Zoe's POV
Inip na Inip na ako at parang mababaliw na sa kakatingin sa apat na sulok ng kwarto ko. Tatlong araw na akong ganito.
Ayaw ko naman Doon sa Salon ni Mommy kasi mabubwesit lang ako Dahil may Isang customer Doon na kung mag-inarte parang Maganda. Di na man.
Kung sa kusina, mate-tempt lang akong kumain ng kumain. Excuse me, may inaalagaan akong figure.
Kaya ito mukmok sa kwarto. Parang mababaliw na ako! Eh ayaw akong palabasin ni Harvey kasi delikado daw. Gusto kong magmall pero Lahat sila busy. Kesyo, date sila, may gagawin Pa, O kaya Ay may ibang commitment. Argh! Ayaw kong tawagan Si Pangit, Baka mas Lalo lang akong Mabwesit.
At Dahil sadyang matigas ang ulo ko. Naligo Ako at nagbihis ng Isang Black and White pleated skirt, tapos off-shoulder na kulay itim. Nagblower na ako at naglagay ng light make up sa mukha ko. As in light lang na parang natural. Kinulot ko ng bahagya ang ends ng buhok ko at nagsuot ng flat sandals na puti.
I should treat myself. Kinuha ko ang cellphone ko at purse bago Lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko Si Mommy pagbaba ko.
"O? Asan ka pupunta Zoe?" tanong niya. "Sa Mall lang, my." tumango naman siya. "Papahatid ka sa driver O may kukuha sayo?" baling niya ulit sa Akin. "Papahatid nalang po Ako kay Manong, my." Sabi ko at ngumiti sa kanya bago Lumabas.
Tinawag ko Si Manong Preston at nagpahatid sa BGC.
Busy Ako sa kakatingin sa cellphone ko ng biglang nagpreno Si Manong. Napasubsob Ako sa harap. "Anong nangyari, Manong?" tanong ko.
"M-Ma'am, may humarang pong itim na SUV sa atin. Napatingin Ako sa Lumabas at biglang bumukas ang pinto sa gilid ko at may lalaking nakaitim na humarap sa Akin. Na laki ang mata ko Lalo na ng may itinutok siyang baril sa Akin. Napatingin Ako kay Manong, nanginginig siya at pawis na pawis habang may nakatutok na baril sakanya.
"Anong kailangan niyo sakin!" pinilit kong Wa mautal. Kailangan kong magpakatatag. Di dapat Ako magpakita ng takot. "Sumama ka sa amin!" sigaw nito sa Akin.
"Please, kung anong kailangan niyo, pakawalan niyo si Manong. I'm sure Wala siyang kinalaman sa gusto niyo!" pakiusap ko. Hinila nila palabas Si Manong habang hinaklit naman nung lalaki ang braso at pinalabas sa sasakyan.
"M-Ma'am!" nanginginig na sigaw ni Manong. Alam kong nag-aalala siya. Malilintikan rin siya pag may nangyari sa Akin. Sinuntok nung Isang lalaki, "Wag na wag Kang magsusumbong kundi hahuntingin ka namin!" sigaw nito at nagpaputok Pa ng baril mabuti na lang at sa gilid ni Manong tumama ang Bala.
"Sige na Manong, tumakbo na kayo!" sigaw ko. Nagkukumahog naman siyang tumayo at tumakbo.
"At Ikaw sasama ka sa amin!" kinaladkad Ako nung lalaki at sinakay sa kanilang SUV. "Ano ba ang kailangan niyo sakin! Mga kalaban ba kayo ni Daddy sa negosyo! Ano! Sabihin niyo! Is this kidnap for ransom!" sigaw ko at nagtatadyak-tadyak. "Tumahimik ka!" sigaw nito bago may ipinaamoy sa Akin.
Shit! Again?!
Nandilim na ang paningin ko at di ko na alam ang nangyari.
Nagising Ako ng buhusan Ako ng malamig na tubig. "Mmmm." I mumbled. May Dock Tape sa bibig. Fuck! Basang-basa Ako.
"Gising na rin ang Mahal na prinsesa!" bumungad sakin ang Isang lalaking nakangisi. "Boss Michael, Gising na siya!" sigaw nito. Bumukas ang pintuan ng silid na iyon.
Bumungad sa Akin ang Isang lalaking may Messy hair, round eyes, pulang Labi, at mestiso. Gwapo na sana, kaso Iba ang pakiramdam ko sakanya. "asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm!" sigaw ko kahit di niya naiintindihan.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISION
RomansaSabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayabang, Mayayaman, Mapang-asar, Womanizer, Playboy at syempre gwapo... Iba't - iba ang ugali nila. Yung...