Dedicated to @Lorie-sama. Pasasalamat sa Book Cover na ginawa nya.
~•~•~•~
Talia POV's
Nagising ako dahil sa tahol ng alaga kong aso.
"Good morning Lemon." Bigla nalang tumalon sa akin si Lemon kaya niyakap ko sya.
"Namiss mo si mommy? Sorry di na tayo nakakagala. Busy kasi si mommy ih." Tumahol nalang si Lemon. Bumababa na ako para makapag-breakfast, sinama ko narin si lemon.
"Good Morning Mommy," pagbati ko.
"Good Morning din. Aga mo ata nagising ah?"
"Hmm, nagising po ako sa tahol ni Lemon. Mukhang gutom na po kasi sya," pag papaliwanag ko na tinanguan nalang ni mommy.
Binigay ko muna sa isang maid si Lemon para makakain. Sabay na kami ni mommy pumuntang kitchen para mag breakfast.
"Nakakamiss si daddy. Kailan uwi nya mom?"
"Hmm, di ko alam ih busy pa ata ang schedule ng daddy mo kaya di pa sya makakauwi," sabi ni mommy at tumango nalang ako. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko.
"Mom tapos na po ako. Akyat lang po ako." Tumango nalang si mommy at umakyat na ako sa taas para maligo. Tiningnan ko muna yung cellphone ko at nakita ko na may 15 missed calls galing kay Serena.
Serena is Calling
Pinundot ko naman agad yung answer button.
[Good Morning Talia]
"Morning napatawag ka?"
[Free ka ba ngayon? Gala tayo nina Kesh.]
"Yah free ako."
[Sige sige. Wait mo ko dyan para sunduin kita dyan.]
"Sige. Take care bye."
[Bye.]
Inend ko na yung tawag ni serena tsaka ako dumiretso sa banyo para maligo.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ako maligo. Nagsuot lang ako ng off-shoulder na croptop at jeans tsaka rubber shoes. Kinuha ko na yung sling bag ko para mailagay ko na yung mga dadalhin. Nag ayos muna ako saglit at binagsak ko na din yung buhok ko tsaka ako bumababa. Nakasalubong ko naman ang maid namin sa hagdan.
"Mam anjan na po si Ms. Serena," pagsalubong naman ng maid namin.
"Sige salamat. Pababa na ako," sabi ko bago ko siya iniwan.
Pagbaba ko naabutan ko si Serena na nilalaro si Lemon.
"Tara na!" salubong ko kay Serena.
"Di mo ba isasama si Lemon? Sinama ko si Apple ih." May alaga din si Serenaat iyon ay si Apple
"Sige isasama ko sya. Paalam lang ako kay mommy."
Tinawag ko yung isang maid para ayusan si Lemon tsaka ko pinuntahan si mommy.
"Mommy aalis po ako. Nag aya kasi mag-gala sina Kesh," pagdadahilan ko para payagan ako.
"Sige mag ingat kayo"
Binalikan ko si Lemon sa maid na inutusan ko para ayusan sya. Nang makita ko na tapos na itong ayusan ay pinuntahan ko na si Serena. Dumiretso na kami ni serena sa parking para kunin yung sasakyan nya. Sumakay na ako at dala dala ko narin si Lemon. Napagdesisyunan namin na daanan na rin sila Kesh.