Author's POV
"Muling nabalik ang sigla ng Shiozuka simula nang bumalik si Rodney"
"Oo nga, iba rin ang effect niya sa team"
"May pag asa ang Shiozuka na makapasok sa semis"
Yan lang ang mga usap usapan ng mga tao sa arena dahil sa pagbabalik ni Rodney sa Shiozuka Jaguars, sa kanyang muling pagbabalik ay binigyang buhay niyang muli ang team.
"Ness, ano bang pinakain mo diyan kay Rodney at bumalik sa team?" –Erica
"Secret" –Nessan
Naalala ni Nessan ang sinabi niya kay Rodney bago siya bumalik sa team
NESSAN'S FLASHBACK
"Ipush mo ang mga pangarap mo. Alam ko kaya ka nandito sa Shiozuka dahil may pinapangarap ka, sabi ni Argelle na pangarap mo talagang magchampion since high school at hindi ka pumunta sa Shiozuka para kalimutan siya. Alam kong may purpose ka kaya please... Bumalik ka na sa basketball team, subukan mong kunin ang championship na pinapangarap mo nung high school"
"Hindi siya bumalik dahil trip niya, dahil pangarap talaga niya na manalo at makuha ang championship na pangarap niya at pangarap ng lahat ng mga players" sabi ni Nessan mula sa isipan niya.
SANTO DOMINGO BENCH
Kinausap ng coach ng Santo Domingo ang kanyang mga players "Anong masasabi niyo sa Shiozuka? Malaki na ba talaga ang kanilang improvement kumpara nung tinalo natin sila??"
"Opo coach, hindi na talaga sila yung kagaya last year, ang laki ng improvement nila" –Jamir
"Tapos nadagdagan pa ng isang malakas na rookie, si Rodney" –Jerson
"Kaya natin ito, wala lang yan si Rodney, hanggang ngayon nagkakalat padin siya" –Matthew
Malakas parin ang fighting spirit ni Matthew dahil mas lamang siya ng puntos kumpara kay Rodney. Inaabangan pa niya ang ilang mga gagawin ni Rodney sa larong ito.
Muling bumalik sa game ang dalawang koponan, may napansin ang team captain ng Santo Domingo na si Jamir Kareem sa kanyang katapat na point guard na si Ian. Hindi siya kasing level ng ilang point guard sa NCAA na katulad nila Bernard at J.K. At napahanga din siya dahil siya lang ang 1st year player na naging starting point guard nung mga dating laban.
Nasa Santo Domingo ang ball possession.
"Kareem guarded by Solitario" sumalaksak si Jamir habang bantay siya ni Ian, hindi napansin ni Ian na lulusot mula sa loob si Jamir. "Lob pass to Bankole" hindi naidakdak ni Mickey ang bola dahil hinarangan siya ng dalawang frontcourt ng Shiozuka na si Shabazz at Rodney. Pinilit ni Mickey na magpost drive muli pero hindi siya nakaatras.
"Bankole with the post fakes over Shabazz, but he is blocked by Miller!" agad na nablock ni Rodney ang layup ni Mickey pero nakuha niya agad ang rebound.
"Bankole has been doubled" ipinasa ni Mickey ang bola sa labas, nandoon si Matthew at hindi napansin ni Rodney kaagad na walang bantay si Matthew kaya hinabol niya ito para pigilan ang shot niya.
"Bantatua for three"
"Three points pa" banggit ni Rodney habang pinagmamasdan kung papasok ba ang bola o hindi.
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
ActionSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...