classmate

287 3 2
                                    

Im just a typical 4th year student (2008)

nag aaral... madaming kaibigan... syempre babae, marunong din ako magmahal.. ang dami kong crush nun, bakit?! crush lang naman ah?? wala namang masama..

araw-araw papasok ako ng school, umaga ang klase, maaga pa lang nasa school na ako, malapit lang naman ksi ang school sa bahay namn..

ganto ang set-up sa class room namin, nasa unahan ang mga tahimik, matatalino, saka yung ibang sipsip, nasa gitna naman yung mga skto lang (sa gitnang parte ako nakaupo isa ako sa mga saktong studyante na binabanggit ko) at syempre nasa likod yung mga sira ulo, maingay.. yung mukang walang mga pangarap.. ayoko sa lahat ang maingay,kaya ayoko sa mga nakaupo sa likod.. minsan nga naiisip ko, sana kaya kong kontrolin isip nila,para kahit minsan tumahimik naman sila..

mabilis lumipas ang halos 10bwan na pag aaral, graduate na kami, kanya kanyang buhay na.. malungkot kasi mawawalay ako sa mga kabigan ko, pero msaya ako kasi matatahimik na buhay ko, wala na yung mga kaklase kong sira ulo..

college na, nakakamiss rin pala yung ingay ng highschool.. ='(

2 YEARS AFTER (2010)

may nagtxt sa akin kaibigan at kaklase ko nung 4thyr., punta daw ako sa birthday nya, debut na nya kasi. sabi ko baka di ako makakapunta, hindi naman kasi talga ako mahilig magpunta sa mga gatherings, party o kahit saan na alam kong madaming tao.. ayaw na ayw ko nun.. binilan ko na lang sya ng regalo tapos pinadala ko na lang sa isa sa mga kaibigan ko na pupunta sa party nya.

day before the party, ang dami nagtetxt pinipilit ako na sumama ako.. so nahiya naman ako kaya pumunta na rin ako..

andun yung mga kaklase ko dati, may ma taga harap at likod (hehe)

masya yung party kasi nagkita kita ult kami, kahit hindi ko sila masyado ka-close masaya pa rin ako na nakita ko sila..

malapit na mag uwian, nagkakayayaan ng uminom.. pero sorry di ako sasama talaga, hindi naman kasi ako umiinom

nilapitan ako nung isa kong kaklase "sama ka? dun muna tayo kila jemuel inuman daw" sa totoo lang, hindi ko sya masyado naintindihan, bukod sa maingay dahil sa music, natulala ako, ang ganda pala ng mata nya, sabi ko na lang hindi pwede.. sabi nya "oh cge txt txt na lang" sabi ko naman oh cge tapos bigla nyang naalala na wala naman pala syang number ko.. hahah paano nga naman nya ako itetext? so binigay ko sa kanya yung number ko

uwian na.. hindi ko na sya naisip.. hindi ko inantay ang txt nya.wala din ako pakilam kung itetex nya ako o hindi

a day or 2 after the party, nagtxt sya.. ng reply naman ako, but nothing special, may mga text sya na hindi ko na nirereplyn nakakabored naman kasing kausap...

october 14, 2010.. may mag bbirthday  nanaman.. pinapapunta nya ako.. txt sya ng txt ilang beses kong sinabi na ayaw ko..bandang huli hindi naman na nangulit, pero nagkulitan kami, una tawagan namin irog ko tapos naging honey.. oo masaya ako na ganun yung usapn namin ngiti nga ako ng ngiti.. tapos tinawagan nya ako, nrinig ko yung boses nya, halatang nakainom, so sa isip ko ng gabing yun, baka nga lasng lang to sakyan ko na lang.. natulog ako ng masaya pero hindi ako umasa na ganon pa rin kami bukas..

kinabukasan nagtxt sya "HONEY" pa rin tawag nya sa akin, sabi nya napapanindigan na rin naman daw, bakit hindi pa ituloy, sabi ko naman sige, pero may commitment pa ako nun sa iba, pero nangako naman ako sa kanya na aayusin ko ang lahat,. pinag isipan ko naman lahat, pinili ko yung tao na cgurado ako na mahal ako, na sasaya ako.

sya ang pinili ko, at wala akong pinagsisihan, pinatunayan nya na sya nga ang karaptdapat,

simula nun araw araw masaya na ako,. hindi ko akalain na mag mamahal ako ng isang tao na katulad nya, maingay.. sira ulo.. mahilig sa gulo, lahat na ata ng ayaw ko sa lalaki nasa kanya.. kaso wala akong magawa mas nangibabaw yung pagmamahal, saka ayaw ko rin na magbago pa sya, mahal ko na sya na ganyan sya..

handa kong pakasalan ang taong to, handa kong ibgay ang buhay ko para sa kanya, handa akong sumabay sa lahat ng kalokohan nya at handa kong gustuhin lahat ng ayaw ko para sa kanya.. =')

kung pwede ko lang ibalik ang lhat..

babalik ako sa 2008 lilingunin ko sya sa likod at bibigyan ko sya ng ngiti..

ngiti na gusto kong di nya makalimutan.. sna nasabi ko sa kanya  noon pa..

"ang sarap palang mabuhay ng kasama ka"

classmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon