May eyebags ka!

372 25 20
                                    

"Mr. Prudente..."

"Present!"

"Mr. Sy..."

"Present Ma'am..."

Dumako ang mga mata ko sa upuang nasa tabi ko. 8:15 na pero wala pa rin siya. Late na siya. Ulit.

"Mr. Torres..."

"Present po!"

"Mr. Villaruel..."

Walang sumagot kaya naman inulit ulit ni Ma'am ang tawag sa apelyido niya.

"Mr. Villaruel..."

Nag-angat ng tingin si Ma'am sa akin at nagtaas ng kilay. Parang sinasabi niya dapat akong mag-explain kung bakit missing in action na naman ang seatmate ko.

Nakakainis. Hindi porke't magkapit-bahay kami ay close na kami at alam ko na ang mga whereabouts niya. Badtrip. Dahil tuloy sa kanya kaya magigisa pa ako. 

Dahan-dahan akong tumayo sa aking kinauupuan at bahagyang yumuko. Ilang beses pa akong lumunok saka ako nakapagsalita.

"Ma'am, hindi ko po alam kung bakit---"

Biglang bumukas ang pinto ng classroom. Iniluwa noon ang isang lalaking hinihingal habang nakatukod ang kanyang kanang kamay sa may gilid ng pintuan.

"Sorry Ma'am." hinihingal niyang sabi. "I'm late."

"Mr. Villaruel, hindi ko ina-allow sa klase ang palaging late. Alam mo yan. Pangalawang beses na ito ah. Ano bang pinagkakapuyatan mo?" nakapamewang na tanong ng prof namin.

"Wala naman po." mahinang sagot niya sabay tingin niya sa akin ngunit agad ding tumingin sa ibang direksyon. Napakunot ang noo ko sa inakto niya.

"Sa susunod na ma-late ka pa, ipapadala na kita sa guidance office. Are we clear?"

"Yes ma'am!" magana niyang sagot sabay nag-salute pa. Iiling-iling na lamang na tumalikod ang aming prof atsaka ipinagpatuloy ang paga-attendance.

Agad kong naamoy ang pabango niya ng makaupo na siya sa kanyang upuan. Bahagya niyang inayos ang kanyang buhok atsaka naglabas ng panyo upang punasan ang kanyang pawis.

"Late ka na naman." bulong ko sa kanya nang hindi ko siya tiningnan.

"Anong paki mo?" mataray niyang sagot sa akin dahilan para uminit ang ulo ko.

"Ako kasi ang tinatanong ni Ma'am sa tuwing nawawala ka. Akala niya close tayo. As if naman." madiin kong sabi sa kanya. Halata sa tono ko ang pagkairita.

Naramdaman ko ang pagdako ng kanyang mga mata sa akin kaya naman agad akong kinabahan.

Delikado na ito. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pagtingin niya sa akin ay nagwawala na ang mga paru-paro sa tiyan ko. Tapos yung puso ko, lumalakas ang tibok. Nakakainis. Hindi ko malaman kung ano ba itong nararamdaman ko. Feeling ko nai-intimidate ako sa presence niya. Nakakinis talaga.

"Bakit? Hindi ba tayo close?" rinig kong sabi niya sa akin. Bakas sa tono nito ang pagkatuwa. 

Pinilit kong labanan ang aking emosyon at sinagot siya. "Hindi. Asa ka."

"Talaga?" mangha niyang sabi. Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi na wari'y natutuwa sa napapanood niya.

Bwisit talaga. Nahahalata niya kaya na hindi ako komportable kapag kausap siya? 

"Oo." garalgal kong sabi.

Napa-ismid siya sabay dahan-dahang inilapit ang kanyang upuan sa upuan ko. Mas lalo akong nanigas sa pwesto ko. Yung kabog ng dibdib ko, mas lalong lumakas. Sunod-sunod na rin ang paglunok ko ng aking laway at pakiramdam ko ay tumaas na ang lahat ng aking dugo sa aking mukha. 

May eyebags ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon