Sabi nila, mysterious daw ang gabi. May mga kababalaghang nangyayari. May isang guard pa nga na nagkwentong nakakita daw sya ng white lady na duguan ang mukha habang nagpapatrolya sa night duty. Meron ding isang midwife na naka witness na ng mga buntis na bigla bigla na lang mawawalan ng anak. Sabi nila dapat daw sisihin ang aswang.
Well, sobrang madaming mysterious creatures pag gabi at HINDI TUNGKOL DUN ANG KWENTONG ITO. Yeah! Gotcha! XD
Tungkol ito sa mga totoong tao at totoong pangyayari. Tungkol ito sa mga kwentong mas buhay sa gabi. Kung totoo bang may white lady, well, hindi ko alam. Pero siguro, mas magandang itanong kung nasa panaginip lang ba yun ni manong guard na natutulog habang nasa duty. Kung totoong may aswang? Hindi ko din masasagot yan kaibigan. Siguro mas madaling itanong kung san natuto si Aling Nena magpaanak at kung bakit lahat ng buntis na lumalapit sa kanya eh nalalaglagan ng anak.
Sabi nila may mga zombies daw pero as far as i can remember, wala pa naman akong nakikita. Pwera na lang siguro sa mga taong tulog sa umaga at gising sa gabi. Mga taong karamay ang kape. Mga taong emo pag umuulan. Mga taong mas nabubuhay kapag gabi.
YOU ARE READING
Kape, Gabi, Ulan atbp.
Teen FictionMga kwentong unpublished at sometimes unnoticed. Ito ay tungkol sa mga kwentong sa gabi lang nakikita at mas nauunawaan. Mula sa busyng call center agent, mga rugby boys sa daan, security guard na naka duty sa gabi hanggang sa mga kalapating mababa...