Naghintay ako ng text mula kay Klaus. Ilang minuto bago ko pa mareceive ang text niya. He's not really into sending messages madalas pinag iisipan niya pa kung ano ang imemessage niya sa ibang tao. Anyways, makikipagkita ako ngayon kay Klaus para sa isang mahalagang disclosure sa pagitan naming dalawa. Siguro naman hindi rin naman ito isang simpleng relasyon kasi wala namang involved na feelings dito at gusto ko sanang wakasan ang relasyon namin.
There's this guy who is madly in love with me at para sa akin gusto kong maranasan ang totoong panliligaw, and if ever he succeeds in stealing my heart sasagutin ko siya ng buong pusong 'YES'. Of course, kailangan ko pang ipakilala si Markus, a man of my future na handang ipakita sa akin ang buong pagkatao niya. Markus has been flirting with me for a month at ilang beses ko na rin siyang pinigilan since I have a boyfriend at ayaw kong masira ang reputasyon ko sa harap ng maraming tao.
I am not an influential person. I am just a simple high school girl pero pinagtutulakan sa akin ng mga friends ko na boy magnet daw ako and I steal boys' hearts. Well, I don't. I just live my life the way I want it to in a positive and relaxing life. I am not rich but I can say na may kaya kami sa buhay pero medyo maangat-angat pa sa estado na iyon.
So, enough with the introductions. Nasira ang pagmumuni-muni ko nang muling nagtext sa akin ang isang classmate ko. Though, we're not that close pero I can see well that her intentions are negative and the reason why she wants to be friends with me is for popularity at ibaba ang reputasyon ko.
Agale
So what happened? Did he ask you out to meet?
Napabuntong-hininga ako bago ako nagtype sa message niya.' Yes, he did'. Wala pang ilang segundo ay nakapag reply back na ulit siya sa akin.
I told you he'd ask you out. After that, he'd be sweet to you and finally break up with you.
Hindi ko na sinagot pa ang text ni Agale. I do not want to be plastic and transparent in front of others so I kept my fingers to myself at baka kung ano pa ang mareply ko sa kaniya. Eliah would not like this kung malaman niya ito, botong-boto siya sa love story namin ni Klaus which I doubt na meron. There was no romantic feelings between Klaus and I, and I can't remember if he asked me out or kung sinagot ko ba siya. It all happened so quickly and for 4 months of being together, everything was just a blur. As a senior at highschool, siyempre parehas kayong busy with your studies and you have literally no time for each other and I think yun ang conclusion ko to what lead us to this tragedy. Not yet tragic, but for me heartbreaking because I can't even handle a single relationship. Sometimes I wonder kung nagkaaffair ba siya but to me, he's a very decent man at hindi pasok sa vocabulary niya ang cheating in any kind.
May bumusina naman sa harap ko, agad ko namang tiningnan ang puting kotse na nasa harap ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at dumiretso na sa pintuan ng front seat. Hahawakan ko na sana ang handle kaso may lalakeng nanguna sa akin sa paghawak nito at agad naman na binuksan ito." What's the rush?"; napalingon ako sa lalaking naka sweater na dark blue. Napakafamiliar ng deep voice na iyon at ang swabeng-swabe pakinggan. I snapped out of my delusions at umupo na sa front seat. Nag thank you naman kaagad ako kay Klaus at sinara niya naman ang pintuan. Tsk, sweet gestures.
Inayos ko ang puting knee-length dress ko at pinatong sa lap ang shoulder bags ko. Ngiting-ngiti naman si Klaus na pumasok ng kotse at umupo sa driver's seat. Bago pa man niya i-larga ang kotse pinangunahan ko na siya." Klaus, stop."
Tumingin siya sa akin ng nakangiti pero napawi naman ito kaagad ng nakita niya ang kaseryosohan ko. He sat back at his chair at tiningnan ako." Klaus, alam ko na ang tactics mo and for me, I know we both want the same. So please, let's stop with these sweet gestures and let's not go anywhere, just here where we can talk privately."; dire-diretso kong sabi. Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang mga mapanakit na salita." I'm breaking up with you just as you wanted. Let's stop this act, Klaus. Wala namang romance between us, there is no love and story between us. Title lang ang meron so Klaus, I am giving you your freedom."
YOU ARE READING
No Heartbreaks
Teen FictionKlaus and Mia, isa sa mga couple na kung pwedeng sabihin natin ay walang forever. Ano nga ba ang mangyayari sa kanilang lovelife and afterwards, may longing effect kaya?