Talia POV
Lunchtime nasa tambayan na naman ako, kasama ko pala si Clark bumili lang siya ng pagkain, gusto niya dito lang kami kakain at kami lang daw dalawa.
Dalawang araw mula ng na basted ko siya pero pinanindigan niya yong sinabi niya sa'kin. Pinakita niya sa'kin na seryuso siya, na hindi niya ko niloloko. Kaya ngayon naguguluhan ako kung tama na ba 'tong nararamdaman ko.
Bumukas ang elevator, akala ko siya na pero sina Geo at Karl lang pala."Oy, nandito ka pala Talia" Geo said with smile. Si Karl ngumiti lang sa'kin, ngayon ko lang napansin may pagka seryuso siya minsan.
"Dito daw kasi kami kakain ni Clark" ngumiti ako.
"Hanep talaga power ng lalaking 'yon, kahit binasted muna hindi parin sumusuko, katulad parin talaga siya ng dati, iba magseryuso, iba din magmahal" pailing iling pa siya habang umupo sa sofa sa may harapan ko.
"Bakit mo naman nasabi yan?" Malamang kaibigan sila, alam talaga niya takbo ng utak ng kaibigan niya.
"Uhm, di ba niya na kwento sayo about sa dati niyang ex?" Ex? May girlfriend si Clark dati? Umiling ako sa kanya. Lumapit naman siya sa'kin tumabi siya sa'kin at bumulong.
"Alam mo hindi naman talaga Playboy yan si Clark, may nangyari lang kasi kaya siya nagkakaganyan. Kung binasted mo siya dahil do'n isang pagkakamali ang naging disisyon mo. Alam mo bang iba mag Mahal ang isang Clark, kung nakilala mo lang si pat at Clark dati pa masasabi mo talaga sila ang itinadhana. Kung hindi lang talaga na-- fuck!! Bakit ka nambabato?!" Sigaw niya. Napatingin ako sa bomato sa kanya si Karl.
"Kalalaki mo tao ang daldal mo, pag narinig ka talaga ni Clark lagot ka talaga don." Sigaw niya nasa may kusina kasi siya.
"Nag kwento lang naman eh" pakamot kamot siya ng ulo.
"Hey, you okay? Kanina ka pa tahimik dyan, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" Sunod-sunod niya tanong.
Kung may girlfriend siya dati Nasa'n na ang girl na'yon? KaKaya ba siya naging Playboy kasi niloko siya? May dahilan lang ba talaga ang lahat Kaya ka ganyan. Ito na ba ang sagot na hinihintay ko.
Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko."Ayos kalang? Ang lalim ng iniisip mo ah"
"Wala lang naman 'to" ngumiti ako para 'di na siya magalala pa.
Naglakad kami papasok sa room namin.
"Kinakabahan ako sa biglang pagtahimik mo, may sinabi ba sayo ang dalawang yon?" Ang tinutukoy niya ay sina Geo at Karl.
Hindi naman masama kong itatanong ko diba?"Clark, Sino si pat?" Napahinto siya at parang nagulat.
"Sinabi sa'kin ni Geo kanina ang tungkol sainyo ni Pat, itatanong ko lang kung anong nangyari sa inyo?" Wala akong intinsyon ungkatin pa ang nakaraan nila pero nagtataka lang ako kung bakit sila naghiwalay kung mahal nila ang isat Isa. Tiningnan ko siya pero sa harap parin siya nakatingin, wala akong makita reaction niya. Pero nakita ko sinara niya ang kamao parang may susuntukin. Galit ba siya."Uhm, 'di mo naman kailangan----" pinutol niya yong sinabi ko at napatigil sa narinig ko.
"She's gone"
Tatlong araw ng nakalipas, pero Hindi ko pa nakita pumasok, si clark, mula kasi nung hinatid niya ako sa bahay, Hindi na siya nag paramdam saakin, nag alala tuloy ako kung ano ng nangyari sa kanya, naglakad ako sa hallway ng mapansin ko yung dalawang lalaki, naglakad papalapit saakin kung di ako nag kakamali sina Geo at Karl yon baka alam nila kung nasaan siya, agad ako lumapit sa kanila, nagulat pa sila ng makita ako..

YOU ARE READING
My Mr. Playboy Secret (Complete)
AzioneDalawang taong nagkalapit ng hindi inaasahan ang Mr. Playboy at Ang babaeng transferee. Paano kaya kung malaman ni girl na ang isang Playboy ay may malaking sekrito. Abangan...