"plan everything"
napaka importante ng unang step na ito., bago pa man mangyari ang lahat planuhing maige ang inyong first date., parang isang heneral na susugod sa gyera kailangang maging handa ka sa lahat ng mangyayari., kailangan maisip mo na ang mga possible na battle field., este dating place niyo., bago mo pa man siya yayain., isipin mo na yung mga lugar na pwede mong mai'suggest., tanungin mo na ang sarili mo kung saan at ano ang kaya ng budget mo., (silip sa pitaka) yung layo ng lugar., yung araw kung kailan siya bakante o may off sa trabaho o sa school., yung mga dapat gawin niyo sa date nyo., at kapag nagutom syempre yung chichibugin., dahil sa ikaw ang nag'yaya kailangan handa ka palagi para kung sakaling matanong mo siya kung saan niya gusto at wala siyang maisagot alam mo na kung saan at ano ang gagawin.,