~4~ What if?

114 3 0
                                    

            "GOODMORNING Mom, I'm late. Hindi na ako kakain, see yah!" Nagmamadaling sabi nya, at totoo yun. Hindi dahil sa iniiwasan nya ito or ayaw nyang mag-kwento.

             "Iha, kumain ka kahit kaunti--- Eto talagang batang to." Napailing na lang si Mommy Christy sa inaasal ng anak. 

              Umpisa iyon ng araw nya, napag-isipan na nya ang gagawin nya. She will do everything and anything to get Clint back. Whatever it takes to make him come back. And that's a promise to herself. At tutulungan sya ng salamin na ibinigay ni Ellie.

              Nagtinginan ang lahat ng nakakakilala sa kanya pagdating nya sa school, yung iba pinuri ang looks nya, yung iba naman parang nakakita ng multo sa sobrang pagnganga sa itsura nya. 

              "Wow, nerd ang peg mo ngayon Missy." Sabi ni Aja ang baklang kaklase ni Clint.

              "Have you seen Clint?"

              "Anong kailangan mo sa kanya?" Taas kilay na tanong nito.

              "Kung makabakod ka naman akala mo pagma-may-ari mo yung boyfriend ko! Tse!" Nainis sya bigla sa baklang nasa harap. "Sa pagkakaalam ko kasi Boyfriend ko yun, so hindi mo na kailangang itanong kung anong kailangan ko sa kanya." Nginitian nya ito ng pagkatamis tamis.

               "Ah talaga?I thought Ann and Clint.... " Biglang humina ang boses nito at tumingin sa kanya.  "Well whatever. Hindi ko sila nakita." at biglang umalis ito.

               "Sila?Hoy Bakla! Sinong sila? Sino kasama ni Clint?" She don't mean to sound rude, pero nagulat sya sa narinig.

               "Malay ko, e hindi ko nga nakita di ba?May katangahan? Ganda pa naman." At saka katakot-takot na tingin ang pinakawalan nito.

                "Kaaway na ito." Deklara ng isip nya. Ipinagpatuloy na lang nya ang paghahanap kay Clint hanggang sa makita nya ito sa ilalim ng puno ng Narra di kalayuan sa classroom nito.

                 "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap boyfriend." Ngumiti sya. Pero parang gustong maiyak ng mata nya pagkakita dito.

                 "Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" Parang biglang nataranta ito, hinila sya nito sa isang di mataong lugar.

                 "Hey what's wrong boyfriend? Ang gwapo mo ngayon ah?" Para syang sinasaksak sa tuwing nagsasalita, bawat salitang binibitawan nya kumikirot ang dibdib nya.

                 "Bakit nga andito ka?" Palingon-lingon ito sa paligid.

                 "Boyfriend kailangan ba nating magtago? Halika may alam akong lugar." 

                 "Ano bang nangyayari sayo? At saka ano yang itsura mo? Bakit nakasalamin ka? May ribbon pa." tila nairita ito sa nakita.

                 "Cute naman di ba? Bagay naman sakin, hey boyfriend. Kamusta ka na ba? Parang ang tagal na nating di nagkita." Tumingin sya ng seryoso dito.

                 "Para kang bata, hindi ka ba kikilos ng naaayon sa edad mo?" 

                 "Why? 16 pa lang ako Boyfriend, bata pa talaga ako no. Anu ka ba?" Naguguluhan sya dito.

                 "Yeah you're 16, pero hindi ka palaging 16. College na tayo Missy." Naisuklay nito ang kamay sa buhok.

                  "Wala namang masama sa ginagawa ko Boyfriend ah?"

                  "Missy, please do call me Clint. Okay? Clint ang name ko. For chrissake." nasipa nito ang  sanga na malapit.

                  "Clint, andyan na si Sir. Hindi ka pa ba tapos dyan?" Yung bakla.

                  "Missy, i gotta go. You should go back to class na rin siguro."

                  "No I'm fine. Sige ingat ka Boyfriend." Nailing na lang ito sa kakulitan nya. Napakasakit makita na talikuran ka ng taong mahal na mahal mo. Lalo na yung alam mong hindi pa kayo tapos, pero bumitaw na sya.

                   Tahimik syang bumalik sa classroom. Nagsisimula na ang klase ang klase ng pumasok sya.

                   "Miss Alfonzo, please take your seat. And you're late." Tinginan ang mga kaklase nya.

                   "Sorry ma'am." Umupo sya sa upuan nya, Basic Math ang subject nila na iyon. At wala syang hilig sa matematika. Dumungaw na lang sya sa bintana at pinanood na lang nya ang mga player ng soccer na nagpa-praktis sa field.

                   Nahagip ng mata nya ang bulto ng dalawang tao na naghaharutan sa isa sa mga benches sa ground. Basta pagdating kay Clint, mas malinaw pa yata sa 20/20 ang vision nya.

                  "Ma'am!" Nagtaas sya ng kamay.

                  "If you're planning to go out Miss Alfonzo, sorry but no. Kakarating mo pa lang."

                   Busted. Wala syang nagawa kundi pagmasdan ang dalawang pigurang masayang naglalampungan sa di kalayuan.

                   "Okay lang sayo yan?" 

                   "Ang alin?" Alam nya ang tinutukoy nito, pero minsan gusto nya lang din magtanga-tangahan dahil mas madaming bagay na umookupa ng isipan nya.

                   "Na nakikipag-flirt sa iba ang boyfriend mo. And knowing na committed pa sya sayo."

                   Tiningnan nya ang kausap. Hindi nya ito kilala, kaya hindi sya sumagot.

                    "Ha ha, by the way im Kiel. Hindi mo ko kilala pero ikaw kilala ko, masyado ka kasing focus sa boyfriend mong playboy. Hindi mo na tuloy alam ang nangyayari sa paligid mo." Kumindat pa ito.

                    "Kilabutan ka nga, bawiin mo yung kindat mo. Kadiri ka." Nahampas nya ito.

                    "Pwede ba yun?ha ha." Tawa ito ng tawa.

                    "Mr. Villafranca, since you have so much to say to Miss Alfonzo. Why don't you answer problem no.2?" 

                     Nagtawanan ang mga kaklase nya, tumingin tingin sya sa paligid. Tama ang Kiel na to, sina Alice, Trish, at Shiela lang ang kilala nya. Hindi pa nga siguro nya makikilala ang mga ito, kung hindi pa ito lumapit sa kanya.

                     Nakapagdesisyon siya, since Clint is living a different life now. Siguro ay sya rin, palalawakin nya ang mundong ginagalawan nya, she would make some new friends. PEero hindi pa rin nya isusuko si Clint. Unless ito na ang magsabing bumitiw na sya. Ganun nya ito kamahal, ganun din sya katanga.

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon