A/N: Annyeong! ;) Gumawa ako ng one shot kasi parang wala ako sa sarili ko habang nagta-type ng update ng VMTSK. Haha, pagpasensyahan niyo na ako. May topak lang ako minsan. XD
Votes and comments are highly appreciated, everybody! Support also my on-going story, VANDER MEETS THE SEX KITTEN. ;) Thanks! Be a fan guyths! :*
Uy by the way, this story is just the result of my naughty imagination. Haha. Kung may nabasa na kayo na ang plot ay tulad nito, pasensya naaaaaa. Hindi ko siguro nabasa 'yung nabasa niyo. Hahahaha! Ciao! :)
==
Nasubukan niyo na bang makipag-sex? Iyong first time sex mo. Ibig sabihin, 'yung virginity mo ay binigay mo sa taong hindi naman deserving pero wala kang magawa dahil kailangang-kailangan mo siya. Hindi ko na dapat tinatanong 'yan sa inyo dahil sigurado ako na marami talaga ang gumagawa ng milagro dito sa Pinas, oras-oras, minuto-minuto. Hayyyy. Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko. Kailangan ko pa palang pumasok sa trabaho para magka-pera at nang makakain ako ngayong gabi. Tsk.
Ako si Jane Trinidad. At isa akong Dancer.
Dancer sa isang club.
~
"Jane! Table number thirteen ka. Naka-pwesto na si Aliyah sa twelve." Sigaw ni Franca na head namin dito sa pinagtra-trabahuan kong bar. Si Aliyah naman ay kaibigan ko na isang ring dancer.
Pumwesto na ako sa tapat ng pole na pagsasayawan ko. Nakita ko si Aliyah na ngumiti ng marahan saakin kaya naman ngumiti na rin ako. Alam kong sanay na sanay na siya rito sa club dahil halos tatlong buwan na siyang nagtratrabaho rito, pero hanggang ngayon, halata pa rin sa mukha niya na hindi niya gaanong tanggap ang trabaho niya. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang isang Business Agricultural student ay mapapadpad sa isang lugar kagaya nito? And worst, isang dirty dancer pa? Haayy. Pero, siguro nga, ganyan talaga ang buhay niya.
Kagaya niya, ulila na rin ako. Nag-aaral rin ako pero hindi na ako nakapag-tapos dahil sa kakulangan ng pera ni tiya na siyang nagbabantay saakin ngayon simula 'nung mamatay ang mga magulang ko. Mahirap tanggapin pero dapat kayanin para lang may makain ako sa pang-araw-araw. Nasa probinsya si Tiya at inaalagaan ang bunso kong kapatid na nag-aaral pa ng elementarya, nagpapadala lang ako sa kanya tuwing linggo para may pambaon ang kapatid ko.
"Kaya natin 'to." Bumulong ako sa kanya atsaka nag-thumbs up pa. Malaki man ang sweldo namin dito ay hindi pa rin iyon sapat para maging masaya kami. Katawan ang puhunan namin sa trabahong ito kaya't maswerte pa rin kami kahit papaano dahil hindi pa kami nagagalaw ng kahit sino. Mabuti nalang at mahigpit ang patakaran nila dito kaya't safe pa rin kami kahit papaano.
"Sana nga." Kabadong sagot niya. Hindi ko alam pero may konting parte rin saakin na kinakabahan dahil sa kanya. O ako lang ba ito?
Nagsimula ng tumugtog ang musika kaya't nagsimula na rin kaming gumalaw. Slow yet hot ang musika kaya't mas ginalingan ko pa ang pagsayaw. Humarap ako sa pole na nakatayo sa harapan ko at gumiling na parang isang magaling na mananayaw. Ang sabi saakin kanina ay sa table thirteen ako kaya naman nagsimula na akong maglakad patungo sa table na iyon. Buti nalang at hindi masyadong matao ngayon kaya't hindi siya ganun na nakakahiya.
Nakita kong isang matandang tantya ko ay nasa singkwenta anyos na ang nasa table thirteen kaya't nakaramdam ako ng konting takot sa kanya lalo pa't may mga bodyguards na nakapalibot sa kanya na may kanya-kanya ring ka-table.
"Hi, miss." Agad niyang salubong saakin na siyang ikinagulat ko. Ang tanda-tanda na niya pero ang macho pa rin ng boses niya!
"Ahh, hello po." Sabi ko habang patuloy pa rin sa pagsayaw, 'yan ang itinuro saamin noong baguhan palang kami dito ni Aliyah, ang sumayaw lang ng sumayaw hanggang sa matapos ang musika na ipinapatugtog.
BINABASA MO ANG
This night (one shot SPG)
Short Story"Hey, Jane. What do you think of changing your surname?" "Huh? What do you mean?" "You'll be Mrs. Ramirez after this." == Warning! Haha. Pag-tyagaan. XD ~Gaygay <3