Sydney's Point of View
Parehas kaming shocked sa isa't isa. Siguro ay dahil natandaan niya din kung sino ako.
Agad namang napalitan 'yung pagkagulat ko ng pagkalito dahil ni hindi manlang niya ako itinayo sa pagkakabagsak ko at bigla na lang tumakbo. Anong problema non?
Oh wait shit, late na ako sa klase ko! Nagtatakbo na ko habang nakakapit pa rin sa pwetan ko dahil masakit talaga. Hay bwisit!
Calvin's Point of View
I had to. Kinailangan kong tumakbo agad dahil mas nakita ko nang malapitan ang mala-anghel niyang mukha. I might have liked her the first time we met but it can't still change the fact that she's Sydney. Greg's first love. Kaya hangga't maaga pa, kailangan ko nang lumayo dahil mukhang hinahabol na ako ng love at first sight na 'yan na akala ko imposible.
Pero bago ang lahat, kailangan ko na talagang bilisan dahil 4th floor pa ang room ko at time na ng next subject namin. Kung bakit ba kasi pinagtrip-an ako nung isang babae sa barkada ni Greg. Nagkunwari pang gusto akong subuan, nilagyan pala ng sili. Hanep sa pagpapansin ang babaeng 'yon, tsk.
Sa wakas ay nakarating na ako sa room pero hindi nakakatuwang nandito na ang prof namin at mukhang dalang-dala na sa pagtuturo niya.
"Sorry I'm late." tiningnan lang ako ng prof namin at sinenyasan ako na umupo na. Mabuti na lang at hindi siya katulad nung ibang prof na maarte talaga.
Hindi ako makapagfocus sa pakikinig dahil kanina pa 'tong baklang katabi ko nakatitig sa'kin at ngiting ngiti. Hindi na lang makinig sa klase, tsh. Nakakairita.
Sinabi na ng prof ang mahiwagang salita na mukhang nakapagpa-puso ng mga mata ng bakla.
"Everyone, choose your partner."
"Akin si Calvin!" hay ano ba yan! Nakakairita 'yung boses nitong baklang 'to, tsk.
Dahil ayoko namang maging rude sa kahit kanino ay tinanggap ko na lang ang kapalaran kong maging kapartner ang baklang 'to.
Mabuti na lang at sa isang activity lang ang partner-an na 'to dahil hindi ko ata kakayanin na makasama siya ng matagal.
Ilang saglit pa ay natapos na rin namin sa wakas ang activity at umalis na ang prof namin dahil tapos na ang subject niya samin.
Last subject na ang susunod naming subject kaya naman hindi ko maiwasang medyo tamadin dahil gusto ko nang umuwi. First day na first day ay naiistress na agad ako sa mga pinag-aaralan namin. Kung sa high school ay puro vacant kapag first day, ibang-iba na kapag college na. Sabi nga nila, dito na nagiistart ang realidad.
Mabuti na lang talaga at nakikicooperate ang utak ko at nagegets ko pa naman ang mga tinuturo ng prof namin dahil ayoko talagang mahuli sa klase. Kailangan kong magseryoso ngayon para naman kahit papaano ay maging proud si Mama. Ang taas pa naman ng standards niya, psh.
Heto na ang pinakahihintay kong linya.
"Class dismissed." yes!
Nagdali-dali na akong ayusin 'yung mga gamit ko at lumabas na kaagad ng room.
Medyo mabilis rin ang paglakad ko palabas ng gate dito sa school dahil nga nagpromise ako kay Cali na I'll take her somewhere to celebrate my first day in College. Aish, spoiled pa naman ang isang 'yon sa'kin.
Malapit-lapit na akong makalabas ng gate nang may biglang humarang sa'kin.
Oh shoot, Oo nga pala.
"Hey Calvin, where 'ya goin'?" heto na naman 'tong malanding conyo na babaeng 'to.
"Kailangan ko nang umuwi, sorry. Di ako makakasama sa inyo." tutuloy na sana ako sa paglalakad kaso biglang dumating naman si Greg at tinawag ako.
BINABASA MO ANG
Love Once Again
RomanceWe were happy. We were inlove. We were perfect. "We used to." "Can't we fix it?"