Kabanata 13

633 13 2
                                    

Kabanata 13

Problem

Hindi ako makatingin sa mata ni Basty habang kumakain kami sa kanyang kusina. The both of us are seated in front of a wooden rectangular table that can accommodate about six people, siya’y nasa kabisera habang ako’y nasa kanan niya. Hindi naman ako gutom pero tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng beef tapa at steamed kangkong na niluto ni Basty bilang breakfast niya kaninang umaga. Ginagawa kong pang-alibi iyon para hindi iharap ang aking mukha sa kanya. He asked me what I want to eat at sinabi kong ayos na ito sa akin. Besides, alas dos y media pa lang at kumain naman ako ng tanghalian bago dumiretso sa ospital kanina.

Hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari kanina sa sofa. Siguro ay mababa na ang tingin niya sa akin ngayon! Shit! He probably thinks I’m so easy and so ready to give myself to him! Maybe he’s thinking that I’m not that innocent as he thinks I am! Na hindi na ako yung babaeng nakilala niya noon. Ako pa mismo ang tila nagmakaawa imbes na pigilan siya!

At isa pa! Isn’t he the one that initiated? He kissed me first! He seduced me senseless but at the end, he left me hanging! Kasalanan niya bakit ganoon ang reaksyon ko. And I’m damn pissed because he doesn’t even see that until now I am still affected by the rejection.

Maging ako ay nagulat sa nangyari at sa naging reaksyon ko doon. I have never felt that way before and everything was too surreal for me that it made me so overwhelmed for some reason. I can only imagine my friends’ reaction if they heard about what I did and how Basty rejected me!

“Sasama ako sa paghatid sa bahay ninyo mamaya,” ani Basty at uminom sa kanyang tubig. Ang kutsara ko’y naiwan sa ere at napatigil ako sa pagsubo.

Wow! Double kill! Okay, hindi ko naman inexpect na dito ako matutulog. But maybe I expected that he’ll at least ask me if I want to stay just for one night?

God! Macy, kailan ka pa naging ganito ka-uhaw?

Tumango lang ako at sinubo na ang kanin. Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.

I sliced the beef with my fork and knife and immediately shoved it in my mouth. Dahan-dahan ang pagnguya dahil medyo busog na pero gusto ko lang talaga maabala ang sarili para hindi niya isipin na ayaw ko siyang tignan.

Uminom ako ng tubig at sa gilid ng aking mata ay alam kong nakatitig na sa akin si Basty. He sighed.

“My men told me that the only purpose of the gunshot was to probably stop your car by shooting one of the tires. Wala na silang nakitang kung ano pang tama sa sasakyan niyo.”

Nakuha niya ang tingin ko, pero umiwas ako kaagad.

“I didn’t see that one coming, Macy. Dapat hindi iyon nangyari sa sasakyan niyo. They have gone too far.”

We are talking about the people who are planning to get me killed now. Gusto ko siyang tanungin muli kung sino ang mga iyon dahil pakiramdam ko na hindi katulad ng dati ay sasagutin na niya ang tanong ko. Pero alam ko sa sarili kong mas gusto niyang wala akong alam so I will give him that assurance. I guess it really is better if I don’t know. I will know that in time. Natatakot rin kasi ako sa maaaring reaksyon at gawin ko sa oras na malaman ko kung sino ang tumatangka sa aking buhay.

“I’m sorry, Macy. I’m sorry about this,” he said.

Nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang paghingi niya ng paumanhin. I can see in his eyes so many thoughts that he wants to tell me but he’s trying to supress it. Kung bakit niya ginagawa iyon ay hindi ko maintindihan.

Umiling siya at iniwas ang tingin sa akin. “Don’t think about it, Macy. Eat.”

Nakakabinging katahimikang muli ang bumalot sa akin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtama ng mga kubyertos na hawak namin doon sa babasaging plato.

Playful Melodies Book 2: Precious MiraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon