Kabanata 6: Malapit

154 12 5
                                    

Kabanata 6: Malapit

Music Hero - Walang Papalit

///

Ilang araw nang busy sa school lalo na at na-welcome na 'ko sa organization ng school paper. Nakilala ko na ang mga kasamahan ko do'n at lalong naging exciting dahil nando'n si Grace.

     Marami ring short exams sa course kaya naging mahirap ang bawat araw dahil sa matinding pagre-review.

     Napadukdok ako sa lamesa pagtapos na pagtapos ng huling quiz sa araw na 'to.

     "Uy okay ka pa ba? Nagpuyat ka 'no?" tanong ni Era at sinuklay-suklay ng daliri ang buhok ko.

     "Criselina baby. Tara gala," aya ni Jun.

     "Uy anong Criselina baby 'yang naririnig ko?" Napaangat ako ng ulo para tignan kung sino ang bagong dating na 'yon. Si Kuya Kelvin.

     "Lahat ng babae bine-baby nitong loko mo pong kapatid," sabi ni Era.

     Nagpusod ako ng buhok at inayos na ang mga gamit ko.

     "Ah okay," sagot niya.

     "Bakit curious ka po? Don't tell me crush mo si Criselina at nagseselos ka?" nakakalokong tanong ni Era.

     "Oh no, ayokong masuntok," he even laughed.

     "Nino naman?" tanong ni Edward.

     "Mukhang may something do'n a, mayro'n bang may balak manligaw kay Crisel?" Si Fernando.

     "I mean ayokong mabugbog niyo. Napapaligiran siya ng mga loko-loko pero protective na lalaking kaibigan," he answered.

     "Nako isama mo 'tong si Era, ibang klase maging protective 'to. Kahit akong kaibigan din ni Crisel, binabara." Si Jun.

     "Alright. So kaya ako nandito, gusto kong gumala. Ang lalayo ng mga tropa ko. Sama niyo muna 'ko sa inyo," natatawang sabi ni Kuya Kelvin.

     "Isama mo kahit si Chase. Sige ka 'di mo masasakyan mga kalokohan namin, gurang ka na kasi," pang-aasar ni Jun.

     "Gago. Pero oo. Ite-text ko siya."

***

Natatanaw ko na ang clock tower kaya siguradong malapit na kami sa bayan. Inaya nila akong sumama dahil may sasakyan naman daw.

     Pagbaba namin mula sa van nila Jun, namangha agad si Kuya Kelvin sa nakita. Ngayon pa lang siguro niya nakita nang mabuti ang itsura ng bayan dito kapag magga-gabi na.

     "Eto pala ang galaan niyo rito a. Nice."

     Buhay na buhay ang paligid, para kang nasa syudad. Maraming bilihan ng street foods at mga pampasalubong. May mga historical spot din sa malapit. Malinis ang paligid dahil magaling ang mga namamahala ng lugar at may disiplina ang mga tao.

     "Si Chase," biglang sabi ni Edward.

     Nilingon namin at nakita sa 'di kalayuan na nagpa-park ng motorbike si Chase. Pagtanggal ng helmet, nilingon lang niya ang paligid na parang matagal na siyang pamilyar dito.

     "Shet! Ganda ng motorbike. Kanya 'yan?" Si Fernando.

     "Hindi pa. Sa Papa niya. Ayaw pa ibigay ng tuluyan ni Tito kasi 'di pa raw gano'n katino anak niya." Si Kuya Kelvin, tumatawa.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon