Talia POV.
Maaga ako pumasok, ako lang mag isa dahil hindi ako masusundo ni Clark mamaya pa kasi siya papasok. Umupo ako sa may bench malapit sa room building namin. Tumambay muna ako dahil maaga pa naman wala rin naman ako gagawin."Talia!" I turned to her, si Myka.
"Good morning, mabuti maaga ka pumasok may kasabay ako" she smiled. I greet her back."Si Nathan, hindi mo kasabay?" Umiling naman siya.
"Hindi eh, mamaya pa daw siya" nagtaka naman ako, ano Kaya nangyari sa kanila dalawa. Natuon ang isip ko sa mga babae nag bubulungan.
"Ang gwapo parin nila kahit hindi kita mga mukha nila hehe"
"Ang astig parin nila"
"Sigurado ako may nangyari na naman"
"Sinabi mo pa akala ko nga nabuwag na ng tuluyan ang grupo nila pero ngayon nagbalik na naman"
"For sure may mangyayari na naman"
Ilang lang yan sa mga naririnig ko sa paligid hanggang sa napatingin ako sa apat na naglalakad. Kunot noo ko sila tiningnan, naka shade at mask? Anong trip ng mga 'to? Naka titig lang ako sa kanila hanggang makalapit sila sa'min.
Tumayo si Myka at nilapitan niya ang mga 'to. Tinanggal niya ang nakasuot nila shade at mask, nagulat naman kami sa nakita.
"Oh my gad, Anong nangyari dyan sa mga mukha ninyo? Babe anong nangyari?" Tanong niya Kay Nathan, umiwas lang siya ng tingin. Kaya tumayo ako sa harap nila, Isa Isa ko sila tiningnan na sabay naman umiwas. Yong mga mukha nila parang sinampal ng sampung d*m*n*o.
Tinitigan ko si Clark, gusto ko siya ang magpaliwanag, gusto ko malaman sa kanya mismo, ito ba yong importante sinasabi niya kagabi? Kaya ba sila umalis dahil dito.
"W-wag m-mo nga ako tingnan ng ganyan"
"Bakit ka nauutal?"
"Na-naiilang a-ko eh"
Lumapit pa ako sa kanya. Aatras sana siya ng hawakan ko ang mukha niya."Hindi ko alam kong anong nangyari, pero ayos kalang ba?" Tiningnan ko siya na may pag aalala. Nakatingin siya sa'kin habang sinabi ko yon.
"Ayos lang ako 'wag ka mag alala" hinawakan niya ang kamay ko na nasa mukha niya.
"Ano ba kasi nangyari?" Tanong ko sa kanila lahat pero iba iba ang mga sagot nila.
"Wag niyo nalang kasi kami intindihin, ayos la-- aray" Di natuloy sinabi ni Nathan dahil pinalo siya ni Myka.
"Ano sa tingin mo mararamdaman namin, maging masaya? Ikaw ha! Ang ayos² ng mukha mo kagabi tapos ngayon ganyan ang mukha makikita ko sayo." Parang gusto na umiyak ni Myka dahil sa galit.
"Sorry na, wag kana magalit" lambing niya dito.
Napatingin ako sa Isa ng hilahin niya ko."Hoy, sa'n tayo pupunta?" Di niya ko pinansin hanggang makarating kami sa tambayan nila parang condo.
Pinaupo niya ko at may kinuha siya."Gamotin mo naman ako, sumasakit kasi eh" kinuha ko yong hawak niya medicine kit at pinaupo sa tabi ko. Habang ginagamot ko siya nakatitig lang siya sa'kin Kaya di ko maiwasang mailang at madiinan ang pag pahid ng gamot.
"Aray! Dahan dahan lang" kasi naman eh, titig kasi ng titig.
"Hindi mo ba 'to ginamot kagabi?" Tanong ko sa kanya para madistract naman siya.
"Hindi, hindi naman yan masakit kagabi"
"Eh kanina umaga?"
"Wala na akong oras eh, gusto na kasi kita makita!" Napatigil ako at tumingin sa kanya.
"Uhm, ayos na'yan, tapos ko na malagyan ng band-aid" umiwas ako ng tingin at umayos ng upo.
Nagulat ako ng humiga siya sa lap ko.
"Anong ginaga--"
"Hayaan mo muna ganito tayo, gusto ko muna matulog sa tabi mo"
"Ano bang pinagsasabi mo, hoy clark" tinapik ko siya pero ayaw magising.
"Ang bilis mo naman makatulog" bulong ko.Tinitigan ko Ang mukha niya, kahit may pasa 'di parin mawawala ang kagwapuhan niya. Kahit Sino talaga babae maghahabol sa kanya.
Ang himbing naman ng tulog nito nangangalay na paa ko.
Wala ba siya plano pumasok, late na kaya kami isang oras na hindi parin siya gising.Naramdaman ko ang pagka antok kaya sumandal ako sa board ng sofa at pinatong ang ulo at pumikit.
Nagising ako dahil sa naaamoy ko pagkain pero nakapikit parin mga mata ko.
"Ang bango naman" inaamoy ko yong pagkain."Gising kana pala"
Napadilat ako at napabangon ng mapansin ko nasa kama ako. Pa'no ako napunta dito? Ang pagka kaalam ko nasa sofa lang ako.
"Nilipat kita dyan para maging maayos yong tulog mo" tinaasan ko siya ng kilay at tinakpan ang katawan ko."Anong ginawa mo sa'kin?!" Sigaw ko sa kanya at binato ng unan.
"Talia, Wala akong- aray, Wala akong ginawa sayo, ano ba!Nilipat lang talaga kita dyan tyaka diko magagawa sayo yon!" Napatigil ako sa pagbato at napatingin sa kanya.
"Palibhasa kasi mga pangit ang naiisip mo sa'kin, kumain na tayo para maihatid na kita sa inyo." Napatingin naman ako sa bintana, hapon na pala. Bumangon ako at pumunta sa kusina nila."Umupo ka dito" pinaghila niya ako ng upuan, hindi na ako nagsalita pa at umupo nalang.
"Ako ang nagluto niyan kaya kumain ka ng marami" nilagyan niya ng pakain ang pinggan ko.
Habang kumakain kami "Talia, pwede ba akong manligaw?" Naibuga ko naman yong kinakain ko.
"Sorry, nagulat ba kita?" Nagtanong pa."Ano sa tingin mo?" Pagsusungit ko. Kung ano ano kasi sinasabi.
"Ano, pwede ba?" Napatingin ako sa kanya. Pinagloloko niya ba ako?
"Tskk, nakilala kita bilang isang Playboy tapos sasabihin mo sa'kin ngayon, manliligaw ka? Hehe at sa tingin mo paniniwalaan kita?" Hindi ko alam pero nakita ko nasaktan siya sa sinabi ko which is totoo naman.
"Alam ko mahirap paniwalaan ang sinasabi ko pero seryuso ako, Talia sa bawat araw na magkasama tayo hindi mo ba naisip mga ginawa ko para sayo, hindi mo ba napapansin mga pagbabago ko?" he said while serious look.
Napaisip naman ako sa sinabi niya, he's protective with me, lagi niya ko binabantayan, sweet siya pag kasama ako, Hindi ko nakikita ang pagiging Playboy niya hindi na rin siya tumitingin sa iba, pero rason ba yon para paniwalaan ko siya?
Nasa byahe kami pauwi ng bahay, tahimik lang siya, walang kibo siguro iniisip niya yong sinabi ko.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Humarap ako sa kanya."Clark yo--" pinutol niya sinabi ko.
"Alam ko, pero hindi ako titigil patunay ang sarili ko sayo pero sa ngayon hayaan mo protektahan ka." Tumango ako, nag paalam at lumabas ng sasakyan. Di man lang siya lumingon. Masyado ko ba siya nasaktan. May dapat ba ako pagsisihan sa pagtanggi ko sa kanya? Ayoko lang naman na ako ang masaktan sa bandang huli.
End.
Chapter Eleven.
YOU ARE READING
My Mr. Playboy Secret (Complete)
ActionDalawang taong nagkalapit ng hindi inaasahan ang Mr. Playboy at Ang babaeng transferee. Paano kaya kung malaman ni girl na ang isang Playboy ay may malaking sekrito. Abangan...