Kakatapos lang ng sembreak kaya eto balik nanaman sa school >.<
Magugulo nanaman ang tahimik kong buhay. Bakit ba kasi isinilang yung lalaking yun..
"Oy Krissy PANGET" ayan nanaman tong asungot nato. Inirapan ko na lang siya at nagbasa ulit. Kaso mukhang walang balak tumigil tong asungot na to ah kanina pa ako kinakalabit. Siya si Theodore ang asungot sa buhay ko. Wala siyang ginawa kundi tawagin akong PANGET at ipahiya sa buong school.
"Alam mo ba Krissy nakakamiss ka. Lalo na yang PANGET mong muka." sabi niya sabay hablot sa binabasa kong libro. "Alam mo ba kanina sa pagkain ko ikaw ang nakikita ko, lahat na lang ba ng bagay kamuka mo? Kamuka mo nga din yung aso ko eh. Grabe naman yang kapangitan mo kahit saan nakikita ko HAHAHAHA." tawa siya ng tawa kulang nalang talaga isubo ko na sakanya lahat ng papel na meron ako eh. Halata naman sa iba kong kaklase na nag pipigil din sila ng tawa. Haaay nakakainis talaga tong asungot na to >.<
Hinablot ko na sakanya yung libro ko. "Pwede ba kahit isang araw lang Theodore tigilan mo muna yung kakaasar sakin? Asungot ka talaga eh"
"Ayoko nga. Masaya kaya pag nagagalit ka. Sige mamaya ulit. I Shall Return" sabi niya habang naglalakad patungo sa upuan niya.
---
Natapos na ang lesson namin at sinabi na may quiz daw kami. Haay buhay nga naman parang life. Habang nag qquiz kami nakarinig ako ng mahinang tawanan sa likod ko. Mukang napansin din ata ni Ma'am.
"Class, ano yan? Anong nakakatawa?" sabi ni Ma'am
"Ma'am!" nagtaas ng kamay si Theodore or should I say asungot.
"Yes, Mr. Theodore?" sabi ni Ma'am habang lumalapit kay Theodore.
"Tignan niyo yung drawing ko. Ang ganda ganda na eh, kaso pumangit kasi panget ang dinrawing ko. HAHAHAHA!"
Kinuha ni Ma'am yung drawing sabay tanong "Sino tong panget na ito?"
"Kayo po Ma'am" dahil sa sinabi ni Theodore nagg tawanan ang lahat except sakin at kay Ma'am.
"Anong sabi mo?" buti nga sayong asungot ka. Ginalit mo si Ma'am ayan pulang pula na tuloy sa galit.
"Joke lang naman yun Ma'am eh. Si ano po yan eh" iginala niya yung mga mata niya sabay tigil sakin at ngumiti ng nakakaloko.
"Ma'am bakit niyo pa po ba tinatanong? Di pa po ba halata. Iisa lang naman po ang PANGET dito ah. Si Krissy lang naman ah. Right Krissy?" nag smirk pa siya.
At ayan nanaman nagtawanan na ang lahat sa classroom. Pinag tatawanan nanaman ako. Ako lang naman lagi ang pinagtatawanan dito kahit naka yuko ako halata naman na ako yun. Lagi nalang ganito kailan kaya ako matutong lumaban? Nakakainis talaga tong asungot nato ang lakas mang asar di mo naman pwedeng asarin anak siya ng may-ari ng school na to eh.
---
~Kinabukasan~
Grabe sikat na pala ako oh. Lahat na lang ng tao tawag sakin PANGET. Pag may lower levels naman tinatanong ako kung ako daw ba si panget. Bakit daw panget. Ang sagot ko lang naman sakinila ay "hindi ako si panget dahil ako si kamatayan" pagkatapos nilang marinig yun isa isa silang nag takbuhan palayo. Natatawa ako sa mga itsura nila parang nakakita ng multo. Wala na akong nagawa kundi tumawa ng tumawa.
Ngunit natigil ito dahil may dumating na ASUNGOT
"Bakit may PANGET dito?" narinig kong sabi ni Asungot
~Asungot here Asungot there Asungot everywhere ALERT~
"Bakit may ASUNGOT dito?"
"Asungot? Aba ang sweet mo naman panget may tawag ka na pala sakin." sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.