My "NOT-FROM-EARTH" Boyfriend (One-Shot)

1.6K 65 30
                                    

**

KATHRYN's POV

Huhu. Eto nanaman ako. Naglalakad papunta sa nag iisa kong tambayan. Sa likod ng school. Para siyang forest pero tahimik at ako lang ang nagagawi dito. Ako nga pala si Kathryn Manuel. 4th year high school. 15 years old. 

"Ano ba to. Lagi nalang. Last week, binato ako ng kamatis at itlog, kahapon tinapunan ako ng harina, tapos ngayon, binasa nanaman ako ng tubig. *Sniff* Wala naman akong ginagawa e" sabi ko sa sarili ko habang pinipiga yung damit ko.

Sapat bang dahilan yung pagiging hindi ko maganda para gani-ganituhin nila ako!? I mean, meron lang naman akong makapal na eyeglasses, mahabang palda, maluwag na blouse. Okay, for short NERD ako. Kaya lang, poke ba ganun ako, kelanagn nila akong i-bully? Heller!? Ayoko namang lumipat ng school kasi kakatransfer ko lang dindito sa Youngstown Of Lady Olivia (YOLO) mag aral.

Tumayo ako at lumapit sa malaking puno sa harap ko. "Huy, yakapin lang kita ha? Kelangan ko ng comfort e" sabi ko sa puno. Sabi kasi nila kapag daw iha-hug mo yung puno, lalabas ang negative vibes.

Ilang segundo ang nakalipas, bigla nalang nagliwanag. Nasilaw ako kaya napapikit ako pero hindi ko inalis ang pagkayakap sa puno. Tapos, bigla nalang lumambot yung puno. Mabango. Idinilat ko ang mga mata ko.

 O________________________o

BAM!! Lalaki. O em giii!! Ampogi! Pwede naman sigurong mainlab ang NERD diba!? Gorabe!! Inayos ko pa yung salamin ko para lang masigurado kung lalaking gwapo talaga ang nasa harapan ko.

"Sino ka!?" sigaw ko sakanya.

"Sino ka!?" sigaw nya din pabalik na para bang ginagaya ako.

"Bakit mo ako ginagaya!?" sigaw ko uli.

"Bakit mo ako ginagaya!?" sigaw niya din. Grabe! Ginagaya ba talaga ako neto!?

"Teka nga, teka nga! Ehem.. Ako si Kathryn Manuel. Ikaw, sino ka at san ka nanggaling?" Sabi ko.

"Ako? Ako si Daniel William Lucas Hiragiuwa Ford and prinsipe ng Lupang BaconCove" sabi niya.

"Ha? Ang haba naman ng pangalan mo saka san ba yung BaconCove na yan? Muka ka namang taga dito kasi maayos naman yang suot mo" tanong ko.

"Hindi ko alam, basta pinapasok ako ng aking ina sa lagusan at pagmulat ko ng aking mga mata nariyan ka na at nakapulupot na ang iyong mga kamay saakin. Sabi ng aking ina bago ako umalis, dito daw ako sa lugar na ito makakatagpo ng taong makakatulong sakin at ikaw yon" mahabang paliwanag niya.

"A-ako? Ba-bakit ako?" tanong ko naman. Nabully lang ako eto na ang mangyayari sakin!?

My "NOT-FROM-EARTH" Boyfriend (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon