Di ko alam kung saan ako papunta ngayon. Pero patuloy lang ang mga paa ko sa paglalakad.
May mga tao akong nakikita pero di ko alam kung napapansin nila ako.
Lakad lang ako ng lakad nang biglang tumigil ang mga paa ko.
Di ko alam pero bakit ako nandito sa tapat ng bahay niyo.
Dare-daretsong pumasok ang mga paa ko sa loob ng bahay nyo hanggang sa tumigil ito sa tapat ng kwarto mo.
Kumatok ako at nagulat ka sa nakita mo.
Pinapasok mo ako sa loob ng kwarto mo at doon tayo'y nagkwentuhan, nagtawanan, nag-asaran at nagkulitan.
Mamimiss ko ang araw na to.
Ang mga ngiti mong napaka-tamis na kumukumpleto sa araw ko.
Ang boses mo na parang isang musika sa tainga ko.
Ang mukha mo na parang isang anghel sa paningin ko.
Ang mga yakap mo na nagbibigay init sa katawan ko.
Ang iyong mga halik na syang nagpapalakas ng loob ko.
Mamimiss ko ang lahat ng iyon.
Mahal na mahal natin ang isa't isa. Lahat ng pagsubok ay nalagpasan natin.
Sa kabila ng masayang kulitan natin ay may tumawag sa telepono nyo.
Nandun iyon sa sala nyo.
Lalabas ka na sana ng kwarto mo para sagutin ang tawag na iyon.
Pero bago ka lumabas ay tinanong kita..
"Bumalik ka dito ah?"
At ang sagot mo naman ay..
"Oo naman. Kwarto ko kaya to."
Di pa ko nakuntento sa sinagot mo at nagtanong pa ko..
"Pangako?"
Lumapit ka sakin at humalik saking pisngi. Hinawakan mo pa ang aking mga kamay at sinabing.. "PROMISE!" na may guhit sa 'yong mga labi.
Lumabas ka na at sinagot ang tawag na iyon.
Nandito lang ako sa kwarto mo.
Nakatayo sa gilid ng pinto. Nakasilip sa iyo at nakikinig.
Nakita ko ang naging reaksyon mo habang kausap ang taong nasa telepono.
Nalungkot ako.
Tumakbo ka at lumabas.
Dahil alam ko na ang papa ko ang tumawag sayo at ibinalitang..
'PATAY NA KO.'
Ang tanong..
Babalik ka pa ba sa kwarto mo gaya ng pinangako mo?
O
Tatakbo ka na lang palabas at iiwan mo ko dito... SA KWARTO MO?!!!
____________
By: Miss_XD