Chapter 17
Hitman
Nymphea Kennedy's POV
Hindi nagpatinag si Mommy sa Debut ko lalong-lalo na yung mga Tita at Tito ko both sides, sinabi ko sa kanilang lahat na magsuswimming pool party na lang kami dahil mas gusto ko yung simpleng handaan lang pero ang hindi ko alam, last month pa pala may plano na sila tulad ng venue, mga program, yung menu at iba pa.
Nakakaloka.
Pumayag na lang ako sa huli tutal magiisponsor daw yung mga Tita, Tito, Mga Ninang at Ninong ko, dinamay pa nila yung Mayor dito. Bihira lang naman mangyari sa isang babae ito at ang bihirang tinutukoy ko ay once in a lifetime lang magaganap.
"You deserve it Kennedy. Natutuwa kami bilang isang Villariño dahil namana mo ang brains namin." Sabi ni Tita Nora.
"You're always Valedictorian, Kennedy! And that's why we're so proud of you kaya kailangan mo talagang icelebrate ang 18th Birthday mo." Dugtong ni Tita Claire.
"Excuse us, Nora, pero shempre saan pa ba magmamana ang kagandahan ng pamangkin namin? Edi shempre sa mga Irvine yan! Ang may dugong Irvine kilala sa pagiging gwapo at magaganda." Pagmamayabang pa ni Tito Lionne na sinagot namin ng pagtawa.
You read that right, mostly sa mga Villariño ay mga doctors o lawyers kaya matatalino nga sila, sa mga angkan naman ng mga Irvine tutal puro boys silang magkakapatid ay puro engineers tulad ni Daddy na Chemical Engineer.
Buong sembreak ay napuno ng pagpaplano para sa Debut ko kaya sobrang busy ko. Naisipan kong motif ay royal blue at pearl white dahil bukod sa favorite color ko ang blue, ganun din ang sa Tatay namin. Strictly 100 people lang ang iimbitahan kaya ang katumbas ng isang invitation card ay isang tao lang, parang ticket na din. Naka-lagay sa isang royal blue envelope ito at naka-wax seal pa na kulay pearl white at naka-tatak pa ang mga letters 'NK' para isymbolize ang pangalan ko. Wala akong alam kung sinu-sino ang mag-iintermission number dahil surprise daw nila sa akin iyon pero prinactice din nila yun nung sembreak.
Shempre hindi mawawala ang cotillion dito kaya simula nung pinamigay na ang mga invitation cards, agad naming pinatawag yung mga kasali. Nagulat pa nga ako ng nalaman ko na si Ralph yung escort ko, kaya pala kinausap siya ni Mommy nung hinatid niya ako galing Sacred Heavens. Akala ko pa man din yung kapatid ko ang mag-eescort sa akin. Buong sembreak din kaming nagpractice para sa cotillion at shempre bilang isang mapang-asar na bestfriend, pinagpartner ko sila Luella at Austin na ikinainis ni Luella sa akin pero katagalan mukhang nagiging close na yung dalawa. Ang hindi ko lang maintindihan ay yung tuwing lalapit si Austin sa akin, agad akong hihilain ni Ralph palayo.
Hmm…weird.
Hindi pwedeng mawala sila Kuya at Fenytte sa cotillion. Yung isa na kasali ay si Kuya Jude na anak ni Tita Claire at yung girlfriend niyang kaclose namin ni Kuya na si Ate Lian. Nandoon din yung mga anak ng Ninang at Ninong ko tulad nila Phase, Patrixia at yung kambal na sina Austin at Amethyst. Anak nila Ninang Athena at Ninong Hunter yung kambal samantalang yung dalawa ay kina Ninang Persephone at Ninong Tyler. Hindi yung magkapatid ang pinagpartner ko kundi vice versa dahil gustong ipagpartner ng mga ninang ko yung mga anak nila. Isinama ko din yung dalawa kong kaclose na classmates na sina Tim at Franch.
"Excited na talaga ako sa Debut ni Nymphea, brad! Kasali tayo sa 18 shots! WOHOO!" Sigaw ni Alvin sa classroom habang tinaas pa yung dalawang kamay.
"Ako din, brad! Sabay tayo bumili ng polo ahh para match na match talaga pati necktie." Sabi ni Jayvee sa kanya sabay akbay.
"Ayusin niyo lang ahh, bawal maglasing doon. Lagot kayo sa akin." Babala ko sa kanila at tumango naman ito.
BINABASA MO ANG
Guns 'N Roses (A Short Story)
Novela JuvenilAng cycle ng buhay ko ay umiikot lamang sa studies, bestfriends, family tapos studies ulit, pero medyo bumaliko iyon nung dumating sa mundo ko ang isang masungit na guy. Will Mr. Sungit be my Prince Charming at the end while holding a rose? Or worst...