Ako ay si Crisa Valdez at ako ay bente-dos anyos. Nakatira ako sa isang apartment dito sa Maynila malapit sa pinagtratrabahuan ko, NAIA. Isa ako sa mga tindera sa tindahan ng mga pasalubong. Dalawang taon na akong nagtratrabaho dito at walang isang araw na ako’y nakaramdam ng yamot dahil sa mga naging kaibigan ko dito; sina Terry, Drea at tita Silva. Nagtratrabaho din sila sa tindahan.
Si Terry ay aking BFF, o “Bakla Friend Forlife”. Nagkaroon kami ng magulong simula, dahilan ay selos. Nagselos sa akin si Terry nung bago pa siya sa NAIA, dahil halos lahat ng lalaki na nagtratrabaho rito ay mga kaibigan ko. Biglaang gumawa siya ng tsismis na ako ay isang bruha, sa lahat ng nagtratrabaho sa paliparan. Syempre, nakakagulat naman ang ginawa niya sa akin! Hindi nga niya ako kilala at ganun ang ginawa! Nilakasan ko ang loob ko, hinarap ko siya at sinabihan ko na wala siyang karapatang gumawa ng pekeng istorya tungkol sa mga taong hindi niya kilala! Kinabahan ako nung hinarap ko siya, pero kailangan kong linisin ang pangalan ko sa ginawa niya. Nabigla siya, dahil hindi niya akalaing haharapin ko siya at napaiyak. Nagpaumanhin siya at umamin na may gusto siya isa sa mga lalaki na kaibigan ko. Akala niya kasi na may gusto kami sa isa’t isa. Napatawa ako at sinabihan ko siya na hindi ako naghahanap ng kasintahan sa trabaho. Kaibigan lamang ang tingin ko sa lahat ng katrabaho ko! Niyakap ko siya at pinatawad. Nagsimula muli kami sa pamamagitan ng pagpakilala sa isa’t isa ng maayos at meryenda. Pinakilala ko rin siya sa nagustuhan niyang lalaki na si Rafael, isa sa mga guwardya ng paliparan. Pero sa ilang araw na nilandi ni Terry si Rafael, napunta lang sa bilang magkaibigan.
Si Drea ay aking matalik na kaibigan at una kong naging nakilala dito sa paliparan. Bago ako naging matino at nakakuha ng pagtitiwala sa sarili, isa akong matahimik at mahiyaing tao. Hindi ako makapagusap sa mga namimili o sa mga trabahador. Lumalayo ako sa ibang trabahador dahil pakiramdam ko na baka hindi nila ako nagugustuhan. Nilapitan niya ako at nakipagkaibigan sa akin. Binigyan niya ako ng mga payo para lumakas loob ko sa trabaho at tinuturuan niya ako kung saan mamimili ng mga magaganda at mura na gamit. Kung may mga problema akong napakabigat, nandoon siya para tulungan ako. Tinuri ko na siya na parang kapatid at nagpapasalamat ako na nakilala ko siya.
Si tita Silva ay aking amo dito sa tindahan at isa sa mga kapatid ng aking ina. Siya ang kumuha sa akin dito, galing probinsya. Nangangailangan daw siya ng trabahador at ibinigay sa akin ang pagkakataong magtrabaho sa paliparan.
Ang pangarap ko ay maging isang flight istuwardes pero kailangan ko muna ng pera para makapageskwela kaya trabaho muna. Kahit mapaglunggati ang aking pangarap, napamahal na ako sa trabaho ko at parang ayaw ko ng umalis.
Isang araw sa trabaho, nagkwekwentuhan kami tungkol sa pagibig. Bigla akong tinanong ni Terry:
- ”BFF, Musta naman ang iyong lovelife?”
- ”Wala! Hindi pa ako handa magkarelasyon!” Sagot ko at nagulat si Terry.
- ”Hala! Bata mo pa, kailangan maghanap ka na! Buong buhay na magisa, hindi nararapat iyon. Parang mga sapatos, kailangan may kapares!”
- ”Anong mali sa paghihintay sa taong nararapat sa iyo?” Sabi ni Drea at ako’y sumang-ayon sa kanyang sinabi.
- ”Paano kung kuwarenta ka na’t naghihintay pa rin?!” Tanong ni Terry na nainis.
- ”Paano naman eh, kung tutuusin may hinihintay nga siya sa isang tao?” Biglang tanong ni tita Silva na nakikinig pala sa usapan namin.
Nagulat ako sa tanong ni tita at sana man lang hindi siya naniniwala sa mga ganong istorya, mahilig kasi siya sa mga teleserye. Pero sa tinanong niya, may naalala ako at napalungkot ako. Nilaan ko nalang sa tono ko na ayaw kong pagusapan ang nakaraan:
BINABASA MO ANG
Paano kung ikaw na nga?
ChickLitMadaming tanong sa mundo na hindi masasagot, tungkol man sa buhay o ano man. Pero, paano kung matanong ka: Ano gagawin mo kung nasa iisang bubong ka, kasama isang tao at ang taong iyon ay iyong ex? Ito ay isang kwentong gawa-gawa lamang at ang akin...