mas comfortable.

FLIRT SERIES: No String AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon