~3~ The First Time

130 4 1
                                    

             "MOM papasok na po ako, sa school na lang po ako kakain. Love you bye." Walang sinabi ang kaning sobra sa tubig sa sobrang pagkalata nya. It's because of the event that occur yesterday. She was so depressed, it took all her energy away. Hanggang ngayon, wala pa ding Clint Allen Francisco na nagpaparamdam sa kanya.

              Nakarating sya sa school ng ganun ang itsura nya. Lutang at parang walang pakealam sa paligid. 

             "Mikail." Untag ni Clint sa naglalaboy na ulirat nya.

             "Oh, hi." Kumunot ang noo nito.

             "Okay ka lang ba?" Humawak ito sa braso nya.

             Nang tingnan nya itong mabuti, wala itong salamin. Bago na rin ang porma nito, hindi na ito ang baduy na boyfriend nya. Pwede na itong ihilera kela Lee Min Ho ng City Hunter. 

             "You're not wearing your glasses." Hindi sya tanga, pero ang gusto nyang marinig kung bakit wala itong suot na salamin.

             "Ah.. Oo, okay lang ba? Medyo hindi ako sanay, nagcontact lense pati ako. Naisip ko lang, college na tayo. So why not try something new diba? Nagustuhan mo ba?" Ngumiti ito, ngiting walang kabuhay-buhay. Yung ngiting ibinibigay lang nito para sa mga kaibigan.

             "Okay lang, bagay sayo. Sige pasok na ko." Naiwan itong natutulala, pero hindi naman ito humabol sa kanya. He let her got away. Ng lingunin nya ito, masaya itong nakikipag-usap sa telepono nito. And that saddened her.

             "Missy, anong nangyari? Nagkausap na ba kayo? Sino yung gwapong kumausap sayo? Would you mind to introduce me?" Malanding sabi ni Alice.

             "No need, you already know him." at saka umupo sa upuan.

             "Really? Parang hindi naman, wala akong kilalang ganun ka-gwapo sissy." 

             "Really. 'cause the boy whom i just talked a minute ago, was my Boyfriend." at pinandilatan nya ito ng mata.

             "What!?" Sabay pa ang tatlong maria at parang iisang tao lang ang nag-react dahil sa pare-parehong itsura.

             "OMG. anung nangyari?" Singit ni Shiela.

             "Tell me, kung magb-break na kayo ha? Para naman ma-break ko na si Alvin." Kinikilig na sabat naman ni Trish.

             Hindi nya namalayang tumutulo na pala ang luha nya. Masyado syang nasasaktan sa mga nangyayari, parang umaalingawngaw ang sinabi sa kanya ni Ellie bago ang graduation nila.

            "Girl, walang bagay na permanente. Maaaring ang Clint na kilala mo ngayon, ay hindi na ang Clint pagtuntong nyo ng kolehiyo. Kailangan mong maghanda sa mga bagay-bagay, hindi mo pwedeng pangunahan ang tadhana."

            "Eto na siguro yun." Napabuntong hininga na lang sya sa naisip. "Oh, Ellie kung nandito ka lang sana."

            Wala syang masasabing tunay na kaibigan sa Campus nila na iyon. Sila Alice na kaya lang sumama sa kanya ay para may makopyahan ng mga assignments at sagot sa quizes nila. Ang boyfriend nya lang ang tanging kakampi nya, yun na nga lang.. Mawawala pa ata.

            Natapos ang araw nyang iyon ng walang kagana-gana, hindi sya sinamahang mag-lunch ni Clint. First time iyon. Nakita nya itong kasama ang mga classmates nito at ang babaeng kasama nito kahapon sa resto, masaya ang mga ito habang nagkkwentuhan at kumakain sa canteen.

            Pauwi na sya ng biglang may naramdaman syang humugot ng bag na hawak nya.

            "Sino ba-- Ikaw pala." Si Clint.

            "Kamusta araw mo? Hindi ako nakasabay sayo sa lunch kasi hindi ko matapos-tapos yung seatwork ko." 

            "Tanga ka ba Clint? Iisang University lang pinapasukan natin, magsisinungaling ka na nga lang sakin pa." Gusto nya sanang sabihin pero ayaw sumunod ng bibig nya.

             "Okay lang, naiintindihan ko." ang nasabi na lang nya.

             "Thanks, hatid na kita. " 

             "Ah, hindi na. Dadaanan ko kasi si Ellie. Mangangamusta ako. Sige una na ko. Bye... Boy-- Clint." Tiningnan nya lang ito at nagmadali ng naglakad.

             As usual hindi na naman sya nito sinundan, at ng lingunin nya may kausap na naman ito sa telepono at masayang-masaya ito.

             Narinig nyang nagri-ring ang phone nya, hindi na lang nya iyon pinansin. Hindi naman siguro importante. Nakailang ring din siguro bago nya sinagot.

             "Hello." 

             "May namatay ba kaya ganyan boses ng bestfriend ko?" Masiglang bati ng nasa kabilang linya.

             "Ellie, I miss you. I wanna see you, where can i see you." Hindi na nya napigilang umiyak.

             "Hold it, hold it. You crying lady?"

             "Please let me see you.."

             "Where can i pick you up? Nasa school ka ba? Pauwi na din kasi ako. Daanan na kita, wait for me okay?" End call.

             Naghintay sya sa gate ng school nila, hilam na sa luha ang mga mata nya. Malabo na rin ang paningin nya.

             "Missy!"

             "Ellie!" Yumakap sya sa kaibigan nya, she missed her so much. Pero mas masakit ang nararamdaman ng puso nya sa ngayon.

             "Lets go home. Pag-usapan natin yan sa Pad ko."

                                                        ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

             "He's different. It's like we're not lovers anymore, i mean. What happen?" Ubos na ang tissue na binigay sa kanya ni Ellie.

             "I told you, not everything will stay at the same place forever. Kelan pa ba kayo nagkaganyan?" inabutan na naman sya nito ng isang rolyo ng tissue.

             "Thanks, i don't know. Maybe matagal na? Ewan ko eh, isang araw bigla na lang parang strangers kami sa isa't isa. Pero ramdam ko naman na may nag-iba na. Siguro hindi ko lang ine-entertain yung idea, kasi hindi ko kaya." Hagulhol.

             "Ayaw mo ba syang kausapin? Kasi ikaw lang din naman masasaktan eh, malay mo naman he just want to change." 

             "Yeah, kaya pati ako gusto nya ng palitan. Ellie ang sakit-sakit." Hindi na nya kaya, wala na rin syang mailuha. 

             "Here, you'll be needing this." 

             "What's this? Why glass?" Binigyan sya nito ng salamin, yung salamin na nauuso ngayon. May ribbon pa sa gilid.

             "So you can hide you're eyes. And pretend that you're okay. You'll be needing that until you're fully recovered."

             Na-gegets nya ang sinasabi ng kaibigan. Pero hindi nya pa alam kung gagamitin nya ba talaga yun o hindi. Matapos ang pag-uusap nila, inihatid sya nito sa bahay nila. Nag-kwentuhan saglit ito at ang mama nya. Pero sya dumiretso na sa kwarto, mas gusto nyang magpahinga.

             Bukas na nya pag-iisipan ang susunod na hakbang na gagawin.

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon