Chapter Thirteen

26 0 0
                                    

                       Talia POV.

After 2days  ganon parin, wala parin akong nakitang Clark na pumasok. Pumunta ako sa kanila pero wala siya do'n ilang araw na rin daw siya hindi umuuwi. Di Nathan naman di rin alam ng parents niya kong Nasa'n siya, humanda talaga sila sa'kin pag nakita ko sila dalawa.

"Nakakainis na talaga!" Nakasimangot siya tinusok tusok ang tinapay, kawawang tinapay. Napatingin siya sa'kin.
"Talia, hihiwalayan ko na yang bestfriend mo, masyado niya na ako sinasaktan!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Kaya mo ba?" Tiningnan ko siya, umiyak naman.

"Syempre HINDI!" Sigaw niya, gusto ko tumawa pero hindi nalang baka magalit pa sa'kin. Nandito pala kami sa cafeteria nagutom kasi kami sa dami ng ginawa namin kanina sa room nalalapit na kasi ang first semester.

"Umuwi na tayo Myka malay mo bukas papasok na sila, Tara na" hinila ko na siya. Sana naman bukas papasok na sila. I sighed bago umalis sa cafeteria.

"Myka samahan mo muna ako sa locker room ilalagay ko lang tong mga libro ko" tumango lang siya.

Pagbukas ko sa locker agad ko inilagay ang mga libro pero napansin ko ang di kalakihang box.
Sino naman nag lagay nito?
Binuksan ko naman ito at agad ko rin naitapon dahil sa laman ng box. Nanginginig ang kamay ko.

"Talia ano nangyari sayo?" Tanong ni Myka, tinuro ko naman ang box.
"Omygad! ano yan! Bakit may patay na daga at pictures mo do'n,. Talia, hoy ayos kalang?!"  Nawalan ako ng malay pagkatapos ko marinig 'yon.



                     Clark POV.

Limang araw simula ng gabing iyon  nandito parin ako sa private ospital namin, dito kami nag papagamot pag may mga sugat o pasa kaming natamo.

Kumusta na Kaya si Talia ngayon simula ng nagising ako 3days after agad kong inutusan si Karl at Geo na bantayan siya, para naman masiguro ko na safe siya, para akong mababaliw sa tuwa no'ng binalita nila saakin na hinahanap niya ako.  Buti nalang hindi nadulas itong dalawa at hindi nila nasabi ang nangyari saakin dahil kung hindi sila ang papalit saakin dito.

Alam niyo bang gusto ko nang lumabas dito at puntahan siya, pero sh**t lang hindi nila ako pinayagan at bilin na din ni dad, bawal ako palabasin hanggat hindi pa ako magaling alam ni dad ang mga ginagawa ko at tungkol sa grupo ko, kaya kung may mga pasa ako at ma confines ako dito di na siya magugulat tsk kaya no choice ako kundi magpagaling  hindi parin kaya ng katawan ko pati ang ulo ko lalong lalo na ng mukha ko, hindi ko kayang harapin si Talia na ganito ako.

Isang linggo na akong na confine dito, miss na miss ko na si Talia, binalita saakin nila Karl at Geo no'ng isang araw daw napansin nila na palagi itong malungkot dahil ba saakin? Miss niya rin kaya ako?

Napatigil ako sa pag isip isip ng may nag bukas ng pinto ng kwarto ko dito sa PO, bumungad saakin yung dalawa, sila Karl at Geo.

"Anong balita? " Palagi kong tinatanong sa kanila pag pumupunta sila dito tungkol kay Talia para kahit wala ako sa tabi niya Alam ko parin ang ginagawa niya.

"Dude may kailangan kang malaman, tungkol kay Talia! " Pag kasabi ni Geo, agad na akong kinabahan.

"Anong tungkol sa kanya?!! " Napasigaw ako, para matago ang kaba nararamdaman ko ngayon.

"K-kasi,uhm Karl ikaw na magsabi! "

"Hindi, ikaw na! "

"Diba ikaw ang namimilit sabihin kanina, kaya ikaw na!! "

"Ayaw mo naman pumayag, sabi mo ik-----" binato ko sila ng unan.

 "Magtatalo lang ba kayo dyan o may plano kayong sabihin sa'kin?! " Sigaw ko ulit  " Geo, ano?!"

"Si Talia kasi nasa hospital ngay---"

"What? , Fuck! Pa'no nangyari?! "

"Nahimatay siya sa school kanina 'di namin alam kong anong nangyari pero ng makita namin ang isang box na may laman na daga at picture niya Kaya siguro nawalan siya ng malay dahil sa takot hinala ko sinadya ang paglagay ng box na yon sa locker niya. " Paliwanag ni Karl saakin.

"Damn!! Sa'ng hospital!! " Tanong ko, hindi na ako mapakali kailangan ko siya makita at masiguro na ayos lang siya.

"Sa ******* hospital" Pagkasabi niya agad ko tinggal ang naka kabit sa'kin na dextrose. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

"JC, sa'n ka pa pupunta? "

"Dad?" Bakit ngayon pa siya dumating.

"Bakit ka lumabas? Saan ka pupunta?" Seryuso niya sabi.

" Pupuntahan ko po si Talia dad!"

"Hindi ka pa magaling"

"Dad, wala akong pakialam, sa setwasyon ko ngayon, ang importante si Talia dad, I want to make sure that  she's okay! " Nilampasan ko na siya at di na hinintay pa ang sagot niya.  Agad ako nag drive papunta sa ospital kung saan si Talia naka confined ngayon.

Damn, I hope she's fine now!

Agad ko hinanap ang room niya ng makita ko ito, sumilip muna ako nakita ko siya nakahiga at mahimbing ang tulog nakita ko rin ang mommy niya sa loob binabantayan siya nito Agad nanlaki ang mata niya ng makita ako at dahan dahan siya lumabas ng kwarto.

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong niya agad.

"Pwede po ba? " Tanong ko pabalik, ngumiti siya at tumango,.  "Thank you po! "

Agad ako pumasok sa kwarto niya, dahan dahan ako lumapit sa kanya. hinawakan ko ang kamay niya. Hinawi ko naman ang buhok niya na nakaharang sa maganda niyang mukha, Hinalikan ko ang noo niya pagkatapos umupo ako sa tabi niya.

"I'm sorry kung nangyari ito sayo at Kung bakit ngayon lang ako nag pakita sayo pero tulog ka naman. Nawala lang ako ng ilang araw ito na ang nabalitaan ko alam mo bang subrang nag alala ako sayo ng mabalitaan ko ito dahilan para sumugod ako dito para makita kita ka at kung ano ang kalagayan mo, kasalanan ko ang nangyari sayo bakit kasi wala ako sa tabi mo." Para akong tanga nag sasalita sa harap ng  taong tulog as if naman sasagot, napangiti nalang ako sa ginawa ko..

"Mag pagaling ka mahal KO. Hinding hindi na kita iiwan kahit ano mangyari. I love you to the moon and back.Bulong ko sa kanyang tainga. Hinalikan ko ulit ang noo niya bago lumabas ng kwarto niya.

Naabutan ko ang mommy niya na nakaupo sa bench ng hospital agad naman ako lumapit sa kanya.

"Tita, thank you po" Ngumiti siya.

"It's ok, alam ko naman nag alala ka para sa anak ko, sabi ng doctor pagod at stress lang daw kaya siya nawalan ng malay. Alam mo bang ilang ulit niya binabanggit ang pangalan mo kanina habang tulog siya. Nga pala anong nangyari dyan sa mukha mo?" Patay tayo dyan.

"Uhm, tita tungkol po dito, sana po di na makarating kay Talia ito at ang pagpunta ko dito ngayon?" Nagtaka naman siya, pero tumango nalang din.

"Aalis na po ako tita thank you ulit! "

"Sige, mag ingat ka"

Palabas na ako ng hospital ng makita ko si Nathan kasama si Myka, kailan pa siya nandito? Parang nag aaway ah. Lagot ka ngayon Nathan damhin mo ang pangalawang bugbog. Iniwan ko na sila at sumakay ng sasakyan pinaandar pauwing bahay.

End.
Chapter Thirteen.

My Mr. Playboy Secret (Complete)Where stories live. Discover now