Labing Apat

16 0 0
                                    

Isa, Nakilala kita sa tabi ng binta sa room natin. Ang tahimik mo noon at mag isa ka lang na nakatingin sa bintana.

Dalawa, Nilapitan kita para magpakilala pero mas pinili mo pa rin wag akong pansinin.

Tatlo, Naging dispirada na ako tungkol sayo, wala kang ano mang emosyon at napaka misteryoso mong tao.

Apat, Nakatingin ka parin sa bintana pero bakas sa mata mo ang lalim ng dala mong problema.

Lima, Naglakas loob akong tanungin ka at alamin ang lahat ng tungkol sayo.

Anim, Kinakausap kita kahit naka tingin ka parin sa bintana at hindi nagsasalita.

Pito, Nagbiro ako para makuha ang atensyon mo at ngumiti ka.

Walo, Nakukuha na kitang kausapin at nakakapag kwentuhan na tayo sa isa't isa.

Siyam, Inamin mong gusto mo kong ligawan at pumayag ako.

Sampo, Nangako ka na pag sinagot kita hindi mo ko iiwan kahit anong mangyari.

Labing isa, Dumating na yung araw na kung saan ibinigay ko na sayo ang matamis kung oo.

Labing Dalawa, Nag bago ang pakikitungo mo sa ibang tao. Ang dating matang walang emosyon ay marunong nang ngumiti at tumawa ngayon.

Labing Tatlo, Nangako tayo sa isa't isa na sabay nating aabutin ang pangarap.

Labing Apat, Sinabi mo ang tungkol sa bintana.

Naala mo ba yun? Yun mga panahon kung paano kita nakilala. Akala ko pipe ka noon, pero ako sige lang dahil gusto kong malaman ang tungkol sayo. Tapos naalala mo yung ngumiti ka sa akin, di ko alam pero pakiramdam ko , ang saya saya ko noon. Ano nakikinig kapa ba?

Alam mo ba bago moko niligawan gusto na talaga kita kasi di naman ako lalapit sayo kung wala akong pagtingin sayo. Nangako ka. Sabi mo noon hindi mo ako iiwan, sabi mo noon sabay natin aabutin ang pangarap natin pero bakit ganito?

Pagkinakausap kita , hindi kana sumasagot. Pag nag jojoke ako hindi kana tumatawa dati naman kahit korni yung joke ko tumatawa ka.

Tumayo kana jan. Tara na, mamasyal pa tayo diba? Yung tayong dalawa lang. Yung ikaw lang at ako.

Ano ba, naiinis na ako ah. Pag dika pa bumangon jan, kikilitiin kita jan. Eto na oh! Eto na. Oy ano ba. Tara na kasi, Please.

Wag ka namang ganyan. Wag mo kong iiwan. Dito ka lang sa tabi ko tulad ng ipinangako mo. Bakit kasi di mo sa akin sinabi na malala na pala yang nararamdaman mo. Bakit kasi mas pinili mo pang makasama ako kaysa mag pagaling. Napaka makasarili mo talaga, hindi mo iniisip ang nararamdaman ng iba para sayo. May taning na pala buhay mo bakit mas pinili mo parin ngumiti kasama ako. Bakit! Bakit! Hindi ko maiintindihan, ipaliwanag mo.

Hanggang dito nalang ba talaga tayo? Diba ikaw mismo nagsabi na walang bubitaw pero bakit ang bumali noon ay ikaw. Ang sakit sa akin nito para akong nilumpo. Ang dilim, ang bigat at sobrang sakit ng pakiramdam ko. Parang paulit ulit na sinasaksak ang puso ko.

Sabi mo sa akin na wag akong iiyak, sabi mo sa aking lakasan ko ang loob ko pero paano ako ngingiti kung wala kana sa tabi ko. Di ko alam ang gagawin kung pagdilat ng mata ko wala kana sa piling ko. Ang hirap ngumiti kahit pilit di ko magawa. Di ako aalis sayong tabi, iiyak at mag mumukmok sa harapan ng iyong labi.

Dumating na ang araw na akin pinakatatakutan. Nang sa harap ko makita kong ang labi mo ay tinatabunan. Di kita kayang tignan sa ganyang kalagayan kaya mas pinili kung pumikit. Bawat sigundo ay litrato ng mukha mo ang aking nakikita, mga alala nating naka ngiti sa bawat oras. Mga yakap mo sa akin at halik ay hinding hindi ko makakalimutan. Sa puso ko ay nag iisa ka lang, walang kapantay at di kayang palitan. Di ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko, ang hirap huminga at ang sakit sakit ng dibdib ko.

Sa pagtulog ko sa gabi, lagi lagi nalang na alala. Ang mga masasaya nating ala ala na magkasama. Miss na kita, miss na miss na kita. Gusto kitang yakapin ngunit di na maaari dahil wala kana sa buhay ko. Iniwan mo na akong nag iisa ngayon at umiiyak. Ngunit kailangan kong tanggapin na tapos na. Tapos na ang lahat at di kana babalik pa.

Paalam na mahal kong sinta.

Labing ApatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon