Chapter IV: A string of bad luck

5.5K 112 8
                                    

  Nakapalumbaba si Cash sa bintana ng sariling silid. Kahapon dahil sa inis at pride kaya siya namromroblema ng malaki. At ngayong nasa huwisyo na siya'y parang gusto niyang pagsisihan ang naging desisyon. Kung tinanggap mo na kasi yung offer ni papa pogi.

Mula sa kaliwang kamay ay inilipat niya ang pangangalumbaba sa kanan.

"Katulong naman kasi ang gusto niya. Pwede namang secretary nalang niya tutal abogado naman siya." At pumasok ang eksena sa isip habang pinagtitimpla niya ito ng kape. Napangiti siya. "O kaya naman tutor nalang ng kapatid niya o kaya naman anak." Napasimangot siya sa ideyang may anak na ito. Malamang kapatid meron pa ito o kaya naman pamangkin." Lumiwanag ang mukha niya. "O kaya naman pagbibigyan nalang niya ko kasi maganda ako." Napahagikgik siya sa isiping iyon.

Napatigil siya sa pag-iimagine nang makarinig ng sutsot. Hinanap niya kung saan ang pinanggagalingan nun.

"Cash" tawag mula sa baba. Nawala ang kulay ng mukha nang makilala ang nagmamay-ari ng tinig.

Itinaas niya ang kamay upang kumaway bago tumalikod. "Patay, sinusundo na ko ni kamatayan." Kagat ang daliring dali-daling bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Nadatnan niya si Caloy na nakamaang sa harap ng sasakyan niya.

Kagat ang labing humingi siya ng pasensya ng rumihistro ang pagkagimbal sa mukha ng kaibigan.

"A-anong nangyari Cash???" Hindi makapaniwalang bulalas nito.

Napakamot sa ulo ang tinanong at unti-unting isinalaysay kung paanong ang hindi pa niya nababayarang sasakyan ay nawarak ng ganoon.

"Naku naman Cash. Ni hindi mo pa nga nakakalahati ang bayad niyan diba.." anitong iiling-iling.

"Eh oo nga pasensya na. Minalas lang talaga ako. Pati nga yung naka-bangga ko sinisingil ako ng malaking halaga, kung tutuusin pareho lang kaming naperwisyo." Sumbong niya rito

"Naku panu ba yan doble-doble ang gastos mo. Nandito pa naman sana ako para kunin ang hulog mo ngayon at noong nakaraang buwan."

"Huh ngayon naba?" Sabagay ilang araw na niyang hinihintay ito. Napakagat-labi siyang muli.

"Alam mo namang sweldo ko ang ibinabayad mo. Kailangan kasi ni nanay para sa maintanance niya. Medyo nagigipit kasi ang amo ko."

"Ganun ba?" Nasabi nalang ni Cash. Actually naitabi na talaga niya ang pambayad niya rito. Iyon nga lang ipapagawa pa muna sana niya ang sasakyan dahil akala niya ay hindi pa maniningil si Caloy.

"Bakit hindi ka makiusap sa nakabunggo mo?" Suhestyon ni Caloy habang inieksamin ang sasakyan.

"Hay naku Caloy, katakot-takot na pakiusap na ang ginawa ko. Kulang na nga lang lumuhod ako sa harap niya. Pero ang damuhong abogado na iyon nungka ba namang gawin akong katulong tutal naman daw hindi ko kayang bayaran ang thirty thousand na pinapabayaran niya." Sabay irap ng muling maalala ang binata.

Huminto ito sa pagsuri ng sasakyan niya at nilingon siya "Abogado ang nakabungguan mo??"

Nakagat niya ang hintuturo sabay tango. "At mayaman pa. Ewan ko ba at masyadong importante sa kanya ang maparusahan ang isang taong nagkasala." Nayayamot na komento ni Cash.

Nagkibit-balikat ito. "Sabi mo nga abogado." At muling bumalik sa pagkalikot sa sasakyan niya. "Nagagamit mo paba to?" tanong nito at pilit inaabot ang isang kablye.

Tumango siya. Saka lumapit kay Caloy at bumulong "Alam mo ba, gwapong abogado yun. At sobrang yaman pa."

Tumaas ang kilay nito. "Hindi bat masyado ka namang eksaherada."

Book II: The Martinez Siblings / Sa isang sulyap moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon