Mutya's POVWalanya talaga 'tong isang 'to. Kanina ko pa gustong upakan 'to e. Pasalamat sya maraming tao dito.
"Pano kung naligaw na pala yung dalawa?" pangungulit na naman ni Lino. Hype to.
"Di sila katulad mo!" bigwas ko sakanya.
Kanina pa yan nangungulit na hanapin daw yung dalawa, si Oyang at Tasyang, palibhasa selos lang ang bwisit.
"Parang ewan ka lang 'tol" sabi ni Ken. Tama ka jan.
Umirap ako at umupo sa bench katabi ni Sarang. Kumakain kami ng icecream at tumitingin tingin sa paligid.
Teka-- hala?! Sila Oyang ba 'yun?
May kausap sila dun sa tapat ng mini-truck ng red cross. Nung iniwan na nila yung babae parang nag-uusap sila tapos tumigil sa paglalakad. Tapos- tapos--
Kyahhhhh!!!
Siniko ko si Sarang at ngumuso sa direksyon ng lovebirds.
Nanlaki ang mga mata ni Sarang at ngumiti rin ng napakalawak. Ayieee walanjo ba't di pa kasi manligaw 'tong si Oyang. May paholding holding hands pang nalalaman ang tagal naman gumawa ng moves.
"Anong nginingiti-ngiti nyo dyang dalawa?"
"Ah wala! Bili pa nga tayo ng isa pang ice cream" dali dali kong hinila yung tatlong lalaki papunta sa ibang direksyon para di makita yung dalawa. Lalo ni si matang Linaw hinila ko talaga ng sobra. Eepal lang yan sa dalawa kapag nakita nya.
Pero kinikilig talaga ako sa kanila!!!
"Patay gutom talaga 'to"
Mabilis na binatukan ko si Nando. Sira ulo ang bwisit.
...
Natasha's POV
Ang daming tao na mga talagang naka ayos.
Di magkanda-ugaga yung mga tao. It's so colourful too. Yung basketball court sa gitna ay malinis. Maraming banderitas, baloons, at kung ano ano pang makukulay na nakasabit.
Today is our last day bago ang Christmas Holidays. Pero instead of typical christmas party ay iba ang event dito sa PNHS. Sa umaga hanggang 5pm ay simpleng kasihayan with a lot of fun games at imbitado lahat ng family members. It's actually nice to think na kahit papano pinapahalagahan pa rin ng mga tao ang pamilya nila. Ibang iba rin kasi ang generation ngayon, most kids would disregard their parents.
"Tasyang anak, gusto mo ba magpalit ng damit muna?" Tanong ni ante Tuya habang tinataas yung off shoulder top ko.
Natawa na lang ako. "Ante off shoulder po ang style nito. Natural lang na nakababa yan." Binaba ko ulit yung sleeve.
"Ah ganun ba, osige basta ba komportable ka."
Nginitian ko si ante. Naka-upo kaming dalawa sa monoblock sa harap ng mesa habang hinihintay bumalik si Oyang at ankol na kumuha ng mga pagkain sa buffet table.
I'm a bit disappointed because I can't enjoy this moment with my own family. But I'm also happy to share this with Oyang's family instead.
"Oh nandito na mga pagkain. Hay salamat naman. Gutom na gutom na ako." Pagbibiro ni ante nung dumating na sila Oyang.
Pancit bihon. Spaghetti. Fried chicken. Roasted pork. Fried rice. Beef steak. Puto. Cake. Juice.
Ang dami naman nito? Kinailangan pa nila gumamit ng tray para magkasya.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...